Manong Tsuper (One Shot)

161 2 0
                                    

  “Sa araw-araw na pagsakay ko sa dyip ay iba’t ibang klaseng tao ang aking nakakasalamuha. Bawat isa ay may kanya -kanyang layunin at destinasyon. Ipinagkakatiwala nila ang kanilang buhay sa drayber na maghahatid sa kanila tungo sa kanilang pupuntahan.  Tulad ko, nais kong matuto at makapagtapos ng pag-aaral kaya naman nandito ako ngayon, ipinagkakatiwala ang aking buhay kay manong tsuper.”

            Sa  pagdating ko sa paaralan, sinalubong agad ako ng maaliwalas na ngiti ni Carla. Siya ang nag-iisa kong kaibigan sa aming paaralan. Iba siya sa lahat, para bang napakagaan ng mga problema kapag siya ang kasama ko. Inaamin ko na minsan pakiramdam ko ay unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. Hindi naman iyon imposible sapagkat mabait, matalino, at masiyahin siyang tao. Pero pilit kong iwinaksi ang nararamdaman kong ito para sa kanya, kaibigan ko siya kaya hindi ito maaari.

            “Josef, kanina pa kitang tinatawag. Bakit ang tahimik mo ata ngayon?” pukaw ni Carla sa akin. Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdam ang maamo nyang mukha. Meron syang mapupungay na mata, matangos na ilong, at pantay at mapuputing mga ngipin. Hindi maipagkakaila na maganda nga si Carla ngunit may kapayatan nga lamang ang hubog ng katawan nito at halata din sa kanya ang pamumutla.

“Wala naman.” Matipid kong sagot sa tanong niya kanina. “Teka, nagpuyat ka na naman ba, Carla? May sakit ka ba? Bakit sobrang putla mo naman ata?” Sunod sunod kong tanong sa kanya habang sinasalat ko ang kanyang noo upang tingnan kung may sakit nga ito.

            “Ah hindi… wala akong sakit. Napuyat lang siguro ako sa pag-aaral kagabi. Malapit na din ang exam. Nag-aral ka na ba?” pag-iiba niya ng usapan.

            Kagaya nga ng sinabi ko kanina, matalino si Carla. Kaya nga siguro binansagan din syang walking encyclopedia sa aming paaralan. Dahil sa kanya, sinisipag din akong mag-aral. Hindi na ako kagaya noon na halos babagsaking grado ang nakukuha, palagi nga akong tinatanong ng mga guro namin noon kung kamag-anak ko daw ba si Machete dahil puro palakol ang grado ko.

            “Oo naman! Ako pa, gusto mo pataasan pa tayo ng grade sa exam.” pagyayabang ko sakanya.

            “Sige ba. Kapag mas mataas ang nakuha mong marka kaysa sa akin bibigyan kita ng regalo. Pangako.” Sabi nya sa akin habang nakangiti. Ito ang unang beses na sabihin niya iyon. Kalimitan, tuwing hinahamon ko sya sa pataasan ng marka ay tatawanan nya lamang ako at sasabihing ‘asa ka pa’. Nakakapanibago ang mga ikinikilos nya, parang may mali ngunit ayaw nya lamang sabihin.

            Araw na ng pagsusulit, ilang minuto na lamang ay mag-uumpisa na ito ngunit hindi padin dumadating si Carla. Ewan ko ba pero parang nakadama ako ng kakaibang kaba sa mga oras na ito. Natapos na ang araw ng pagsusulit ngunit hindi ko nakita kahit ang anino ni Carla. Kapag hindi sya makakapasok, nagpapadala naman sya ng excuse letter sa aming guro ngunit wala namang nababanggit ang guro namin tungkol sa pagliban niya.

            Sinubukan kong tanungin ang mga kaklase namin tungkol sa pagliban ni Carla, baka kasi may alam sila, pero lalapit pa lang ako ay iniiwasan na nila ako. Kagaya ng sinabi ko kanina, si Carla lang ang nag-iisa kong kaibigan dito. Masama kasi ang ugali ko kaya takot sila sa akin. Pero noon yun, nung hindi ko pa nakikilala si Carla, nagbago na ako ngayon. Si Carla lang ang nag-iisang taong nagpaunawa sa akin kung ano nga ba talaga ang buhay. Siya ang taong nagturo sa akin kung paano ulit maging masaya pagkatapos kong malugmok sa lahat ng problema.

            Lumipas ang isang linggo ngunit wala padin akong nakikinig tungkol sa kanya. Sinubukan kong pumunta sa bahay nila ngunit wala naman laging tao dun. Hindi ko sya magawang tawagan kasi wala naman syang cellphone.

Manong Tsuper (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon