[/]Passenger's Necklace

1.2K 36 13
                                    

Son Na Eun

Myungsoo

~

I thought she is just a stranger...

I thought she is just a passenger...

But that was only a thoughts..

I never thought that she is the Girl that I'm going to fell in love with ...

~

Agad akong sumakay sa bus papuntang manila. Medyo na late na din kasi ako ng gising. Pagkasakay ko ay wala na akong makitang vacant seat except sa pinakadulo. Hayst ayoko pa naman doon pero no choice kaya naman umupo na ako. Akala ko makakaupo ako sa malapit sa bintana pero nagulat ako ng makita ko ang isang babaeng nakasandal doon sa bintana at natutulog. Hindi ko masayadong makita ang mukha niya dahil natatakpan ng mahaba niyang buhok. Since nakatabi ako sa kanya. Ewan ko ba, pero parang di ako makomportable. Siguro ay di lang ako sanay na sa likod ako nakaupo.

Ilang minuto din yung biyahe, nasa express way na kami kaya nakaramdam ako ng pagkaantok. Tss. kung nasa bintana lang ako. Di ako mahihirapan ng ganito. Kainis. Nilingon ko yung katabi kong babae. Natutulog pa din siya. Nakakainggit naman. Titiisin ko na lang muna siguro.

After ilang minutes nagising ako sa excuse nung babaeng katabi ko. Yung natutulog sa bintana kanina. Napatingin ako sa paligid ko. Lahat ng pasahero ay nagbababaan na, nasa maynila na pala kami. Nabalik ang tingin ko sa babae. Maganda siya pero simple. Pinadaan ko na siya at nauna na siyang bumaba sakin. Tatayo na sana ako nung naglaglag yung panyo ko. Pinulot ko pero kasabay nun ay may napansin akong kumikinang, pagkataingin ko. Isang kwintas. Pinulot ko at ang nakalagay sa kwintas ay isang shooting star na na naka crystalized kulay pink.

Bigla kong naisip yung babae kanina. Di kaya sa kanya to? Sinubukan ko siyang habulin pero hindi ko na siya nakita. Napabuntong hininga ako. Sana makita ko pa siya. Mukhang sa itsura kasi ng necklace na to parang antique na din ang itsura. 

Pumasok na lang ako sa trabaho ko at binulsa ko muna yung necklace. Isa nga pala akong Doctor at naka assigned ako sa St. Luke's Hospital. Meron akong isang pasyente na nagngangalang Sunny. Meron siyang leukemia at age of 7 years old. Siya ang pinakapaborito ko sa mga pasyente ko dahil sa bukod sa matalino ay masayahin siya kahit alam niya na na kahit anong oras pwede na siyang mamatay.

"Good morning Dr. Myung, buti po dumating na kayo." Yan agad ang bati sakin ni Sunny nung pumasok ako sa kwarto niya. Nakakaawana ang itsura niya pero hindi niya pinapakita samin na nahihirapan siya.

"Gusto lang kitang i check kung may kasama ka na ba?"

"Hindi nga po makakapunta si mama kaya yung ate ko na lang po ang makakapunta dito. Babantayan niya po muna ako for 1 week. Excited na nga po ako eh." 

"Ate? Mga ilang taon na ang ate mo?" 

"Mga kasing edad niyo lang din po yun doc. Ang trabaho niya ay isang teacher sa nursery."

I nodded. Bigla ko na naman naisip yung misteryosang babae na nakatabi ko sa bus kanina at ang nakaiwan ng necklace.

"Ah, Sunny? Balikan na lang kita dito mamaya ah. May aasikasuhin lang akong ibang pasyente."

"Ah sige po doc. Sana maabutan niyo mamaya si ate. Promise doc maganda po yun."

Napangiti na lang ako at napailing. Saka na ako lumabas at pumunta na sa iba pang pasyente.

~

Hala, saan ko ba yun nilagay? Baka malungkot si Sunny pag nakita niyang di ko suot yung kwintas na binigay niya. Alam ko nasa bag ko lang yun eh, nasan na ba kasi?

One Shot Stories of APinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon