TEXTMATE || ONE SHOT

1.4K 21 14
                                    

~'I dedicate this one-shot to my sissy Idol :D Hi ateh churri napagtripan ko nanaman name mo at ni hubby mo sa story :*

Luxielle's POV:

"You may now take your recess," pagkasabing pagkasabi pa lang niyan ng teacher namin nagkagulo na sila at akala mo parang hindi kumain ng ilang buwan.

ako naman nakaupo lang sa desk ko, agad kong nilabas yung cellphone ko nang makalabas na ang karamihan sa mga kaklase ko. ichecheck ko lang kung nagtext na ba siya.

From: Him<3

Goodmorning Luxielle <3 kain ka ng breakfast, wag ka papagutom ah. Text mo ako kapag nakakain ka na :)

Napangiti naman ako sa nabasa ko. Wala talagang araw na hindi niya ako tinetext, minsan nga magugulat na lang ako natadtad na niya ako ng text eh, but instead of getting irritated I still found it sweet, kasi kahit parang ang kulit niya pinaparamdam niyang hindi niya ako nakakalimutan.

"Sino yan?" Isang nakakairitang boses naman ang biglang nagsalita mula sa likod ko. Tumingin naman ako sakanya. Napalitan ang ngiti ko ng simangot, siya nanaman.

"Pakelam mo?!" pagtataray ko saka ko tinago sa bulsa yung cellphone ko.

"Mukhang may ka-text ka ah, bakit hindi ka nagreply?" ang epal talaga nito kahit kelan. Tanong ng tanong ang kulit kulit, feeling close eh hindi ba niya nahahalata na ayaw ko sakanya?

"Pakelam mo ba?! Close ba tayo?!" inirapan ko lang siya at lumabas na ng room.

"Naks! Dalaga na si Luxielle.. yieehhh~ may boyplen siya!" sinusundan pa rin niya ako. Arrgrh! Hindi ba talaga titigil 'to sa kaka-kulet saakin?

"Pakelam mo kung may boyfriend ako?! Ang kulit mo. Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo?"mnakakairita na talaga siya, pero nakakapagtaka lang kasi kahit anong taboy ko sakanya andyan pa rin siya.

Pero sa totoo lang hindi ko naman boyfriend yung katext ko eh. Kaibigan ko lang siya at katextmate, ni hindi pa nga kami nagkikita ng sa personal eh. Bigla na lang siya nagtext saakin ng 'i love you' eh unkown number siya nun kaya nagreply ako ng 'Hu u' sabi niya wrong send daw siya, hanggang sa hindi ko namalayan na katext ko na pala siya madalas.

"Oh Luxielle bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa nanaman yang mukha mo?" salubong saakin ng kaibigan kong si Cherry. "siguro inaasar ka nanaman nung si Kris no?"

Napasimangot lalo ako nang marinig ko ang pangalan niya, Kris ang name niya pero kung umasta parang tambay sa kalye. Sabay na kaming naglakad ngayon ni Cherry.

"Alam mo. Palagay ko type ka nun eh," napalingon ako ng marahas kay Cherry, yung mukha ko hindi makapaniwala.

"Tumigil ka nga!! epal lang talaga yun no!" nakasimangot pa rin ako pero napalitan ng ngiti yun nang may maalala ako "may Keith na ako."

"Sus!Keith? Eh hindi mo pa nga nakikita yun eh. Atleast si Kris gwapo, mabait naman si Kris eh! Ikaw lang kaya naiinis sakanya-- kunsabagay ikaw lang naman kinukulit niya. Eh si Keith? hindi mo na nga kilala in person, hindi mo pa nakita ang face, hindi ka pa sure kung in-like siya sayo"

ouch </3 tagos naman nun sa heart

"Ang hard mo Cherry ha. Alam ko naman yun eh, pero everytime na nagtetext siya feeling ko mutual kami eh."

I admit na may gusto ako kay Keith. Sa ka-text ko, funny kasi siya at mabait tapos sweet pa kahit hindi naman talaga kayo magkakilala. Oha san kapa?

"Ewan ko sayo Luxielle, gutom ka lang. Ikain mo nalang yan," sabi ni Cherry at hinatak naman ako sa Cafeteria.

Bumili lang kami ng pagkain tapos umupo sa may damuhan sa field malapit sa cafeteria. Nilabas ko ulit yung cellphone ko para itext siya.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Apr 19, 2017 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

TextmateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora