Tadhana [One Shot]

199K 3.1K 679
                                    

"Tadhana"

© luminatina

*

First time is accident.

Second time is coincidence.

Third time... is destiny.

*

"Earielle, may pull-out form ka oh. Excused ka pala mamaya sa klase," sabi ng kaklase ko pagkatanggap ng isang brown paper mula sa isang student assistant.

"Eh? Bakit daw?" tanong ko naman. Bibihira naman kasi akong ma-pull out sa klase.

"Para daw sa coverage ng event mamaya sa may chapel," sagot naman n'ya. Tumango lang ako at nagpasalamat.

Agad akong kumuha ng papel at ballpen, tapos dumeretso na sa may chapel ng school para tingnan kung anong event ba ang kailangan kong i-cover.

"Earielle!" narinig kong may tumawag ng pangalan ko.

"Uy, Jane!" bati ko n'ang ma-recognize ko kung sino s'ya.

"Ikaw pala kasama kong mag-cocover eh!" sabi n'ya, at pinakita ang dala n'yang camera sa'kin.

Part kami ni Jane ng school paper ng school. Isa akong writer, at photographer naman s'ya, so pag may mga events sa school, minsan kami ang mga nauutusang mag-cover.

"Nakakainis nga. Dito tayo sa 'One-Day Peace' na event nautusan. Sana dun nalang sa sports event sa gym eh," pagrereklamo nya habang nag-aantay kaming mag-start 'yung event.

"May event sa gym?" nagtataka ko namang tanong.

"Oo kaya. May mga varsities ng ibang schools na pupunta dito para mag-compete. Ay wait! Look oh, may mga padaan dito na varsities galing sa Crosswell" sabi n'ya.

Napalingon naman ako at may nakita ngang varsity players na nakasuot ng jersey ng Crosswell. Ang Crosswell ang rival school ng school namin pagdating sa mga inter-school competitions.

Natural lang na madaanan nila 'tong chapel dahil mula sa lobby ay ito lang naman ang daan papuntang gym kung saan gaganapin 'yung event.

"Wait lang, Earielle! Dito ka lang, okay? Pipicture-an ko lang 'yung mga nag-aayos sa loob," sabi naman n'ya.

Tumayo lang ako d'un habang inaantay si Jane. Maya-maya nagdatingan naman 'yung mga volleyball players ng Crosswell. Nagpapasahan pa nga sila ng bola habang naglalakad.

'Mas gwapo naman players ng school namin,' sinabi ko sa sarili ko, not knowing na matapos ang ilang segundo ay kakainin ko rin ang sinabi kong 'yun.

May isang player na nasa pinakadulo ng grupo nila. Tahimik. Sya lang ata 'yung hindi nakikipasa n'ung bola.. Pinagmamasdan ko lang s'ya hanggang sa napatingin din s'ya sa'kin.

Nahuli n'ya akong nakatingin sa kan'ya. Agad akong umiwas nang ma-realize ko 'yun, at tumungo nalang.

"Oy ah! Nakita ko moment n'yo ni Mr. Volleyball player!" sabi ni Jane na bigla nalang sumulpot sa may tabi ko.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon