Chapter 4: Weird

6.8K 116 18
                                    

CR to: Julian Moit

**

*Chapter 4: Weird*

Lexie's POV

Kinabukasan

"Oh ano Lexie, tulala na lang forever?" napablink ako bigla at napalingon kala Megan. Nakatingin silang lahat sa akin.

"H-ha? May sinasabi ba kayo?" nagtataka kong tanong. Napabuntong hininga naman sila.

"Why are spacing out ba? Something happened?" tanong ni Kim.

"Nag-space out ba ako?" napa-face palm tuloy sila.

"Naku girls pigilan nyo ko!!" pagpipigil ni Mandy na sapukin ako. Umiwas naman ako kasi baka bigla akong batukan eh.

"At talagang tinanong mo pa kami kung nag-space out ka eh noh?" -Megan

Nanahimik na lang ako at bumuntong-hininga. Ewan ko ba! Nilapitan naman ako ni CharLei at pinat ang shoulder ko. Di ako tumingin, naghalumbaba ako at bumuntong-hining ulit.

"Oh ngayon naman bubuntong-hinga din forever?"

"Ano ba kasing problema?" tanong ni CharLei.

"Kasi nagkasalubong kami ni Kevin kanina." panimula ko.

"Ah talaga? Bago yun ah! AMAAAAZING!!" sarastic na sabi ni Zaira. Ano bang problema nitong babaeng toh? Parang ang laki ng galit sa akin.

"Zaira!" suway ni Megan.

"What?"

"Patapusin mo kaya muna si Lexie?" umirap lang sya. Yung totoo? Problema ng babaeng yun? Di ko na muna sya pinansin, nagpatuloy na lang ako.

"Ayun nga, nagkasalubong kaming dalawa pero ang weird nya eh."

"Weird?" tanong nila. Tumango ako.

*Flashback*

Papalakad na ako papunta sa locker ko para maglagay ng mga librong di ko kailangan nung pagliko ko nakita ko si Kevin, naglalakad at magkakasalubong kami. Ayan nanaman eh! Bumibigat nanaman yung dibdib ko. Naalala ko nanaman yung sinabi nya nung nagdinner kami. Yumuko na lang ako para hindi ko sya makita.

Ayan na magkakasalubong na kaming dalawa. Nalagpasan ko na sya at makakahinga na sana ako ng maluwag nung nagulat ako kasi biglang may humawak sa wrist ko at hinila ako sa kung saan.

Napatingin ako sa humihila sa akin at nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino.

"K-Kevin?" tawag ko pero hindi sya sumagot, patuloy pa din sya sa paghila sa akin. Nung nakarecover ako sa pagkagulat ko nagsimula na akong pumiglas sa kanya, "Kevin bitawan mo ko!!" sabi ko at pilit na tinatanggal ang kamay nya sa wrist ko pero lalo lang nyang hinigpitan. Masakit yung pagkakahawak nya.

"Saan mo ba ako dadalhin?? KEVIN!!" nagtitinginan na yung mga students na nadadaanan namin. Hindi pa din ako sinasagot ni Kevin. Nanahimik na lang ako pero naramdaman ko na sumasakit na yung wrist ko na hawak nya, "aww.." mahina kong sabi at sa tingin ko eh narinig nya kasi niluwagan nya yung hawak nya pero hindi sobrang luwag.

Hindi kami nagsasalita. Shet san ba ako dadalhin nito? Panay kami akyat eh. Hindi rin nagtagal ay may pinasukang pintuan si Kevin at nakita ko na lang ang sarili ko na nasa may rooftop. Tumigil sya sa paglalakad pero nakahawak pa din sya sa wrist ko. Parehas kaming hinihingal. Nakatalikod pa din sya sa akin. Tumingin ako sa likod nya, nakikita ko yung pagtaas-baba ng balikat nya dahil sa pagod. Bumaba naman ang tingin ko sa kamay nya na nasa wrist ko.

OURS (Nerdy Princess♥♥ Book 4) *Her Story* [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon