Wait.. wala akong maintindihan

21 0 0
                                    

Lance’s Pov:

Katatapos lang ng feeding program naming sa orphanage.

Lahat pagod, irritable, peru kahit ganun .. masaya naman kami sa tulong na nagawa naming dun sa mga bata sa orphanage.

Ang sarap pala sa pakiramdam na nakikita mo yung mga ngiti at tawa ng mga batang cute dun .

At sa bawat ngiting meron sila, eh dahil yung sa effort naming lahat..

Habang busy ang mga classmate ko sa pagsrve ng mga pagkain para sa mga bata, naisipan ko munang lumabas at magpahangin muna. Hanggang sa napadpad ako dito sa mini garden ng orphanage.. habang nakaupo ako sa bench at nagiisip, may narinig akong familiar na boses..

“ Shane , tigilan mo nako please ? tapos na tayo.”- agad naman akong nagtago sa puno  at pinakinggan ang mga sinasabi niya..

“ shane, ikaw ang lumayo diba? Iniwan mo ko ? tapos ngayon .. ngayong okay nako … bakit shane?? Shane tama na please . ayoko na”

“ isipin mo na lahat ng gusto mong isipin, pero shane . di na kita mahal.”- so kausap niya si shane?

Si Shane na childhood friend at first girlfriend niya .. sabihin narin nating .. first heartbreak.

FLASHBACK:

“ Brent ,  buksan mo tong pinto pre..”- andito kami ngayong barkada sa bahay nila brent. Nakuwento kasi saamin na hiwalay na daw sila ni Shane at ngayon 1 week nang di lumalabas ng bahay. Kaya pala parang iba yung brent na kasama naming kapag nasa school . di kasi siya namamansin, di niya kami kinakausap, kapag kakausapin naming siya tumatango lang siya.

“ Pre, buksan mo na to .  andito naman kaming barkada eh, kung kelangan mo nang kausap ..”- ako. Habang nageemote at kumakatok sa pinto niya. Mga walang kwenta kasi tong mga kasama ko eh , si Ian nagppsp, si Chad at Third naman nagkukuwentuhan lang.

“ Sir… Sir..”- sabi naman ng isa sa maid nila Brent.

“ Ano??! “- iritang sagot ko.

“ Uhmmm . sir..”

“ Ano nga ! alam mo imbis na kinukulit mu ko jan , kunin mo nalang yung duplicate key nang kwarto niya para mabuksan na to!”

“ eh kasi po sir ano eh .

“ ano nga ! potek, nakakainis ka na !”

“ uhmmm . hindi po kasi yan yung kuwarto ni Sir Brent.”- agad naman akong napatigil sa pagkakatok, at narealize na hindi nga pala ito ang kuwarto niya.

“ H-ha ? Ehh. K-kasi …”- di ko na nauloy kasi biglang nagtawanan sila Chad..

“ Boom ! sayang effot mo dude..”- pang-aasar ni Third. Tinignan ko nalang siya ng masama at pumunta sa kuawarto ni Brent.

“ Brent !  buksan mo to”- balik nanaman ako sa pagkakatok sa pinto niya.

“ Brent , tol si shane lang yun . wag ka namang magmukmok as if namang end of the world na . tol babae lang yun, besides di ikaw ang nawalan kundi siya ! “- peru wala padin ..

“ Hoy lalaki ! ano ba ? bubuksan mo ba to o sisirain ko pa ?”- bigla namang ngbukas ang pinto. Sus, kelangan lang pala to takutin eh. Peru bakit parang…

“ Ano ba yan pre, Ano bang problema mo ? istorbo ka sa tulog ko . atsaka anung pinagsasabi mong siya ang kawalan? Lance, ayos ka lang?”- pupungay-pungay na sabi ni Brent.

Hindi ko na siya pinansin at dumiretso papasok sa kuwarto niya.Chineck ko agad Baka may basag na bote o nakasabit na lubid , or any signs ng suicide . peru wala naman . maayos naman ang kuwarto niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Missing the old usWhere stories live. Discover now