Chapter 3:Trouble sa Science Subject

210 4 0
                                    

Science time na, wala parin kaming maipapasa na project. Nakakainis kasi tong mga kagroup mates ko. ayaw makipag-cooperate adi yun nagsisitarantahan sila kahit sila din naman ang may kasalanan, may sayad lang ba ?

Naghalungkat ako ng gamit ko sa bag baka meron akong materials dun na pwedeng magamit para sa project pero bakit nga ba ako lang ang nagaasikaso nito ?

flash back lang tayu ng saglit

Nag groupings yung teacher namin sa 4 groups. Grabe, dun sa napuntahan kong grupo, puro bobo este tamad, (kahit rin naman ako), pero diba ang saklap naman nun kasi wala kang maaasahan dun na matalino at maasikasong leader, para mahatak yung grades ko.

kaso may isa pang bad news, kagroup ko rin si Aaron, nakakahiya! anong gagawin ko? Ewan ko kung bakit ganito yung nafefeel ko, ayaw ko lang kasi mapahiya sakanya? pero saang paraan? jusko. ang hirap pala pag may sayad ka na.

Nagtipon-tipon na kami ng mga kagroupmates ko, wala lang man akong kaibigan dun ni isa, kaya bumaba tuloy yung self-confidence ko, at isa pa, puro kasi pagpapaganda at pagpapapogi lang ang alam nila kaya na O-OP ako. AND GUESS WHAT ? ginawa pa nila akong Leader. No choice kasi walang gusto mag volunteer, puro kaartehan. sarap lubog yung mukha sa kanal.

OKAAIII FINEEE, pagkatapos nun, nagassign na ko ng mga chuva eck eck na dadalhin BUKAS, kaso di ko nakausap si Aaron ,akala ko ba naman ito na yung chance para makausap ko na siya, Anak ng Tinapa naman! may aasign pa naman na ako sakanya kaso Nag-CR siya tapos pagbalik niya tapos na ang klase, yun pa naman yung pinakahuling subject.. hay buhay

~kinabukasan~

"tess sori wala ako dala"

"sori din tessa wala din akong dala"

"hui na wala sa isipan ko"

"Tessa ikaw na lang bumili , o ito bente"

LAHAT YAN SINABI NG MGA HINAYUPAK KONG KAKLASE.

o diba mga palakang yan di lang man nagtake responsibilty sa mga pinadala ko yun lang naman dadalhin nila eh. Si Aaron di lang man nagsasalita, tingin na lang ng tingin sa paligid.

~present~

So ayun yung nangyari. Sa sitwasyon ko ba, di ka ba maiinis at hindi ba lalabas ang usok galing sa ilong,tenga at pwet mo dala ng pagkainis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

(Discontinued) Bakit ikaw ang crush ng crush ko?Where stories live. Discover now