♥ (One-Shot?)

834 16 4
                                    

Hi ate Swiss? Captain Swiss? Ay ewan. Hindi ko alam ano itatawag ko sayo. Hahahaha xx Wala lang, dinedicate ko lang sa'yo 'to kasi trip ko lang. Jk. Ikaw kasi una kong naisip nung sinulat ko 'to kahit alam mo na, hindi talaga ako magaling magsulat. Bitin pa nga ending nito eh. Sabaw na kasi utak ko. Ako yung nakausap mo sa facebook, sana naaalala mo pa ako. Chos, drama. Loveyou ate!!! Stay as what you are. Ang bait mo talaga mwaaa :) :* 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

HER THOUGHTS...

Foundation day namin ngayon. As usual, napaka-boring. Heller, wala naman kasi akong ginagawa eh. Tamaders ako makisali sa kasiyahan nila. Duuuh? Jk. xx Busy ako kakalait sa mga kaabnoyan nila eh, wala akong panahong magsaya... Buti pang kumain at titigan si crush Debuuuh?! Hahahaha xx

At dahil foundation day namin ngayon, andaming trip ng mga estudyante. Booth dito, booth doon... Kulang na lang magtayo sila ng mental hospital sa sobrang kabaliwan ng naiisip nila. Mga booth para sa mga bata — yung parang ilalagay mo mukha sa isang figure tas tatamaan mukha mo ng wet sponge? Eh ganon trip ng iba... Mga walang ligo lang sumasali dun. Hohoho xx ^^v May booth din para sa mga duwagers — horror booth na hindi mo malaman kung matatawa, matatakot o maiinis ka ba sa sobrang init ng classroom. Walang kwenta! Tsk... May booth din para sa mga genius — maze daw chos. Peste! Foundation day na nga, dinadala pa rin pagka-nerd. Uso magsaya, right? Marami pang iba eh... Pero ang hinding-hindi mawawala sa booth na itinayo nila ay ang booth para sa mga magco-confess at para sa kalandian101 — love knot, marriage booth at iba pang landiboothbooth dyan na wala naman talaga akong pakealam.

Hapon na at wala pa rin akong ginawa upang magsaya... Naupo lang ako habang nakikinig sa bandang tumutugtog... Parking payb 'to pardz! Yaman talaga ng school na 'to. Buti dito ako pumasok. Peste lang... Ang gwapo talaga nila— mga asawa ko sila eh, kapag ako pumili, bongga talaga!!! Hahahaha xx

Pero kahit gwapo sila... hindi ko mapigilang hindi lumingon sa kung saan nakaupo si love of my life. Ayshet nakatingin sya sa akin. Maganda ba ako? Maayos lang kaya buhok ko? Omg, nakatingin sya sa akin. Shet lang.

Kinalabit ako ng kaibigan ko at sinabi nyang "kinakabahan ka na naman... Hindi ka na ba nasanay sa titig nyang yan sayo? Crush ka rin niyan eh, ramdam ko." Napangiti ako sa sinabi nya at hinampas sya sa braso at sinabing, "hindi yan. Bakit naman ako magugustuhan nyan 'diba? Sa pagkakaalam ko, taga-ibang paaralan crush niyan." Tas tumawa na lang siya at sinabing, "sos. Tignan natin ngayon... Pinapahabol ka yata niya eh. Tinuturo ka oh. Ilo-love knot nya yata kayong dalawa." Kinabahan naman ako sa sinabi nya kaya nang tignan kong may papalapit na senior sa amin at tinanong kung asan ako, kumaripas na ako ng takbo. Ayoko kasi nung mga kalandian na ganon. Nakakahiyaaaa. Baka masabi ko na lang sa kanya bigla na gusto ko sya tas yun pala, hindi kami same ng nararamdaman, diba? Hinabol ako ng abnormal na alagad ng kalandian kaya tumakbo ako nang tumakbo papunta dun sa CR. Bwahaha!!! Akala nila, hindi ako makakatakas? Psh. Trolololo...

Hindi nga ako nakatakas... Peste! Andun na eh, nakahawak na ako sa lock ng CR. Bago pa naman 'to, kelangang ingatan pero shet! Sa kasamaang palad... Nasira ko ang lock nang hinila ko ito at nahuli ako ng alagad ng kalandian. Peste! Badtrip lang, ano bang ginawa ko at ako'y pinaparusahan ng ganito?! Chos, hinila nila ako papunta sa booth nila. Ipinasok ako sa cubicle. Eh? Muntanga, wala naman akong kasama dito eh. Sino bang peste ang nagpa-love knot sa akin at hindi naman ako sinipot?! Duwag ni koya, sarap sapukin. Hohohoho xx Natapos na ang oras ko kaya akoy lumabas ng pawis na pawis... Ang init sa loob, dapat pina-aircon yun eh. Tsk :|

♥ (One-Shot?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon