PADALA (Part 2)

1.7K 27 2
                                    

ANG NAKARAAN...

Karylle: Hello? Baby Boy? Oh, kumusta ka?

Nadudurog ang puso ko, kausap nya si baby boy nya habang nasa harap nya ako.

Karylle: Oo, sa next saturday, may pagdadalhan ako sayo na place kung saan tayo puede kumain....Ok.... I LOVE YOU!!! BYE!  *binaba ang phone*

Aray...

Karylle: Oh, Vice ito na yung padala ng kuya mo. *smile*

Vice: *fake smile* Ahh, ok, Sige, mauna na ako, ayusin ko pa karinderya ko.

Mabilis ako lumakad palayo. May baby boy pala sya, bakit diko naman kasi naitanong. Hay nako.

-------------------------------------------------------------------

Continuation...

-Vice's POV-

Simula nung nalaman kong may baby boy pala si Karylle ay hindi na ako bumalik sa bangko. Wala naman na din pag-asa eh, bakit pa ako magsasayang ng oras. tss.

Friday na ngayon. At bukas ang grand opening ko ng karinderya. Hindi ba dapat masaya ako?! Pero, ewan, sobrang lungkot ko. Pinaubaya ko sa mga trabahador ang paggawa at pag-ayos ng karinderya. Habang ako dito nagmumukmok sa loob ng bahay.

Nabalitaan ko rin na si Vhong na at Anne, sinagot na sya ni Anne, umamin kasi na dati pa man talaga ay gusto na din nya si Vhong. Sinusukat lang daw nya talaga ang effort ni Vhong para maangkin sya. Masaya ako para sa kanila. Bukas andito sila sa opening. Paniguradong lalanggamin na naman ako, dahil sila na ang sweet.

Sa totoo lang, kahit alam ko may baby boy na si K, umaasa pa din ako na dumating sya bukas, para makita ko sya kahit sa huling sandali. Drama ko, akala mo naman mamamatay na ako.

Wag nang magpatumpik-tumpik pa boom karakaraka! Wag nang…

Vice: Hello? *matamlay nyang sagot*

ViceRylle Rhythm Of Love: One-Shot StoriesWhere stories live. Discover now