[Chapter 1.5]

48 4 2
                                    

Nick's POV~

   Finally friends na kami ni Louie buti na lang pala at may chocolate ako at dahil dun napasaya ko siya. Napagdesyunan naming bumalik na sa classroom since malapit na magtime para sa next class, terror pa naman daw yung Math teacher namin. Habang naglalakad kami, napansin ko lang o talagang ganito lang talaga siya? Antahimik niya kasi, simula kanina pagka-shake hands namin, sabagay di pa siguro siya sanay sakin, kanina pa lang kasi kami naging friends. Oh well, masasanay na lang siguro siya. Habang tinitingnan ko siya napansin kong hindi lang pala siya cute ang ganda niya at dahil dun names-merized ako ng kagandahan niya at napatulala.....----

"err.. Why are you staring at me like that?"-Louie. Ang ganda niya talaga para siyang... para siyang...... D--d----

"Huiii!!"-Louie

"DYOSA!" takte sa sobrang gulat ko nasabi ko yung nasa isip ko.

"D-Dyosa? Alin?" Anla! Pano na yan? ano na ang sasabihin ko? Isip! Isip! Isip!..... Ting!(tunog ng light bulb) Sasagot na lang ako ng.. Nagsmile siya, yung smile lang talaga, yung tipong mabibighani ka, at dahil lumipad na naman ang utak ko....

"D-dyosa ka..."

"pfftt--Hahaha Dyosa? Ako? Patawa ka! Haha Pero uiii ikaw ah! Nagagandahan ka na naman sakin. Crush mo na ko noh?. Uiiiiii..."-Louie. Kinukulubit niya ko sa tagiliran ko at inaasar pa.

"H-ha? Sinabi ko ba yun? Di pa kasi ako tapos, ang sasabihin ko dapat, Dyosa ka?ASA. Di ka nga maganda, kung babae nga lang ako mas maganda pa ako sa'yo, mas DYOSA pa ko sa'yo bleh! :P ". Ano ba yung nasabi ko? parang ginawa ko ng bading yung sarili ko. AMPOTEK! >.<

"Ok. Ikaw na maganda =_="-Louie. Suplada talaga to. Tipid-tipid magsalita tas susungitan ka pa.

~~Pumasok na kami ng classroom at yun si Louie umupo na agad sa upuan niya kasama yung bestfriend niyang si Jinx. Umupo na din ako sa upuan ko, 1 seat apart lang kay Louie. Wala pa ata yung teacher namin?? Makapag-soundtrip na nga lang. Ingay-ingay eh =_= Habang nagsa-soundtrip ako naalala ko yung mga nangyari kanina, mula sa canteen hanggang sa may dulo ng school. Napapangiti na lang ako habang naaalala ko yun. Naalala ko din tuloy kung bakit gusto ko makipagkaibigan sa kanya. Ganito kasi yun......

FLASHBACK...

  bzzzt...bzzzt... Ai takte! Ano ba yun? Cellphone ko pala, sino naman tong walang hiyang nambubulabog sakin? ~Opening~ haii gm lang pala, good luck daw sa 1st day of school tapos i---- Ai sh*t! may pasok na nga pala ngayon. Ba't ba di ko naalala yun? teka anong oras na ba? 8:15am? 7:15 ang start ng klase, ibig sabihin 1hour na akong late at 15min. na lang bago matapos ang 1st subject. Sh*t lang! Nagmadali na akong mag-ayos ng sarili at bumaba na ako ng room ko para makahingi ng allowance kay mama pero pagbaba ko wala si mama, pumunta muna ako ng kitchen baka sakaling nandun si mama pero pagpunta ko wala. =_= Pero may napansin akong note sa may ref... ito ang nakasulat---

     "Nick, hinanda ko na almusal mo, kumain ka na lang. May appointment pa kasi ako kaya di na kita masasabayan. Yung allowance mo nga pala nasa ibabaw ng ref. Good luck sa 1st day of school mo! -mama"

Tsss.. Lagi ka namang busy. Kelan ka pa nagkaroon ng oras para sakin? Haiiii =_= Kinuha ko ang note sabay nilukot at itinapon sa basurahan. Wala na sira na agad yung araw ko. Badtrip! >.<

Kinuha ko na yung allowance ko sa ibabaw ng ref. at pumunta na ng school, di na ko nag almusal pa. Para san pa? For sure di na yun masarap di na mainit eh...

Pagdating ko sa school....

"Oh late ka na ah? Tapos na ang 1st subject niyo"-Manong guard.

"Yeah I know. Can I still go to my class though i'm late?" Pagpapaalam ko, dito kasi sa school namin paglate ka, di ka na pwdeng pumasok, unless may valid reason ka. But in my situation right now? Mukhang absent agad ako, wala naman akong valid reason para papasukin ni manong guard.

THE END. [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon