chapter 10

265 24 28
                                    

~~~~~

Uwian na. Hindi pa rin ako maka get over sa nangyari kanina. Ang bigat ng pakiramdam ko. May nasaktan ako. Nasaktan ko si Mark, nagi guilty ako. T.T

My life begins to be so confusing.

Ganito pala ang feeling ng may nasasaktan kang tao. I wonder how Mark feels when he tricked me. I wonder what he feels loving me from a distant.

Ang tanga ko, hindi ko man lang naramdaman na nagsisisi sya sa ginawa nya. 

Hindi ko man lang na feel na lagi syang nandyan para sakin. 

Iisa lang kasi ang nasa isip ko ng mga oras na yun. Yung taong hindi ko siguradong mahal ko at mahal ako.

(A/N: Sabihin ko na ba kung sino yung guy?)

Busy ako sa feelings ko sa kanya at dahil dun, hindi ko nabigyan ng pansin yung mga taong nag eeffort para mapansin ko. Isa na dun si Mark.

Ang taong nagsabi sakin na handa syang i sacrifice ang happiness nya para sakin. Ang taong hindi ko sinasadyang saktan. 

Siya naman kasi eh, he chose his pride over me. Pero hindi ko rin sya masisisi. Minsan talaga, ang mga tao, kapakanan lang ang iniisip. Lahat ng tao, egoistic. Yung iba nga lang, severe na ang pagmamahal sa ego nila at hindi nila napapansin ang mga nangyayari sa paligid nila.

" Ysa.. " - ( Nathan )

" Oh? Bakit hindi ka pa umuuwi? " - ( ako )

" Uuwi na sana ako kaso nagtext si Angela na hindi ka pa daw umuuwi. Kaya yun, hinanap kita. Andito ka lang pala. " - ( Nathan )

" Umuwi ka na sana. Uuwi na rin naman ako eh. " - ( ako )

Bakit dumating pa to? Nagmo moment ako dito eh. Sinisira nya. Buti nalang napunasan ko na tears ko bago sya dumating. Kung hindi, isang mahabang paliwanagan na naman to.

" Oh? Umiyak ka ba? " - ( Nathan )

Speaking of, napansin tuloy nya. Haist. Masyado kasing observant eh. 

" Huh? Hindi ah. Bakit naman ako iiyak? " - ( ako )

" Depende. Dalawa lang naman ang dahilan ng pag iyak na tao eh. It's either masaya o malungkot ang dahilan. Umiiyak ang tao pag masaya sya dahil nakuha na nya yung mga gusto nya. Yung para bang tears of gratitude. Yung iba naman umiiyak dahil nasaktan sila o kaya nahihirapan na sila sa isang situation, bitter tears kumbaga. " - ( Nathan )

" Sa tingin mo ba, masaya ako ngayon? " - ( ako )

" Ewan ko. Sarili mo lang ang makakapagsabi nyan. Kung masaya ka, edi masaya. Pero pag malungkot ka, ilabas mo, iiyak mo lang. Yan naman ang tinatawag na Tears of Elation, yung luha na nagpapagaan ng loob natin, pag nailabas natin lahat ng sama ng loob natin, gagaan ang pakiramdaman natin. " - ( Nathan )

" Bat ang dami mong alam sa tears? Dami mo na sigurong napaiyak noh? Hahaha. " - ( ako )

Iniiba ko ang usapan kasi ang awkward ng feeling ko. Ayoko ng mga ganitong mga usapan. 

" Wala pa akong napapaiyak. Pero may isang babaeng nagpaiyak sakin ng hindi nya namamalayan. " - ( Nathan )

Napatingin ako sa kanya. Pero nakatingin sya sa malayo. 

Si Nathan? Iiyak dahil sa isang babae? Imposible.

" Weh? Imposible naman yang sinasabi mo. " - ( ako )

" Seryoso ako. Mahal ko sya pero may mahal ata syang iba. " - ( Nathan )

" Edi kung ganun, kalimutan mo nalang sya. Marami pa namang iba dyan eh. " - ( ako )

" Hindi ko sya kayang kalimutan. Bihira ang katulad nya. " - ( Nathan )

+ NATHAN'S P.O.V +

" Edi kung ganun, kalimutan mo nalang sya. Marami pa namang iba dyan eh. " - ( Ysa )

" Hindi ko sya kayang kalimutan. Bihira ang katulad nya. " - ( ako )

Kung alam mo lang Ysa. 

Kung alam mo lang kung gano ako nasaktan nung nakita kong magkayakap kayo ni Mark. Gusto ko syang sugurin pero inisip kita. Inisip ko na sa kanya ka magiging masaya kaya hahayaan na kita.

Kung saan ka masaya, dun na din ako. Isasakripisyo ko lahat para sayo. 

Kasi iba ka. Iba ka sa mga taong minahal ko. Iba ka sa kanila. 

Ikaw lang ang minahal ko ng ganito. Ikaw lang at wala ng iba.

+ END OF P.O.V +

" Edi ipaglaban mo sya, tutal naman mahal mo sya eh. Malay mo mahal ka din nya. " - ( ako, Ysa )

" Ayoko na syang guluhin, may mahal na syang iba. Handa akong isakripisyo kahat para sa happiness nya. " - ( Nathan )

" Sayang naman. Ang swerte nya pag ikaw ang boyfriend nya. " - ( ako )

(A/N: I've decided to reveal it here.)

Ang sakit. May mahal siyang iba. 

Mahal na mahal nya yung girl na kahit sarili nyang happiness, isasacrifice nya. 

Sana ako nalang yung girl na yun. Pero hindi eh.

Sabi pa nya, wala na daw ibang babae ang papalit sa girl na yun.

Ang swerte nya. Pero sayang nga lang, hindi nya mapansin si Nathan. 

Kung ako nalang sana Nathan, kung ako nalang. 

Mamahalin kita. 

Pero ano pa nga bang magagawa ko? Iba ang mahal mo. Mamahalin nalang kita kahit hindi mo to masuklian.

Mamahalin kita kahit sa sarili ko lang.

I'll save my heart for you.

I'll save every pieces of it for you.

Too Much Love For Him  <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon