Continuation II

63 1 2
                                    

"Tara Irish, bili tayo snack," aya ni Cassidy.

Sa totoo lang, medyo nagtatampo pa ako sa kanya dahil ganun-ganun na lang niya binigay number ko kapalit ng libre! Kainis! Pano ko ba to naging kaibigan?

"Ok," matamlay na sagot ko.

Papasok na kami ng canteen ng may nahagip ang aking pretty eyes.

Si Marco. Kasama ang tropa niya.

Bigla namang humigpit ang hawak ko kay Cassidy. Hindi dahil andito si Marco, kundi dahil sa lecheng Lewi---

"Irish!!" Oh Gosh. Kill me now.

"Uy Irish, andyan si Lewis oh." Isa pa tong Cassidy na to eh.

Lumapit si Lewis. " Ba't di ka nag-rereply?"

"Huh? Wala akong load eh," pagdadahilan ko.

"Ahh. Ganun ba? Ok. See you around Irish!" at umalis na siya.

"Wala daw load pero minu-minuto ang GM," bulong ni Cassidy.

"Heh! Di ko naman siya crush eh. Buti sana kung siya si Crush. Kahit bawat segundo pa yan, magtetext talaga ako."

"Hoy! Anong crush yang naririnig ko sa inyo ha!" At eto pa isang panira. Si Elissa.

"Wala. Sabi ko CRASH. May na-crash," palusot ko.

"Hoy Cassidy, nagsasabi ba to ng totoo? Di na kita papakopyahin kapag ipinagtanggol mo to." Haay buhay. Eto na naman si Cassidy. Andali lang neto ma-blackmail.

"Nagsisinungaling siya. Andito kasi crush niya." At binuking pa talaga ako ng bruha. Amp!

"Waaa! Talaga? Si Irish may crush?" Ang exadg naman ng reaction ng mga to.

"Yep. Si Ma--"

"Subukan mo Cass. Malalagot ka sa akin." Naku, di pwede malaman ni Elissa. Kung di niyo natatanong eh nililigawan ni Marco si Elissa. Mapapahiya ako for sure.

Mukhang natauhan naman si Cassidy. By the looks of it, mukhang tinitimbang niya kung saan siya boboto.

"Yung nanghiram kay Irish ng flashlight." Naks. Traydor na to. Waaa! Alam pa naman nila kung sino nanghiram sa akin ng flashlight.

"Huh? Sino sa kanila?" Mukhang clue-less pa siya ah.

" Basta itanong mo na lang." Waa! At sumunod naman si Elissa.

Omo. Kinakabahan ako ng bonggang-bongga! Pano pag nalaman ni Elissa na may lihim na pagtingin ako sa manliligaw niya? Waaa! Mapapahiya ako nun pag nagkataon!

Ayan na! Pabalik na si Elissa, with a questioning look on her face. 

Mukhang alam na niya! Oh Lord! Kill me now!

I know i'm just exaggerating. Pero.. GEEZ! Alam niyo bang balak na sagutin ni Elissa mamaya si Marco? Ok lang naman sa akin na maging sila eh, pero mapapahiya talaga ako kay Elissa. Ano na lang ang tingin niya sa akin?

"Irish." Help! Help! Nagsasalita na siya! Gusto ko na atang tumakbo!

"Ano daw sabi?" Eto pang isang pahamak eh! Kundi dahil sa kanya, di sana ako maiipit ngayon!

"Di ko gets eh," at napakamot na lang si Elissa sa batok niya.

"What do you mean by 'di ko gets'?" Wala na. Di ko na kaya manahimik eh.

"Sino daw ang sabi nila?" tanong naman ni Cassidy.

"Si Lewis."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 11, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nang Dahil sa FlashlightWhere stories live. Discover now