Chapter 5

170K 889 81
                                    

Minzy's POV


GHAAAAD!! pumuti na yung buhok ko, walang HOY na dumadating. Sabi niya kahapon bago kami maghiwalay ng landas ay susunduin niya ako dito sa bahay. Binigay ko pa naman yung address dito tsk! di siguro marunong sa daan haist.


Kaya nagpasya nalang akong pumunta mag isa. Humanda siya sakin pag nakita ko siya sa school. Di ko tuloy matanong kung ayos ba ang ginawa kong pag papaganda. Sinunod ko lang naman yung mga sinabi niyang susuotin ko eh. Medyo naiilang ako kasi di ako sanay.


Pagkarating na pagkarating ko sa school ang daming bulungan. Hala bakit kaya?


"Who's that girl? Ngayon ko lang siya nakita dito."



"Yeah.. I think new student?"


"Ang ganda nun pare oh.."


"Witwiw sexy.."


Yan yung mga usapan nila. Seryoso? Mag uusap nalang sila ay kaylangan nakatingin sakin? At sino naman yung babaeng sexy ang sinasabi nila? Di ko pinansin ang mga yung at agad akong nagpunta sa building ng subject na papasukan ko. Medyo mag uumpisa na kasi eh.


"Miss.. naliligaw ka ba?" Tanong sakin na isa kong kaklase nung paupo na ako sa silya.


Tinuro ko yung sarili ko.


"A-ako ba kausap  mo?" sabi ko ng may halong pag tataka.


"Yeah sino bang kausap ko?" Medyo pataray niyang sabi.


"Hindi ah." Sabi ko sabay lapag ng bago kong bag na pangsosyal sa upuan at umupo ako.


"Then, New student?" tanong ng isa pang babae banda sa gilid ko.


Seryoso? nag kamanesia ba ang mga 'to?


"Hindi. Ano ba kayo ako 'to si Minzy.." Untag ko ng parang naiilang.


"WHAAAT"sabi nilang parehas. 



"OH MY GOD! YOU ARE NOT MINZY!" pasigaw na sabi nung unang kaklase kong nag tanong


"Wait sandali lang.. ako nga ito si Minzy.." Nagtataka kong sabi.


Shooot! ngayon lang nag sink in sa utak ko na nag change outfit na pala ako. Wala na akong salamin naka make up na din ako. Ghaad ito pala yung result? Ni hindi na nila ako makilala. Nagpalusot nalang ako sakanila.  Sinabi kong sawa na ako sa dati kong mukha. Mukhang okay naman yung palusot ko. Nung dumadami na yung studyante ay ganun din yung tinatanong nila sakin kung bagong salta lang ba daw ako. Yung sinabi ko na ako si Minzy ay exage din kung makareact. Pati yung prof namin nagulat din. Haist! ganito pala pag nag bago? Nakaka ewan na nakaka ewan padin? Lol.  

One More Round (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon