Prologue

11.7K 312 55
                                    

Prologue

"Sapphire, anak, mabuti dumating ka na,"sabi agad ni Mama pagdating ko galing school. "Kanina pa kita inaabangan,"

Halatang nag-aalala si Mama kaya nagtaka ako.

"May nangyari ba, Ma?"

"Ang ate mo,"hindi na naitago ang panginginig ng boses ni Mama. Madali kasi syang maiyak kapag nag-aalala sa amin ni ate.

Naalarma naman ako pagkabanggit kay ate. Buntis si ate Sandy ngayon. Dalawang buwan pa lang ung ipinagbubuntis nya kaya inaalagaan namin syang mabuti. Ang walanghiyang lalaking nakabuntis sa kanya, isang duwag na hindi kayang panindigan ang ginawa nya kay ate.

"Anong nangyari kay ate, Ma?"

"Tumawag si Francine kani-kanina lang. Pupunta daw sa bar ang ate mo para muling kausapin si Oliver,"

Si Francine ang bestfriend ni ate Sandy.

"Ano po?!! Ma, naman. Pano po ba kayo natakasan ni ate? Alam nyo naman pong medyo maselan ang pagbubuntis ni ate,"hindi mapigilang pagsabihan si Mama. Nung unang beses kasing kausapin ni ate ung walang hiyang Oliver na un, pinagtawanan at nilait-lait lang nito si ate. Kesyo, malanding babae naman daw si ate at kung kani-kanino sumama kaya pano daw nakakasigurado si ate na sya ang ama. Kasama ako ni ate nun. Sa sobrang galit ko, muntik ko nang inihampas ung isang upuan sa mukha nung lalaking iyon. Natigil lang ako nang biglang duguin si ate. Muntik na syang makunan nun.

"Naliligo kasi ako, anak. Akala ko tulog ang ate mo. Isa pa, pinatingin-tingin ko sya kay Iya kanina,"katwiran ni Mama. "Nag-alala na ko sa ate mo. Kung alam ko lang kung san pupunta, kanina pa ko umalis,"

Humugo ako nang malalim na hininga. "Ma, maiwan na lang kayo dito. Ako na ang bahalang pumunta. Alam ko kung iyon. Magbibihis muna ako,"

***

Sinubukan kong tawagan si Ate Francine habang papunta ako sa bar na pag-aari ni Oliver, ang walang hiya pero hindi sinasagot kaya tinext ko na lang. Sinabi kong wag iwanan si ate at papunta na ako.

Within 30 minutes, nakarating na ako sa bar. Pangmayaman ung bar na ito. Rich teenagers and elites are the usual patrons of the club. Even celebrities visit this bar because it provides privacy. Media is not allowed within it's area.

Ate Sandy is a certified party chic. Dito sila nagkakilala si Oliver, ang walang hiya.

"Ma'am, can I see your card?"magalang na sabi nung lady bouncer. "Hindi po kasi pwede ang hindi member o hindi kasama ng member,"

"Ate, pwede po bang makapasok kahit saglit lang? Nandyan po ang ate ko. Si Sandy Monteverde po ung kapatid ko,"pakiusap ko dun sa guard.

"Sorry po talaga, Ma'am. Strict po ang implementation ng rules dito. Hintayin mo na lang pong lumabas si Miss Sandy,"

"Ate, sige na po. Hindi po maganda ang pakiramdam ni ate ngayon. Saglit lang po talaga. Iuuwi ko lang po sya dahil baka kung ano mangyari sa kanya,"todo ang pakiusap ko. "Kahit samahan nyo pa po ako sa loob. Saglit lang po talaga,"

"Hindi po talaga, Ma'am eh,"

"Let her in, Joan. Sagot ko na sya,"singit ng kadadating lang na babae. Nakangiti syang bumaling sa 'kin. "Go, dear. Find your sister and make sure she's okay,"

"Thank you, Ma'am,"sabi ko at agad na pumasok. Pinadaan agad ako nung bouncer na nakangiti sa 'kin. Mukhang VIP ung magandang babae kanina. Bahagya ko lang narinig ung tinawag nyang lalaki.

Nakita ko agad si Ate Sandy sa tapat ng bar counter, kausap ung bartender. Kasama nya si Ate Francine.

"Sandy, gusto ko mang sabihin ko nasan si Oli, hindi ko alam. Ilang araw na syang hindi pumupunta dito,"sabi nung bartender.

Surrender To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon