Hoy! Pakiss! (One-Shot)

68.9K 1.5K 189
                                    

Dedicated to LostGirlSomewhere. Bespren ko yan. maganda yung mga on-going niya. Basahin niyo. Haha! Sana magustuhan mo. Labyu:*

---

*Kriiing...Kriiiing...*

Yeeeey!! Recess na!! Kumaripas ako ng takbo papunta doon sa canteen nang hindi na hinihintay ang mga kaibigan ko. Isa akong cookie monster, at talagang gutom na gutom na ako. Um-order ako ng lasagna, burger, brownies at isang iced tea. Wala pa yan sa kalingkingan ng aking kagutuman. Naupo ako doon sa favorite spot ko, yung seat sa tabi ng bintana. Inilabas ko muna yung notebook ko sa Physics upang i-review ang mga notes at formulas para sa quiz namin sa Physics mamaya. Hirap kaya ng Physics. Bangag ako dun-__- Habang kumakain, napalingon ako doon sa doorway at nakita ang Happy Two Friends, ako kasi yung third eh.^___^

"Hoy Mauee, ang daya-daya mo talaga! Hindi man lang nagawang maghintay." sabi ni Sabrinne sabay kuha dun sa iced tea ko, at uminom. Baliw talaga yung babaeng yun. Akin yung iced tea eh-__-

"Oo nga naman. Unfair ka kahit kailan, Mauee!" sabat naman ni Fionah habang nakatingin doon sa handy mirror nya na iniregalo ko noong monthsary naming tatlo. Adik namin no, may monthsary. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa pagkain at sa pagrereview. Palibahasa kasi, sisiw lang sa dalawang lokaret na yun ang Physics. "Chige, ganyanan na pala ah. Walang pansinan. Order muna kami."

Pumila sila at um-order na rin ng snacks nila. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain at sa pagrereview. Nakakabangag talaga ang pagsasaulo ng mga formulas. Bakit kasi nauso pa tong mga ganito? Pinahihirapan ang mga kabataang Pilipino. Kailangan kong makakuha ng mataas ngayon, dahil kung hindi, grounded ako sa loob ng isang buwan. Ang higpit talaga ni Mama>__<

Muli akong napatingin doon sa doorway nang biglang nagsigawan ang mga babae doon sa canteen. Natunghayan ko ang isang grupo ng mga gwapong nilalang na binubuo ng apat na miyembro. Sikat na sikat talaga sila sa campus namin dahil sa kagalingan nila sa pagkanta. At isa pa, kasama rin sila sa varsity ng basketball at swimming team. Oo, gwapo talaga silang lahat pero isa lang ang nangingibabaw. Si Cole Xaivan Alegro. s'ya ang team captain ng basketball team namin, isa sa pinakamagaling na swimmers sa buong school, at ang may pinakaswabe at nakahuhumaling na boses sa lahat. Matalino rin s'ya at magaling sa paglalaro ng chess. Crush ng bayan. In short, neseye ne eng lehet! Napatitig lang ako sa kanyang katawang pawisan nang dahil sa katatapos na training nila sa basketball. Graveh! Ang hot ng kanyang sweaty body. Laglag ang panga, teh! Ang seryoso ng mukha nya, pero gwapo at hot pa din. Ang sexy nya. Waaah!! Aamin na ako sa inyo, crush ko sya at may lihim akong pagnanasa sa kanya.>__< Nagpatuloy ako sa pagtitig sa kanya, nang bigla s'yang humarap sa akin. What will i do? Nakikita n'ya akong nakatitig sa kanya! OMG! Ano na ang aking gagawin? Gusto kong umiwas ng tingin pero di ko magawa. Parang na-locked na 'yung tingin ko sa kanyang grey eyes. Nahi-hypnotize na ata ako. Can't breath!! Oxygen pleassssee!!

"TULO-LAWAY KA NA, MAUREENE FAITH CRISANTO!!" bigla akong nabalik sa realidad nang dahil sa sigaw ng aking mga baliw na kaibigan. Astig talaga ng mga 'to, hindi ka nila ilalaglag-__- Kainis 'tong mga 'to. Mabatukan nga mamaya. Dahil sa sigaw nila, awtomatikong napatingin sa akin ang lahat ng estudyante sa canteen, pati na rin si Cole.=__= Nakakahiya! Lupa, lamunin mo na ako, ASAP! Nakita ko lang na ngumisi si Cole at tuluyan na silang pumunta doon sa kanilang VIP table. Sinundan ko lang s'ya ng tingin hanggang sa makaupo na s'ya. Tae! Ang mga kaibigan kong 'yun.

"Uy Mauee, pakipunasan naman 'yang laway mo. Eeeewww!!" sabi ni Fionah sabay lapag ng tray doon sa table.

"Oo nga naman Mauee. Napaghahalatahan ka tuloy. Haha!" sabat naman ni Sabrinne. Tumayo ako at binatukan silang dalawa. Hindi naman 'yun mahahalata kung hindi nila isinigaw eh. "Uy Mauee! Kailan ka pa naging sadista?! BAD!" sabi nilang dalawa nang sabay.  Inirapan ako lang sila at bumalik na ako sa aking pagrereview.

Hoy! Pakiss! (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon