V : Pay Attention

85.3K 3.8K 3.5K
                                    


V

Pay Attention

Third Person's POV



"D-do you think Shem's okay?" Balisa, panay ang titig ni Mira sa kanyang cellphone sa pag-asang ano mang oras ay makakatanggap siya ng magandang balita mula sa mga kasamahang naiwan.


"It's been an hour, if Shem's okay, they should've called by now." Sambit pa ni Mira at muling nagpadala ng mensahe kay Raze at Cielo matapos itong paulit-ulit na sinubukang tawagan.


"Kanina mo pa yan tinatanong, matulog ka nalang nga diyan." Sambit na lamang ni Churchill. Gaya ni Mira, labis rin ang kanyang pag-aalala sa kaibigan ngunit alam niya ang bigat ng responsibilidad na nakaatas sa kanya kaya naman mas pinipilit na lamang niyang ituon ang pansin sa pagmamaneho.


"We all suffered and almost died because of the skunks, Dana Died, Wacky's in hell and now Shem could be dead too! Churchill sa tingin mo ba makakatulog pa ako knowing andami nang napapahamak?" Giit na lamang ni Mira habang pinupunasan ang kanyang luha.


Imbes na sumagot, nanahimik na lamang si Churchill at ibinigay na lamang ang buong atensyon sa daang kanilang tinatahak.


Makaraan ng ilang sandaling pamamayani ng katahimikan, bigla na lamang umalingawngaw ang ringtone ni Mira sa saliw ng isang kundiman, dahilan para agad mapapitlag ang dalaga at tarantang mapasagot sa labis na pananabik.


"How's Shem?! Is he okay?" Bulalas ni Mira sa pagsagot pa lamang ng telepono kahit pa hindi niya tiningnan kung sino ang tumawag.


"I-loudspeaker mo!" Giit naman agad ni Churchill pero hindi siya pinansin ni Mira.


"Guys ano? Did you find him—" Natigil si Mira sa pagsasalita nang ibang boses ang marinig mula sa kabilang linya.


"Hi uhm, si Wena po 'to, kapatid ni Axel. Ikaw yung kaibigan niya diba? My brother called me, he says you guys need to get to the villa right?" Tanong ng dalagitang may manipis at nag-aalangang boses mula sa kabilang linya. Sa puntong ito'y napabuntong-hininga na lamang si Mira at inilagay ang tawag sa loudspeaker.


"Hi this is Churchill, you're on loudspeaker. Sabihin mo nalang sa'min ang eksaktong address para 'wag ka na naming maabala, salamat." Kalmadong sambit ni Churchill saka napatingin kay Mira na animo'y sinasabihan itong kumalma lamang.


"Kuya that would be a problem, medyo malayo-layo rin ang villa mula sa mismong siyudad. You're from Drayton right? The villa is located here in Holloway City which is 3 hours away from Drayton. Plus another hour na naman patungo sa private resort and I'm telling you, getting to that resort is impossible para sa hindi locals na gaya niyo. Just meet us sa nag-iisang 7/11 sa Holloway and call me para mahatid namin kayo." Sambit pa nito at bago pa man makasagot si Churchill ay agad na niyang pinutol ang tawag.


"Is it just me or that kid sounds really excited?" Kunot-noong sambit ni Mira kaya napabuntong-hininga na lamang si Churchill. Nang akmang ibabalik na sana ng binata ang cellphone ay muli na naman itong tumunog dahilan para aligaga itong sagutin ni Mira.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon