My Number Zero Fan [Bonus Track]

71 2 2
                                    

Track 6.5

"Jamilo..

...Gusto mo ba ako? O_O"

Anu nga bang isasagot ko? Gusto ko nga ba itong babaeng ito? Ayoko. Crazy na nga kasi siya, fan girl pa! Tsk. Ayoko talaga. Tsk.

Pero mukhang alam ko na nga ang salitang 'tinamaan' na tinutukoy ni Domz.

Sh*t ka talaga tol.

Ito na ata yun.

Napaupo ako at sinubsob sa mga tuhod ko ang mukha ko habang hawak-hawak ang kamay nitong fan girl na ito.

Ramdam kong umupo din siya pero di naman niya binabawi ang kamay niya. Siguro ilang seconds din kaming tahimik.

Inaayos ko lang talaga ang sarili ko. Hindi ko kasi alam paano sasabihin. Kung sasabihin ko ba o hindi. Baka kung anong i-reply nitong baliw na babaeng ito. Argh. Ano ba Jamilo, o-oo ka lang o hi-hindi hindi mo pa masabi ng maayos!

Sinubukan kong sumilip para tingnan siya. Kung anung ginagawa niya at bakit hindi din siya naimik. Kung iniisip din ba niya ang sasabihin o kung nakatulala nalang siya sa gulat.

:)

Lalo akong namula. Lalo akong nahiya. Lalong hindi ko alam kung anung isasagot sa tanong niya.

Ikaw ba naman pagtingin mo ang bubungad sa’yo ay yung ngiting inaasam mo palagi? Makaka-imik ka pa ba?

Sinubsob ko nalang ulit ang mukha ko sa mga tuhod ko.

“Hay naku Jamilo.. Sige hanggang umaga ganyan ka nalang? :D”

“Baliw ka talagang babae ka.”

“Hehehe Pero ikaw din naman ^^, Sabi mo nga, nahawaan kita diba?”

Pinoke niya ako ng pinoke na parang bata gamit yung kamay niyang hindi ko hawak. Kaya naman sumilip ulit ako,

“Hindi ka din titigil ano?”

“Ikaw naman kasi. Ang drama mo bigla. Hehehe.”

“Kainis. Hindi ko alam kung joke time ba yang reaksyon mo o hindi.”

“Ha? :D “

“Wala.”

A moment of silence ulit. Hindi ko alam kung a moment of silence for the friend-zoned Jamilo Cruz ba ito o hindi. Ang hirap basahin ni fan girl. Mas mahirap pa talaga kaysa sa mga fan namin.

“Ganito nalang.. Babaguhin ko ang tanong ko. :) “

“Ayoko na, wag ka na nga umimik dyan.”

“Hindi ba sabi mo nahawaan kita? :D

Sa tingin mo, hindi ko din nararanasan yang mga yan? ^^,”

Syet. This time, naramdaman kong nagliwanag ang mukha ko. Ako naman ngayon ang parang bata na hindi maipinta ang mukha.

“Ibig sabihin…”

“Oo :) Kaya wag ka na mag-drama diyan kasi hindi bagay sa’yo hehehe”

“So…”

“Oh?”

Napaluhod ako bigla ang niyakap ko siya ng mahigpit.

At niyakap din niya ako pabalik.

“Hala, akala ko titigil ka na diyan.”

Inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya at hinarap siya ng maayos. Nakangiti lang siya sa’kin. At sapat na iyon

Mahal kita fan girl..

..Pwede ba kitang maging girlfriend?

“Kailangan ko pa bang sagutin yan? Alam mo nanaman diba? ^^,”

Nilagay ko ang mga kamay ko sa magkabilang pisngi niya at inilapit ang mukha niya sa’kin. Magkadikit ngayon ang aming mga noo. Nakangiti pareho ang aming mga labi. Hindi ko alam na ang ganitong kakorny na eksena, kapag sa iyo nangyari, para talagang nasa mga ulap ka. Magaan sa pakiramdam. Nakakatuwa. Nakakakilig.

Mahal din kita Jamilo.

…Tandaan mo na yan simula ngayon ha? :D

Tumayo ako at itinayo na din siya.Hindi ako makapaniwala pero itong babae sa harap ko, finally.. I can say she’s my girlfriend.

Tiningnan ko ang mga kamay namin na kasalukuyang magkahawak.  Hindi ko alam ang mangyayari sa hinaharap pero I will love this girl with all my heart.

Sa gabing iyon, officially, my fan girl became my girlfriend.

My Number Zero Fan [Bonus Track]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon