Chapter 9 (one all!)

481 12 12
                                    

Dash ^^

----->

Dashiel's POV

"halika, sa labas tayo mag usap."

lalong lumakas ang kaba ko ng marinig kong sinabi yan ni Sophia . 

pero hindi nya sakin cnabe .. kay ICEN !

lumingon pa si Icen sakin sabay ngiti .

sarap suntukin !

paalis na sila, anong gagawin ko??

mgpapatalo na lang ba ako?

kailangan kong umisip ng paraan para mapigilan silang mkapag usap!!

bahala na..

wala na akong maisip na iba eh ..

lumapit ako at hinawakan sa balikat si sophia

ngkatinginan kami ni Icen

"Akala ko ba magiging mabuti kang asawa?! akala mo ba nkalimutan ko na yung pangako mo 8 years ago?!" 

bahala na kung magalit sya ^^,

nakita kong dahan dahan nanlaki ang mata ni Sophia sa sinabi ko

namumula na ang pisngi nya haha

mukhang naaalala pa nga nya yung pangako nya ^_^

muntik na akong mapatawa ng malakas ng makita ko ang itchura ni Icen haha

O.O?   - ice

"oh ano ? speechless? sabi mo pa sasamahaman mo ako hang--"

hindi ko na natuloy pa ang iba kong sasabihin dahil sa hampas nito sa balikat ko.

"Totoo naman ah! ako pa nga ang first--"

"KYAAAAAAAAAAAAAAA!" tili nya

pinagpapalo nya na ako ng madami sa braso haha .

namumula na sa inis ang pisngi nya habang hinahampas ako.

"tumigil ka nga! halika ka nga dito!"

sigaw nya habang hinahatak ako pa labas ng canteen

HAHA ano ka ngayon Ice ? ^_~

bago kami mkalabas ng pintuan ng canteen ay sumulyap ako kay Icen

sabay ngiti 

yung tipong, ngiting wagi

 ^___^

HAHA One All !!

--------------------------------------------------

Sophia's POV

"Baliw ka talaga eh nu! nkakainis ka!"

sigaw ko kay Dash habang nsa botanical garden ng school . 

buti na lang at wala masyadong tao sa garden dahil gustong gusto ko na talagang sigawan tong si Dasha!

"Ano ba yon?"

pa inosenteng tanong nito habang palakad lakad.

nakakainis sya!!!!

nkakahiya tuloy kay Icen kanina, 

"bat ba kasi sinabi mo yun kanina, nakakainis ka!"

sigaw ko ulit

huminto ito at humarap sa akin.

"bakit pai? ako naman naunang dumating ah! bakit sa kanya ka sasama!"

naka ngusong sabi nito. para talagang bata tong si Dasha

"kahit pa! dapat hindi mo sinabi yun! ano ba talagang gusto mo ha!!"

"WORLD PEACE! katahimikan at pagkakaisa! yun ang gusto ko!"

tumalikod ulit ito at naglakad papunta sa mga upuan

"msyado ka naman kasi, kahit na ako ang naunang dumating dun sa kanya ka pa din sasama. kahit na mapapahiya ako dun, okay lang sayo. ganyan ka ba Sophia?"

napangiti ako sa itchura nya .

(yun po ung nsa kanan)

cute din pala si Dash  ..

hindi ko tlga kayang magalit sa kanya ng matagal .

"kasi naman po, magkapit bahay kaya tayo. pwede ka naman kitang kausapin, pumunta ka ka lang sa bahay namin. eh si ice, dto ko lang sya pwedeng makausap."

"bakit parang nraramdaman kong mas importante sya sayo?"

napangiti ako habang npatingin sa sahig ..

"Alam mo naman diba... may gusto ako sa kanya..

m-may gusto ako kay Icen.. "

bigla na lamang itong natigilan at napatingin sa akin.

seryoso ang titig nya ..

 "B-bakit?" tanong ko

pero sa halip na sumagot ay biglang tumayo si Dash at naglakad palabas ng garden.

bakit na naman kaya?

"San ka na naman ba ppunta?!"

hindi ito lumingon at nagpatuloy lang sa paglakad

"Hoy!!"

lumingon ito

"Manhid ka Sophia.."

sabay labas..

 O.O   -- ako

________________________________________________________-

thankyouu sa mga positive comments ^^

kayo po inspiration ko =))

/twenty4

A Cinderella w/ Two Prince ♥Where stories live. Discover now