Mr. Omegle - Part 2

1.7K 31 8
                                    



Nakakatuwa 'tong last stranger ko! Kaso 12 na ng umaga.. baka pagalitan na 'ko.



You: penge nga link ng pic mo =))

Stranger: sige :)



Uyyy papakita na niya!



Nung nasend niya na yung link, natawa ako nung nagload na. Eh pano ba naman kasi? May isang chinitong chubby na bata sa picture. Ang pangit pero ang cute! BATA AS IN MGA 7 YEARS OLD.



You: Hahaha! Seryoso kasiii

Stranger: Bakit? Ako yun ;)



Nagchat lang kami ng nagchat hanggang sa nag 3 na ng umaga. Grabe. Hindi ko na namalayan ang oras sa sobrang sarap makausap 'tong lalaking 'to! And sabi niya pa, hindi siya 19! HE'S 16! Ayaw niya raw kasi ibigay agad agad yung totoo niyang age. Pero lalaki talaga siya of course.



You: Hindi pa ba tayo matutulog? =)))

Stranger: inaantay lang kita eh :))

You: hahaha ganun ba -_- pano kung di ako natulog? =)))

Stranger: edi hindi rin ako matutulog ;)

You: hahahaha



Nasabi ko na bang sa tatlong oras na yun, nagkadevelopan kami at nag-ii love you na siya?



Stranger: i love you :*



See? Hmm.. masagot nga!



You: 143

Stranger: i hate you too

You: :((

Stranger: hahaha joke lang ilysm :*



At isang pangyayaring hindi kanais-nais na mangyari ang nangyari sakin. Biglaan 'to. Halos malaglag ang panga ko. Inadjust ko yung mata ko sa liwanag nung screen ng laptop ko. 3 am na nga diba? Ano ba 'tong screen ko ba't white na bigla?



"Holy sh.. shpirit. Holy spirit. Oh my gosh!" napasigaw ako sabay takip ng bibig. Ano ba 'to? May nagpop up na parang your browser is not responding?!



Hindi ko alam kung anong iniisip ko nang mapindot ko ang ok.



Holy shoot. Nawala yung safari!



Napasabunot ako ng buhok. Hindi ko na siya makakausap ever! Sheeeeeeeem!



"Gising ka pa?!" Nagulat naman ako sa pabulong sigaw ni mama sa pintuan ko.



Sinara ko kaagad ang laptop ko at natulog. Tapos tinarayan lang ako ni mama at lumabas ng kwarto ko. Napatitig ako sa kisame. Ang dilim. Ay oo nga pala! Nabigay ko yung number ko kahit hindi ko hiningi!



Agad agad kong kinuha ang cellphone ko at tinitigan ang homescreen nito. Ang tagal ah. Di ba siya magtetext?



"Zzz.."



-



"Ahh!" Napabangon ako agad sa excitement. Kinuha ko agad yung cellphone ko sa ilalim ng unan ko at agad tong binuksan. Kaso.. napahiga ulit ako at nagmukmok nung makita kong walang text. Bakit hindi siya nagtetext? Siguro 20 na siya? Baka nantitrip lang siya?



Bumangon ulit ako at dumiretso sa kusina para magtimpla ng milo. Bakit ba. Bigla nanamang nagvibrate ang cellphone ko at halos magtatatalon ako sa saya.



From: 09XXXXXXXXX

pst oy meet me at the coffee shop 4pm :)



Omg...



Am I dreaming? Is this a joke? HUWAAA! Hindi ako nagpalipas ng isang segundo at nireplyan ko agad siya. Siyempre pinalitan ko kaagad yung name!



To: Siopao <3

sige sige ;)



-



Nanginginig yung tuhod ko nung pumasok ako ng coffee shop malapit sa bahay namin. Lalo akong kinabahan nung hinanginan ako ng aircon. I scanned the room. No signs of kagwapuhan. Maybe he's a little late?



Umupo ako sa sofa katabi ng malaking glass window. Kitang kita ang mga taong naglalakad sa labas. Mejo malamig ang panahon ngayon. Kaya foggy.



Napatalon ako nung narinig ko yung THUMP! sa harap ko. Kumbaga may umupo. Isang lalaki. Naka sweater na turquoise at khaki shorts.



------------------------------------------------------

A/N: AYAN NA ANG MUNTING UPDATE! Next update.. secret :P



Aha! Next update after 5 comments! Kaya ishare niyo tong story na 'to!



-MT

Mr. OmegleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon