[CHAPTER 6: WALLS IN THE PAST - PART 3 // Break up.]

3.5K 39 23
                                    

Salamat sa pagaantay ng update! Hehehe~ Nainspire ako sayo teh. :* Love love. ♥

VOTE. LIKE. COMMENT. :)

XOXO, 

mira ♥

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

PART 3 // Break up.

BUT JUST like any other relationship hindi maiiwasan na magkaroon ng away. Or worst ng hiwalayan.

Almost a year na ang relationship namin ng madiskubre kong may nagiging kabit siyang lower batch. Hindi ko yun sinabi kina Gielean at Simmy dahil panigurado gyera ang magaganap di lang sa kanilang tatlo kundi sa buong batch namin.

Ang sabi niya, play time lang daw yon. Shempre nainis ako. Play time?! Anong akala niya sa mga babae laruan? Kahit pa play time yun, babae rin ako. Ang panget sa feeling na malalaman mong pinaglalaruan ka lang. Muntik na yun maging dahilan ng break-up namin. Kung hindi lang talaga siyang nageffort na pumunta ng bahay at maghintay sa labas ng gate with matching white roses and a teddy bear hanggang sa mapatwad ko siya eh hindi ako makikipagbati sa kanya.

Kinausap pa ako non ni Kuya nung nakipagbalikan ako..

Ang sabi pa niya,

“Iya, ang relasyon parang kuryente sa poste. Kapag may nakiki-jumper humihina ang spark. Kaya maging matalino ka. Huwag mong hayaan na tuluyan kayong mawalan ng spark dahil sa jumper na yon. Hangga't kayang gawan ng paraan gawin niyo, pero kung hindi na, maybe it's time para magpalit ka na ng linya ng kuryente.”

Akala ko, yun na ang magiging huli...

“Ano na naman to JC, sino na naman tong Jasmin to?! May pumalit agad kay Edjil?!”

Hindi niya ako sinasagot.

“Ilang beses na to Jays, ano ba? Gusto mo pa ba talagang ituloy to?”

“O-oo naman!”

“Eh bakit ganito? Nung isang beses ibang babae naman! lower year pa!”

Hindi na naman niya ako sinagot.

“Jays, sa tingin ko, tama na muna.”

“Iya, Jhi, no please. Hindi na ko uulit. Wag mo lang akong iiwan.”

Hinawakan niya ako sa may braso para pigilan ako sa paglakad.

“Iya wag naman ganito. Kaya pa naman nating ayusin to diba? Wag ka namang maggiveup agad.”

“Ang hirap JC. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar sa buhay mo. Pagod na ko.”

“Iya, mahal kita. Mahal na mahal kita!”

Tumingin ako sa kanya.

“Mahal? Mahal mo ako? Eh bakit may ganito?!”

“Sorry di ko naman sinasadja.”

“Sorry?! Hanggang kailan ka magsosorry para sa kasalanang sabi mo nga hindi mo sinasadja.”

“Gusto ko magsorry kahit alam kong walang magagawa. Hindi para pagaanin ang kunsensya ko o kung ano pa man. Kundi para makita mo na andito ako. Handang magbado kung bibigyan mo pa ulit ng isa pang pagkakataon. At sa oras na mapatawad mo ako at tayo pa rin, handa na akong panindigan ang relasyon natin. Sana mapatawad at matanggap mo pa ako ulit.”

Tiningnan niya ako. Nagsusumamo ang mga mata niya na huwag kong ituloy ang binabalak ko.

“Tama na Jays. Ayoko na. Palaging ganito ang nangyayare. Magkakaroon ka ng kabit tapos kapag nalaman ko magsosorry ka tapos uulit ka na naman.”

Yumuko ako. Pinipigilan ko ang mga luhang gusto nang lumabas sa mga mata ko.

“Maglaro ka muna hangga't gusto mo. Siguro sa ngayon hindi ako pwede sa buhay mo kung puro play time ang gusto mo. Ayoko masaktan kaya sorry Jays, I'm breaking up with you. Goodbye.

At tuluyan ko na siyang iniwan don.

Masakit, oo. Pero ano bang laban ko diba? kung di siya magseseryoso hindi pa siguro time para pumasok ako sa buhay niya. Wala akong plano maging parte ng play time niya.

Maglaro siya hangga't gusto niya. At kapag alam na niya kung kailan siya magseseryoso siguro don. Don ko siya bibigyan ulit ng chance.

END OF FLASHBACK.

Strangers Again || COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon