Chapter 1

71.5K 1.2K 58
                                    

~Her's POV~

Saan na ako pupunta ngayon?! Wala naman akong kakilala dito sa France TT_TT

Puntahan ko kaya si Shane? Haist! Hindi ko naman sila pwedeng istorbohin ng asawa niya!

Patuloy lang ako sa pagdrive habang naka busangot, tss!

~Hoy chix may tawag ka! Gwapo to kaya sagutin mo! Hoy chix may tawag ka! Gwapo to kaya sagutin mo!~

Aish! Nasaan ba kasi yung phone ko?! Napatingin naman ako sa ilalim ng upuan sa passengers seat.

Aha! Diyan ka lang pala ha!

Yumuko naman ako para makuha yung phone ko pero hindi ko parin itinitigil ang pagdradrive dahil feeling ko master ko na tong daan kahit no look pa yan pwede akong magpaka Vin Diesel.

"Ayan na! Malapit ko ng makuhaaaa!" Sabay stretch ko pa lalo ng kamay ko

BOOGSH!

"Aray!" Napahawak naman ako sa ulo kong nauntog, waaaah! Ang sakit! Medyo tanga ako dun pero byutipol parin naman TT_TT

Inangat ko muna yung ulo ko para tingnan kung saan tumama yung kotse ko at...

Isang... LAMBORGHINI?! O.O

"CRAP" Sigaw ng lalaking kakarating lang, huhu! Sa pormahan palang mukhang siya ang may ari ng Lambo. Gusto kong tingnan yung reaksyon niya kasi wala lang, trip ko lang pero hindi ko makita kasi nakatalikod siya!

Bumaba ako sa kotse ko para sana mag sorry pero akala mo naman papatawrin ka ng taong yan? Gagong to nanira ka, Miyel! Pero mas masakit parin pag relasyon ang nasira! MASAKIT! Charot!
Aish! Bahala na nga!

"Uhmmm Sir, I'm sorry! I didn't-----"

HUWAWEI HUWAW WAWAWAW TAP TAP! O.O He looks familiar! H-he's...

"YOU!" Sabay turo niya sakin, ANONG GAGAWIN KO?! Hahablutin niya na sana ako pero tumakbo kaagad ako papaunta sa sasakyan ko, Kyaaaah! Bakit naka lock?! Pagtingin ko sa loob.

My key! Oh sht! Tiningnan ko naman si Mr. Lamborghini, kyaaaah! Papunta na siya sakin

Kelangan ko na gamitin ang super speed ko! Mamamatay ako kakatakbo nito eh! May asthma pa naman ako TT_TT

"KYAAAAAH!" Bigla akong napatili dahil hinawakan nya ako sa balikat kaya sa sobrang kaba ko sinipa ko siya where it hurts the most

"Damn it!" Sabay hawak niya sa kanyang kayamanan

"Please don't hate me! I'm sorry!" At naglumpasay na siya sa sahig! Kelangan ko ng umalis dito!

"Sir!" Napatingin naman ako sa pinanggalingan ng boses

O.O Asdfghjkl! This day is worst than Monday.

No choice! Sorry talaga Tommy! Kelangan na kitang saktan! Huhuhu! Kawawa naman yung kotse ko!

Binasag ko na yung salamin ng sasakyan ko at pumasok agad. Kelangan ko ng tumakas dito!

VROOM~~~

"Huhuhu! Tanya, paano nato?" Tanong ko sa kaibigan ko, pasalamat ako at merong photo shoot dito si Tanya sa France! Kundi lagot na!

"Shungaks ka talaga! Mapapaaga ka talagang bumisita kay San Pedro nito! Sinampal mo na nga siya tapos ngayon naman dinagdagan mo pa! At ang masaklap, sinipa mo pa siya sa kanyang kayamanan!"

Alam ni Tanya na pinaghahanap ako ng mga mafia pero pasalamat naman ako na hindi nya ako pinaalis kahit alam niyang delikado akong makasama dahil pwede siyang madamay!

At oo! Yung mafia boss ang siniraan ko ng sasakyan! Okay sana kung Honda lang yun pero hindi!

Lamborghini yung nasira ko! At pwede rin masira ang kinabukasan nya dahil sinipa ko ang kanyang hinaharap TT_TT sorry sa magiging asawa niya baka hindi niyo magawa si Jr.

"Natakot kasi ako" Sabay yuko ko, malapit na ba talaga akong sunduin ni kamatayan?

"Hay naku! Sumama ka kaya sakin pumunta sa Pinas! Sigurado akong pinaghahanap ka na dito!" Sabay upo nya sa gilid ko, Napabuntong hinga nalang ako

"Mahahanap parin nila ako Tanya, at sigurado akong hindi nya malilimutan ang mukang sumipa sa kinabukasan nya" *pout*

"That's it! Kelangan mo lang ng make over!" Bigla namang nagliwanag ang muka ko! What a nice idea! *0*

"Tanya! Ang galing mo!" Sabay hampas ko sa braso nya

"I know right!" Sabay tawa nya!

Hihihi! Hindi na ako mahahanap ni Mr. Mafia Boss! Super galing talaga ni Bespren Tans!

"Ahh, Miyel! Wear this" Sabay abot niya ng... NERDY GLASSES?!

I look at her puzzled "Oh! Kelangan mo magpaka Nerdy na manang!" Sabay smile nya ng nakakaloko

"NO WAY!"



....................................................................

A / N : Waaaaah! TT^TT hindi ko alam kung lamo o ano. Wala kasi akong tulog kaya masyadong sabaw yung utak ko. Sorry po! Gagalingan ko nalang next time :))

Thank you! ComVo ♡ ♡ ♡

I'm being chased by the mafia boss! [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon