MLC (Her side)

3.4K 170 33
                                    

Her side



Sinundan ko siya nang tingin nung dumaan siya sa harapan ko. Ito namang puso ko, nag-uunahan na namang tumitibok dahil sa kanya. Ang lakas talaga ng epekto niya sakin kahit na nakapamulsa lang siyang naglalakad at nakikinig ng music gamit ang headphones niya


Nung nawala na siya sa paningin ko, saka na ako nagsimulang maglakad papunta sa classroom ko


Siya. Siya yung matagal ko nang crush, mga 3 years na at hanggang ngayon crush na crush ko parin siya. Pinilit kong magmove on pero ayaw ng puso ko eh atsaka last na naman 'to na year para sa pagkikita namin at makakamove on narin ako


His name is Zach Perez while im Wanda Reyes. Simple lang naman ako, hindi medyo kilala , isa lang ang kaibigan dahil ayoko ng magulong buhay habang siya naman ay kilala sa school namin bilang isang cool, matalino at gwapo pa na estudyante pero para sa kanya, wala siyang pakialam dun. Mahalin mo man siya o magalit ka sa kanya, wala siyang pakialam dun dahil lagi lang siyang nakikinig sa mga music niyang walang sinuman ang nagkaroon ng ideya kung ano ito


Nagsimula akong magkagusto sa kanya nung nabangga ko siya. Busy kasi ako sa pag-aaral habang naglalakad nung oras na iyon at hindi ko alam na siya pala ang nabangga ko. Parehas kaming napahinto at nagkatinginan pero ang mas pumukaw sa atensyon ko ay yung mga mata niya dahil parang may deep secret siyang tinatago sa mga mata niya, ewan emotions siguro?


 Pagkatapos nun ay bigla nalang siya naglakad na hindi man lang ako nakapasorry at umiwas ako pero huminto ulit at nagulat ako nung nagkatinginan kami ulit. 


Di tuloy mapigilan ni puso tumalon sa kilig. 


Simula nun, hinahanap-hanap na siya ng mga mata ko at nagkagusto na talaga ako sa kanya pero hindi na umulit ang panandalian karanasan na iyon. Sana nga, magkabunggo ulit kami eh kundi ako nalang gagawa ng paraan para magkabunggo kami


Ilang beses ko palang sinubukan magconfess sa kahit saan, gusto ko kasi na sabihin na yung nararamdaman ko para naman mawala na ang nararamdaman ko sa kanya kung sakali at makamove on


For those three years, wala akong nagawa kundi manahimik at tignan lang siya sa malayo pero ngayon dahil parang gusto ng sumabog ng puso ko dahil sa naramdaman ko, nagconfess na ako sa kanya


Una akong nagconfess sa kanya sa library. Lagi kasi siyang tumatambay dun bukod sa aircon, tahimik din ito kaya doon siya nakikinig ng music sa headphones niya habang nakaupo sa isang sofa sa pinakagilid at tahimik na lugar. Ako naman habang nakatago ang mukha sa isang libro ay tinitignan siya saka humanda ng perfect timing para makapagconfess. Nakapikit lang siya habang nakikinig sa musics niya kaya umupo ako sa tabi niya habang dala-dala ang libro na hawak ko para itago ang mukha ko at nagsimula nang magconfess sayo


" Hi! Alam kong hindi mo ako kilala dahil sino ba naman ako diba? But anyways, gusto kita. Gusto ko kasi sabihin dahil noon ko pa 'to naramdaman tsaka una kitang nagustuhan nung nagkatinginan tayo, akala ko nga huminto na oras nun pero bigla ka nalang tapos umiwas at hindi na naulit yun. Alam mo ba na noon pa kita nagustuhan, for three years pero dahil last na 'to dahil fourth year na tayo, sinubukan ko nang magconfess kahit alam ko naman na walang kang pakialam at kagaya ngayon natutulog ka lang at wala kang ideya kung anong nangyayari habang tulog ka. Sasabihin ko lang po, gusto ka ng babaeng ito at nagcoconfess ako. Hmmm, yun nalang siguro kasi ang oa ko na. Sa uulitin nalang po!" kumaway pa ako sa kanya habang nakatago parin sa libro at dahan-dahang naglalakad paalis


And that was my first confession at nagsunod-sunod na ang confession ko. Nagconfess ako nung nagpahinga siya sa ilalim ng puno, habang naglalakad siya at nandoon ako sa likod dahil hindi naman niya napansin eh kasi nakikinig siya ng music tapos kahit saan dahil alam kong hindi niya maririnig at wala siyang pake


 Sarap nga sa feeling eh, kasi confess ako ng confess pero hindi naman ako binabasted at hindi pa nilalayuan, oh diba? Sagad-sagad na 'to


Then one time, pinigilan na ako ng bespren ko maski ako pinigilan ko na ang sarili ko dahil wala namang mangyayari kung confess ako ng confess eh hindi naman niya naririnig, para nga lang akong baliw eh. Gusto ko nga magmove on pero ito pa ang ginagawa ko, baliw na talaga ako


Napagdesisyunan ko nalang na itigil na iyon at maglast confession nalang ako sa kanya. This is the only way since wala naman talaga siyang pake. Ang sakit nga sa ego eh pero 'di bale, yakang-yakang ko 'to! Ako pa!


" Last na talaga 'to" sabi ko sa bestfriend ko at nginitan siya


" Siguraduhin mo yan ah" tumango lang ako at nagsimula na akong maglakad papunta sa garden kung saan siya nakaupo at mukhang natutulog kasi nakapikit ang mata


Pumwesto ako sa upuang nasa likod niya. May back to back kasi naseat eh kaya ayun dun ako pumwesto para mas malapit 'di ba pero hindi niya lang makita mukha ko at siguro di niya naririnig confession ko 


Napayuko nalang ako habang pinaglalaruan ang mga kamay ko " Ano.. gusto ko sanang magpasalamat sa lahat kahit na wala kang pake sakin pero naging inspirasyon naman kita for three years at pinagbutihan ko talaga ang pah-aaral hanggang sa fourth year na talaga ako. Sorry pala ah kung palagi akong nagcoconfess, narinig mo man o hindi dahil yun lang nagpapagana ng loob ko eh pero 'di bale, last na po 'to promise. Gusto ko lang sabihin na, hindi na kita gusto.. " huminto muna ako at nilingon siya at kita ko yung buhok niya at ang ulo niya na nakasandal sa upuan at tenga niyang may headphones


" Dahil mahal na po kita, pero wag ka pong mag-alala dahil nasabi ko naman ang lahat-lahat, hindi na ako mangungulit at magmomove on na" bumuntong-hininga ako sabay tayo at tingin nalang sa likod niya


" This is my last confession, I love you" ramdam kong may tumulong isang maliit na tubig sa mata ko pero pinahidan ko nalang at naglakad na papalayo sa kanya


I stopped and looked at him one last time "Goodbye" 



--------------------------------------------------------------------

A/N: Wait for his side to know the whole story ^-^ . Dedicated to all my oneshot reader. Em beck!! 


Oneshot: My last confessionWhere stories live. Discover now