the main characters

31 4 0
                                    

justin's pov

"justin! gumising ka na nga jan?! tanghali na hoy ano ba! may recording ka pa ng 9am 8:30 na oh na tulog ka pa rin tatanghaliin ka na oh maliligo ka pa!" pangigising sa akin ni ate ryen tsk! ang sarap pa ng tulog ko eh..

" ate naman eh natutulog pa ako eh..di ba pwedeng matulog muna ako kahit isang oras pa ulit! antok na antok pa ako eh??" sagot ko habang nagkusot kusot pa ako ng mga mata ko at naginat inat pa..

" hay nako justin okay lang sana kung wala kang lakad ngayon eh pwede kang matulog kahit na ilang oras pa gusto mo pero hindi pwede dahil may recording ka pa ng 9am at 8:30 na pagkatapos ng recording mo may guesting ka pa sa tv at isa pa kanina pa ako tinatawagan ni cherry hindi ka daw sumasagot sa tawag nya..kaya tumayo ka na jan at maligo kung ayaw mo kaladkadin kita papunta sa banyo at ako pa magpaligo sayo bilisan mo na!" singhal sa akin ni ate ryen kaya kahit napipilitan eh tumayo na ako bago pa kami mag away na magkapatid...

" bilisan mo ah..hintayin ka namin sa baba kanina ka pa hinihintay ni mommy dun niluto pa naman nya yung paborito mong breakfast.." si ate saka tuluyan na lumabas ng kwarto ko..tsk! antok na antok pa ako eh galing kasi ako sa party ng kaibigan ko kagabi at nawala sa isip ko na may guesting at recording ako ngayon..tsk!.makaligo na nga muna..

in just 10 minutes tapos na ako maligo kaya nagbihis ako agad at dali daling bumaba sa dining kung saan naghihintay sina mommy at si ate ryen si daddy? ewan ko sigurado ako umalis na yun maaga yun umaalis para pumasok sa opisina eh..

" oh justin ijo buti naman gising ka na ano ka ba namang bata ka may gagawin ka pala ngayon nagpatanghali ka ng gising kung di ka ginising ng ate mo malamang pupuntahan ka na dito ni ate cherry mo...anak naman matuto ka ngang mag manage ng oras mo..hindi habang panahon andito kami ng ate mo para i remind ka palagi sa mga activities mo as a celebrity.." sermon pa ni mommy sa akin habang piniprepare nya yung breakfast ko nakaugalian na nya yan eh gusto nya sya lagi ang naghahanda ng kakainin ko..

" ma kanina pag gising ko sinermonan na ako ni ate ryen sapat na sa akin yun wag nyo na dagdagan yaan nyo po from now on i'll try my best to manage my time for my daily activities lalo na sa career ko.." sagot ko naman..at nagsimula na akong kumain ng paborito kong breakfast na hinanda ni mommy for me...

" eh pano naman na hindi kita sesermonan eh ako ang kinukulit  ni cherry sa ginagawa mo hindi mo sinasagot mga tawag at text nya buti naman at naisipan mong sumunod agad sa akin kundi kakaladakdin talaga kita patungo sa banyo..ako mismo papaligo sayo ng magising ka" si ate ryen..hay sermon again..pero kahit ganyan yan si ate sa akin napakabait na ate nyan sya lagi nag aasikaso sa akin pag wala si mommy pero not all the time kasi may trabaho din naman sya..

" kaya nga gumising na ako agad eh mahirap na baka paliguan mo pa ako ng wala sa oras.." sagot ko habang kumakain..

" buti naman alam mo kaya bilisan mo na jan dahil nagtext na naman yung manager mo ikaw na lang daw ang hinihintay nila sa studio.." si ate..

"ay ang mga anak ko alam nyo ang sarap nyong panuorin pag ganyan kayo lagi..sige na alis na kayo baka mahuli pa kayo sa mga lakad nyo..justin ingat sa pagmamaneho ah baka mamaya maaksidente pa kayo ng ate mo..

" ay ma hindi po ako sasabay kay justin ngayon kasi pag sumabay pa ako jan ihahatid ako sa trabaho ko eh lalo lang yan malate sa recording nyan kaya sa driver na lang ako magpapahatid" si ate..

" oo nga po mommy ma traffic pa naman ngayon..baka lalo ako igisa nun ni ate cherry alam nyo naman yun...sige po mauna na ako" paalam ko sa kanila saka lumabas na ng bahay at sumakay sa kotse ko habang binubuksan ng maid yun gate..

boyfriend..(justin bieber fanfic)Where stories live. Discover now