SANIB

241 1 0
                                    

Ang istoryang ito ay nakakatakot talaga di ko akalain na totoo pala talaga ang mga bagay na ganito sa mundo , kasi sa teleserye or movie lang natin to nakikita PERO i swear to god nakakita talaga ako personaly sa kapitbahay namin sa CARMEN,CAGAYAN DE ORO CITY  katabi ng bahay nila ang katapat namin na bahay ... (getx nyo ? )

Nnangyari to nung grade 6 pa yata ako .. di ko na maalala , itago nalang natin sya sa pangalan na ATE JOY , si ate joy ang klase ng tao na napakatahimik,mahinhin,at napakabait , sa buong carmen sya lang ang kakilala kung hindi nag say say ng bad words shes a catholic ...

isang hapon habang naglalaro kami ng badminton sa tapat ng bahay nila kasama ang mga kababata ko na sila wayne , narinig namin na biglang nagsalita si ate joy sa may gilid namin kasi pinapanood nya kami maglaro sabi nya "NANDYAN NA SILA "  nagtaka kami sinong nandyan .. itinuro nya ang gate nila ...hindi na lang namin pinansin si ate mga bata pa kasi kami nun walang paki sa mundo (hehehe, joke ng konti mabigat eh!)

pagkagabi nun nagulat na lang kami ng maraming tao ang nakaabang sa labas ng bahay nila ate joy , lumabas din ako pero pinigilan ako ni mama "WAG KA NG LUMABAS" .. dahil sadyang matigas ang ulo ko lumabas pa rin ako , lalo ng narinig kung sumisigaw si ate joy , natakot ako baka kasi inaaway sya ...

nasa labas kami lahat ng mga kapitbahay kasi di kai pinapasok ... tapos lalong lumakas ang bulong-bulongan ng dumating ang isang pari ! nagataka na ako anu ba talaga ang nangyayari ?  tumabi ang isa kung kababata si LADY sabi nya "SINANIBAN SI ATE JOY ! NASA LOOB ANG MAMA KO KASAMA NILANG NAGDADASAL "... nanindig ang balahibo ko ,, ng biglang

"aaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh" , BOSes yun ni ate joy sumisigaw sya habang dinadasalan ng pari at ng mga kapitbahay ! tapos nun nilagay ng pari sa dibdib nya ang BIBLE  biglang sumigaw si ate na naman 

"MAAAAAAA , MABIGAT ! ALISIN NYO YAN !" sabi nya , napakalakas ni ate joy 6 na tao ang nakahawak sa mga kamay at paa nya ... nag iba na rin ang mukha nya parang nagkabalbas ang mukha nya ...

lalo kaming natakot lahat ng sumisigaw si ate joy ng "AKIN SI JOY ! AKIN SYA ! AKIN SI JOY ! " tapos biglang

"BLAG !!!"

ANG bubong nila biglang may lumagapak ! eh wala namang hangin , napasigaw na kami sa labas ...

after 30 minutes tsaka pa tumigil si ate joy at nakatulog ...

*************

THE NEXT DAY

naglalaro pa rin kami sa labas , wala si ate joy pumunta ng SM daw kasamaang kapatid nya , pagka 6pm nakauwi na sila at sinaniban na naman si ate joy ... nagtataka naang lahat kasi every 6pm sya sinasaniban .. naaawa na ang lahat kaya tinulungan sya ng kapitbahay namin na itago na lang natin sapangalan na TE VERGIE nagwawala na naman si ate joy kaya napagdisesyunan na nilang dalhin sa albularyo isinakay nila ng motorela si ate joy at dinala sa albularyo .. maraming ritwal na ginawa ang albularyo may ipinainom ito na itlog kay ate joy tsaka lang ito kumalma at may ibinigay na langis ang albularyo ilagay daw ni ate yun sa katawan nya ...

nang gabing yun habang natuutlog daw si ate joy nanaginip daw sya na ipinapakain sya ng ITIM NA KANIN AT MANSANAS  pero ayaw daw talaga nyang kainin nagpupumiglas sya ! nagising si ate joy na pawis na pawis  nagulat sya ng makita nyang wala na syang pang itaas na damit pero ang nasa baba nandyan pa ntakot si ate joy ng may makapa sya sa bulsa ng short nya nandun ang langis na bigay ng aslbularyo sabi nya sa amin hindi daw sya tuluyang nahubaran ng demonyo dahil nasa katawan nya ang langis , nasa short na ...

Halos araw-araw na sinasaniban si ate joy every 6pm hindi na kinaya ng magulang nya kaya napagdisisyunan nilang lumipat na lang ng bahay ...

mula noon di na kami nakarinig ng balita kina ate joy .. hanggang sa nakita namin ang kapatid nya tinanong namin anu na ang nangyari kay ate sabi ng kapatidnya hindi na daw sya sinasaniban magmula nung ikinasal sya sa simbahan , oo nung nag asawa na sya tsaka sya di na ginambala ...

( matagal na tong nangyri pero sariwa pa rin sa alaala namin , buti na lang at wala na ang gumagambala sa kanya pero ... WALA NA BA TALAGA ? )

KABABALAGHAN SA CARMEN,CAGAYAN DE ORO CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon