Chapter One: First Encounter

218 9 7
                                    

Taeng Buhay to oh….

Siguro nga mahirap itong pangarap na tatahakin ko. Eh pano ba naman gusto kong maging writer, artist at photogarapher ang problema hindi ko naman sila kaya pag sabay sabayin. Hay buhay, Lord sana sa buhay pag ibig ko hindi rin ganito kahirap yung parang may multiple choice.

Hi, I’m Kristen Mae, isang hamak na fine arts student na walang ginawa kundi mag pantasya. Kakabit ko na ata ito nung pinanganak ako, kaya hanggang ngayon wala pa din akong boyfriend. Forever alone na ata itong lola niyo. Teka bago ang lahat tatapusin ko muna etong introduction kong ito, isa nga pala akong Kolehiyala, sa isang pribadong Universidad sa Pilipinas. Gusto ko nga sana dun sa pinakmataas na antas, kaso nakulangan ako sa talino, sensya na I’m just your typically average girl, sa Utak at sa Mukha. Hindi rin pala ako palaayos sa katawan. Dagdag lang sa gawain yan pagtapos maligo. Yung tipong suklay lang at pulbus solb na. kaya nga hindi ako magustuhan ni Johan, ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko, ang heartthrob ng department namin.

Una ko siya nakilala nung pumasok ako sa Unibersidad ng Malyong Silangan. Naging kamagaral ko siya nung unang semester. Hindi lang yun seatmate ko pa siya, kaya kilig na kilig ako kapag lagi kameng magkatabi. Magkasunod ba naman apelyedo naming, kaya sinong hindi gaganahan pumasok ng eskuwelahan kung Gwapo na , Mabait na, MAYAMAN pa ang katabi mo. Kaloka. Pero ang masaklap magaapat na taon na kameng magkasama, eh hindi niya pa din alam yung tunay na nararamdaman ko sa kanya. Napaka EPIC FAIL ko talaga. Sympre takot lang siguro akong mareject, alam mo na madaming nagsasabeng “masakit daw ang hindi ka mahalin pabalik ng taong mahal mo”.  At saka baka layuan niya ako pagnalaman niya yun, ika mamatay ko yun. kaya Masaya na ako bilang best friend niya.

“oy ten-ten.” May isang lalaki ang tumawag sa panget kong nickname.

Lumingon ako at sumimangot pero biglang napangiti. “Bakit Johan? Anung maipaglilikod sayo, Mahal na prinsipe?”

Natawa na lang siya sa mga tanong ko. “baliw, natapos mo na ba yung assignment natin dun kay ermetanyo?”

“wow ah ang hard mo kay professor Manlangit.” Tinaasan ko siya ng kilay, seyempre dapat artista. “teka mangongopya ka naman ba?”

“hindi.” Napangiti siya. “tignan mo sana kung tama yung ginawa ko.”

Napanganga ako. “weeeh hindi nga. Nilalagnat ka ba? O maluwag na turnilyo ng utak mo.”

“tamo, ikaw pa itong hard.” Napabugtong hininga siya. “sige sa iba na lang ako mag tatanong.”

Paalis na sana siya ng bigla kong hinatak yung uniporme niya. “eto naman hindi na biro. Sige na titignan ko na yan, alang ala sayo Mahal na prinsipe.”

“Salamat pre.” Nakangiting sinabe niya. “maasahan ka talaga best friend.”

Ouch, sabe ng kalamnan ko. Pinilit ko na lang tumawa. “ikaw pa, ang lakas mo sa akin, ultimo papel at ballpen hinihingi mo pa sa aken.”

“naman, ikaw na kaya ang the best  sa lahat ng nakilala ko.” Nakangiti pa din.

“maglaro ka nga muna ng basketball. Kulang ka sa hawak ng bola.” Tawa pa din ako.

“eh paano ako gagawa ng assignment kung maglalaro ako.” Inakbayan niya ako bigla. “tara na sa tapat ng silid ng unang subject naten. Baka mahuli pa ako ni Ermetanyo, at masampolan naman ako ng sermon niya.”

“bute pa nga.” Sabi ko, palihim na inaamoy siya. Naadik ako sa kanya, hays.

Mag iisang buwan na din ng magsimula ang forth year semester namin. Kaya todo effort kame kung mag-aral ni Johan. Ultimo thesis nagiisip na din kame. Grabe hindi ko na alam kung mababaliw ako sa ginagawa namin.

My Epic FaiLove [on going]Where stories live. Discover now