Part 2

108K 2.2K 285
                                    

NAKUYOM ni Andy ang kanyang kamao. Isa pa talagang magsasalitang estudyante ay sasapakin na talaga niya. Mga walang respeto sa mag-asawa, eh! Alam na ngang misis na at may tatlo pang anak, lalandiin pa? What the f*ck?!

"Okay ka lang?" pansin sa kanya ni Yolly. At nang tingnan niya ito ay parang tuwang-tuwa pa ito sa mga papuring nadidinig nito.

Hindi siya sumagot bagkus ay bunuksan niya ang kotse at may kinuha roon.

"Hi, Yolly," bati ulit ng isang estudyante kay Yolly. Dumadami na ang mga ito. Napapalibutan na silang mag-asawa. Gusto talaga silang makita na mag-asawa. Sikat pa rin kasi sila sa campus kahit na mahigit taon na nang mawala sila roon. Tumatak na kasi sa Sanchi College ang mala-cinderella na nangyari kay Yolly. Kaya lahat ay humahanga sa kanilang mag-asawa. Lalo na ang mga first year na ngayon lang sila makikita.

"Hello," pansin naman ni Yolly kasi babae naman iyon na estudyante. Feeling ni Yolly ay artista siya ngayon na pinagkakaguluhan. Ganito pala ang feeling, nakaka-proud. At ang saya ng pakiramdam.

"Yolly, sana niligawan na kita noon. Ang ganda mo pala," sabi naman ng isang lalaki.

'Yon ang narinig ulit ni Andy. Kaya pabalibag niyang sinarado ang pinto ng sasakyan nang makuha ro'n ang bagay na kinuha. Tapos ay tiningnan niya nang masama ang estudyante na iyon. Tiklob ang estudyante.

"He-he. Hindi naman," sagot ni Yolly na pabebeng inipit ang tumikwas na buhok sa mukha.

Galit na talagang hinila ni Andy ang asawa at inilayo sa mga estudyanteng mga malalandi at mga papansin. Kung alam lang niya na mangyayari ang ganito, nakuuuu!

"Andy, dahan-dahan naman," angal ni Yolly sa kanya. Kung makahila naman kasi siya ay parang end of the world na sa pagmamadali.

Tumigil naman siya at hinarap ang asawa nang nasa walang masyadong katao-tao na silang parte ng campus.

"Oh!" Tapos ay inabot niya kay Yolly ang bagay na kinuha niya kanina sa kotse.

"Ano 'to?" takang kinuha iyon ni Yolly. Kasi naman headset iyon.

"Dala mo 'yong cell phone mo 'di ba? Mag-sounds ka," matabang at nakabusangot na sagot niya. Naba-badtrip na talaga siya

"Ano? Pero bakit?"

"Gawin mo na lang at baka lumaki ang ulo mo sa mga naririnig mo," busangot ang mukhang sagot niya.

"Huh? Bakit naman?" Napamaang si Yolly.

"Just do it! Wala ng bakit-bakit!" giit niyang pumanaywang.

Nang 'di pa rin kumilos si Yolly dahil sa pagtataka ay si Andy na ang nagsuot n'on sa asawa. Napatanga si Yolly sa mukha niya habang inaayos niya iyon sa tainga nito.

Napakislot pa si Yolly dahil ang lakas ng tunog mula sa headset.

"Andy, bibingihin mo ba ako, hah?" reklamo nito sabay alis ang isang headset.

"Basta ganyan lang 'yan!" Ibinalik niya iyon sa tainga ng asawa.

May dumaan na mga tatlong kalalakihan na mga estudyante rin. Parang mga babae ang mga ito na kinilig kay Yolly. Tatawa-tawa at nagsisikuan ang mga ito na umalis.

Tumirik na naman ang mga mata ni Andy at napasinghap siya sa hangin. Tapos ay masama ang tinging tumitig siya sa mukha ni Yolly. Si Yolly na nakangiti na dahil kahit paano ay nagustohan na ang sounds na pinapakinggan, kaya sumasaliw sa musika na ang ulo nito.

Napabuntong-hininga si Andy ng malalim sabay pamaywang. Napakaganda nga naman ngayon ng kanyang asawa kaya wala siyang magagawa kung hangaan agad ito ng marami at kapwa nila estudyante. At proud naman din siya kahit paano kasi kahanga-hanga na ngayon ang kanyang asawa. Nga lang kasi ay...

BIHAG PARIN NG PANGIT (ANG NABUNTIS KONG PANGIT BOOK-2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon