chapter 2

196 6 5
                                    

“Excuse me, miss. Gamit mo.”

Napalingon ako nung may tumapik bigla sa balikat ko.

Woooooooow! Ang gwapo!!! Infareness!

Ngumiti ako at tiningnan yung Purple Folder na hawak niya.

Akin ba yun? Wala naman akong dalang folder kanina, ah.

“Here.” Sabi niya tapos iniabot niya sakin.

Ako naman syempre, tinanggap ko na lang. “S-salamat.” Sabi ko na lang. Ngumiti siya…

Takte! Anak ng kamachile naman! Ang gwapo!!!

“See you around.” Sabi lang niya tapos tumalikod na siya at naglakad palayo.

“T-teka! anong pangalan nya?..” Napa-buntung-hininga na lang ako. Hindi na bago sakin to.

Ni hindi man lang niya tinanong ang name ko. Sabi ko naman sa inyo, hindi ako yung tipong isang tingin pa lang pwede ng “Ms. Popular”

Hindi kasi ako maganda. Tsss.

Anyway… Sana makita ko ulit ang lalaking iyon at sana man lang makilala niya ako sa muli naming pagkikita…

Leche flan! Sakit sa ilong! Ahahaha!

Anyway ulet naglakad na ako papunta sa room. Hindi na patakbo malapit na lang naman.

As usual hindi naman ako binabati talaga ng mga classmates ko ngumingiti lang sila sakin.

“Dixiiiiiiieeee!!!!” Napangiwi ako nang mayroong biglang tumawag ng pangalan ko.

Lumingon ako at ang lapad ng ngiti ng bruhang tumawag sakin. Nagmamadali siyang lumapit sakin tapos niyakap ako.

“Na-miss kitaaaa!” Tuwang-tuwa sabi pa ng loka!

“Wow! Hindi halata, Rein!” Sabi ko naman tapos tumawa pa siya.

“Ipapahalata ko sayo!!” Niyakap ulit ako ng luka-luka! “Na-miss talaga kitaaa!” Tas pinisil-pisil pa ang pisngi ko at ginulo-gulo ang buhok ko.

“Kakasuklay lang nung tao, eh!” Ngumiti lang sakin si Rein tas pinisil ulit ang pisngi ko.

Iyan si Reigna Rose Sy Calma. Half-chinese na luka-lukang tunay!

Maganda siya at member ng dance troupe kaya madami ding nakakakilala sa kanya.

Take note madaming nagkakagusto diyan! Maganda na, talented na, matalino pa! Ang galing kaya niyang sumayaw! Hahaha!

Bukod don maganda pa at matalino!

Okay paulet-ulet na ko! Hahahahahah.

Akala mo pag nakita mo sobrang poised na sosyalera pero pag nakasama mo para ka lang may kasamang radyo! Maingay kasi at nakakatawa! Hahaha!

.....

tapos na chap 2!!

vote kayu! :)

4 Heart throbs, 1 Girl [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon