Chapter 15

163 2 1
                                    

Chapter 15

JHAY VS BRETT VS KATE

“Anung gusto mo na kulay ng motif sa kasal mo?”

“Black.”

Mama sighed. “Wedding song?”

“Di kita malilimutan…”

“Anong tela ng wedding dress ang gusto mo?” mama hissed.

“Gusto ko maong…”

“KATELYYYYYYYYYYYN!” naiinis na sigaw ni mama. “Wala ka bang matinong isasagot sa akin? Kasal mo ang pinag-uusapan natin!”

“Kasal ba?” I asked innocently. “Akala ko libing.”

Mama was about to say something when Jhay entered my room laughing loudly. He was wearing a white polo shirt that hung perfectly on his muscled body. Compared to Brett, he was taller and his body looked more robust. It was hard not to notice it especially when it looked so divine.

“Your brothers told me that you are very excited with your wedding,” sabi nito habang marahang hinalikan ang pisngi ni mama. “But from what I overheard while the two of you are talking you seemed to be dreading it.”

“You do not have any idea how much I am willing to sacrifice just to postpone this wedding,” mahina kong tugon para hindi marinig ni mama. “Jhaymark, utang na loob itanan mo na ako. Sasama ako s’yo kahit maghirap tayo ilayo mo lang ako dito.”

“What happened, my little princess?”

My little princess. Ito ang itinatawag niya sa akin kapag alam niya na depress ako at ano mang oras ay naiiyak na para mainis ako at makalimot ng problema ko. Alam niya na ayaw ko na tinatawag ako na princess dahil para sa akin ang term na iyon ay para lamang sa mga magagandang babae na nuknukan ng kahinhinan at kabaitan which is obviously my opposite.

I missed those times na kami lang ng bestfriend kong si Jhay ang laging magkasama. Nang mga panahong iyon ay sa kanya lang umiikot ang mundo ko at hindi ako nasasaktan ng ganito. Wala akong ibang inaalala dahil lagi akong tinutulungan ni Jhay at pinoprotektahan at ganoon din naman ako sa kanya.

Sana siya na lang ang minahal ko hindi ‘yong isa diyan na hindi mo maintindihan ang takbo ng utak dahil hindi naman yata talaga tao.

“Hay naku, Jhay!” sigaw ni mama. “Kausapin mo nga iyang babaeng iyan! Sasagot – sagot ng ‘oo’ kay Brett ng tanungin kung gusto makasal tapos ngayon biglang aayaw – ayaw! Mabilis akong tatanda sa mga ginagawa niya!”

I stood up and looked at my mother with teary eyes. “Ilang beses ko ba kasing dapat sabihin na niloko ako ni Brett? Akala ko tinatanong niya ako kung ayaw ko talaga sa kanya kaya sumagot ako ng oo! Nagkamali lang ako ng dinig!”

She stood up too and glared at me. “Ang layo ng ‘ayaw mo ba talaga sa akin’ sa ‘will you mary me’! Paanong magkakamali ka ng dinig doon? Alam mo kung anong nangyayari sa ‘yo ngayon? Mayroon kang wedding jitters.”

With one last glance with Jhay, she left the room and closed the door with a loud thud. She left me gaping at her and Jhay smiling broadly.

“Will you stop smiling?” I hissed at him. “You are making me feel worse.”

“I think your mother is right.” Itinulak niya ulit ako paupo sa sofa at naupo naman siya sa may tapat ko. “Wedding jitters.”

I rolled my eyes in exhaspiration. “Bakit ba walang maniwala sa akin? Hindi talaga ako pumayag sa kasal na ito. Niloko lang ako ni Brett. Plano niyang lahat ito for who – knows – what reason.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taming Evil Little KateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon