Tips to Attract Boys

43.8K 613 166
                                    

Sabadong sabado pero gusto kong pumasok.

Sana may pasok na lang araw araw. Hindi dahil masipag akong tao. Malandi lang talaga ako. Pumapasok ako sa school para sa crush ko... Kaya gusto ko pumasok para makasilay na ako. Matalino naman ako eh, kaya kahit atupagin ko ang pagkacrush, papasa ako. Kaya ko ring magdean's list sa unibersidad na pinapasukan ko, at baka mag-magna pa ako kung aalisin ko ang paghahanap ng lovelife sa sistema ko.

Kaso kasi hindi ako grade conscious na tao kaya keri na to. Baka maraming magkandarapa sakin kapag masyado akong nagpakamatalino dahil may itsura rin ako. Baka maging dream girl ako ng lahat eh isa lang naman gusto kong magkagusto sakin. Ewan ko ba kung bakit di ako ligawin e tingin ko naman kagusto gusto ako.

Dahil wala na naman akong magawa ay nakatambay na lang ako sa kwarto ko at nagbabasa ng panibagong story about one-sided love sa wattpad. Dumating naman bigla ang kapatid kong tumatawa at may hawak na papel. At dahil alam kong ishe-share niya sakin yung laman ng papel, tinanong ko na siya agad kung ano yon. Para kunwari, interesado ako.

Kawawa naman eh.

"Bakit? Ano bang meron dyan? Kelan ka pa natuto magbasa?" Tanong ko.

"Maganda 'to! Tips to attract boys daw oh!" Sabi niya saka tumawa na naman. Nagulat ako dahil ang kapatid ko, walang alam sa paglalandi yan.

Wala din sa loob ang kulo niyan at never ako sinuportahan sa lovelife nyan.

Makarinig nga lang ng salitang "love" , "crush" o "boyfriend" , naiirita na siya eh. Kaya tuloy hindi ako nagkekwento sa kanya. Walang kwenta eh. Nagsasarili na lang ako ng mga kilig moments ko with crush,  wala akong maka-girl talk eh. Wala na nga akong kaibigang babae, yung kapatid ko pa, ganito. Pero wag ka, best friends pa rin kami neto. Parehas kami ng trip eh.

Pero hindi tungkol sa kanya ang kwento kaya eto na nga.

"Talaga? Ano-ano daw? Teka, amin na nga yan!" Sabi ko at inagaw na sakanya yung papel. Syempre na-excite talaga 'ko. Tss.

Binasa ko.

Wala ka bang lovelife? Wala bang pumapatol sa'yo? Hetong sa'yo, tulong na garantisado. Pak na pak bes. Lilipad ka.

7 tips to attract boys :

1. Be attractive. Kahit mataba ka, basta maganda ka o marunong mag-ayos ng sarili, ok ka. Remember, mukha ang unang tinitignan.

2. Magpasikat ka.  Do not do this obviously though. Magpasikat but be humble. If you're genius, or a singer, dancer, guitarist or whatever, show it. Pagkatapos mo magpasikat, saka ka mahiya. Never magmayabang! Walang may pake sa yabang mo!

3. Initiate eye to eye contact. This is one way of showing the guy that you're interested to him. Sometimes, you do not need words, eye to eye contact is enough. And remember, hindi mo siya makaka eye to eye kung hindi siya titingin sa'yo. Get me? Tinitignan ka din niya so don't be shy to initiate eye to eye contact. That's a point for you.

4. Talk slowly. Kapag mabagal ang pagsasalita mo, mas lalo silang matetend na pakinggan ang sasabihin mo. Interesting kumbaga.

5. Puriin mo sila. Nakakataba ng puso kung naaappreciate ng isang tao ang kahit pinakasimpleng bagay na ginawa mo o meron ka, di ba? Patabain ang puso nila, hindi nila makakalimutan yon.

6. 75% opened eyes. Kung makikipag-usap, siguraduhin hindi dilat na dilat ang mata. Baka matakot sila. 75% opened eyes are seductive.

7. Magpabango. Sobrang turn-on sa mga lalaki ang mga babaeng mabango. Pero hindi yung sobra, dahil masakit na sa ilong yon. Mas turn-on kung naturally fragrant. Kung hindi naturally fragrant, maligo sa pabango at maligo 10 times a day.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tips to Attract BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon