Chapter 1 : Moving On Stage

5K 56 9
                                    


---

Simple pero kilala sa school namin.  Ganyan ko i-define ang sarili ko. Simple dahil hindi ako tulad ng ibang babae na paganda dito, paganda doon. I HAVE MY OWN BEAUTY. Hindi ako madalas mag ayos. Kaunting pulbo lang, okay na ako. Kilala ako dahil, hindi rin ako sigurado. basta ang alam ko, halos lahat estudyante sa school na pinapasukan ko eh kilala ako. Madami rin akong kaibigan ngunit iba pa rin yung matatalik at iyong matatalik na kaibigan na 'yon ang pinagsasabihan ko ng mga sikreto.

Pasukan na ulit at hindi ko talaga alam kung pano mag uumpisa.  Akala mo siguro kung anu-ano na yung pinagsasabi ko dito, ano? 

BREAK-UP.

 2 months na ang dumaan simula noong naghiwalay kaming dalawa. He's my third boyfriend pero siya lang yung masasabi kong minahal ko ng totoo. Sabihin na natin sobra yung pagmamahal na naramdaman ko sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit hirap na hirap akong kalimutan siya. Maybe it's just because he left me with too much memories. I love him so much and until now, mahal ko parin siya. Pinipilit ko lang mag move on. 

To tell you the truth , ayoko talaga na kalimutan siya. Sino bang gustong kumalimot ng sobrang gagandang alaala? Wala naman diba? Pwera nalang nahihibang ka na at kailangan mong magtingin sa doktor.

"hoy! nag d-daydream ka nanaman diyan! first day ng pasukan eh nakasubsob yang baba mo sa kamay mo! MALAS YAN! sige ka, papangit ka!" Denise said. One of my closest friends.

'' Tumigil ka nga diyan. Ayoko kasing lumabas ng room at talagang mamalasin ako kung mangungulit ka pa diyan!'' Sagot ko naman sa kanya

''Sus! Si Paul lang yang iniisip mo eh. '' Pang-aasar pa niya.

"Che! Asa! Syempre hindi ko na siya iniisip! tsaka pwede ba, itikom mo naman yang bibig mo. Ang aga-aga, daldal ka nanaman ng daldal eh. Isusumbong kita kay Jacob." Pang-aasar ko din sa kanya

" Ewan ko sa'yo, sis. If I know, mahal mo parin siya. Tara na nga!'' Pag-aaya niyang lumabas sa classroom.

''Eh.. ayoko ngang lumabas." Pagmamatigas ko.

 "Eh, ehh, ka diyan. Sige diyan ka. Huwag ka u-mattend ng morning ceremony at masabon ka ka nanaman ni ma'am."

"bakit? classmate ba kita?" tanong ko sa kanya.

"Hindi.. oo nga pala, hindi nga pala kita classmate.." Sabi naman niya. Nawala ata sa isip niyang nahiwalay siya sa amin noong enrollment.

'' osige, mangiinis ka pa.'' Pang-aasar ko ulit sa kanya.

"Sige na. tara na. Malapit na magumpisa at tsaka kung si Paul man yang dahilan kung bakit mo ayaw lumabas sa room, no problem. classmates ko siya. Okay?"

"per--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at hinila na ako ng baliw.


Nakapila kami ngayon at hindi ko pinapansin ang mga tao sa paligid ko. Pumila na si Denise sa pila niya at ako naman sa section namin. Nakita ko si Paul at nung nakita ko siya, bumalik ang lahat. Lahat ng alaala pati narin yung araw na naghiwalay kami. Parang kinukurot ang puso ko. Pinagmamasdan ko siya. Hindi ko din maitanggi sa aking sarili na tama si Denise, mahal ko pa rin si Paul.

Nagtataka siguro kayo kung bakit masakit. Si Paul kasi yung nakipaghiwalay at mas masakit yung naging rason ng pakikipaghiwalay niya. Para sa akin, isa ito sa napakawalang kwentang rason na manggagaling sa kanya.

Nasakal siya.

Nasakal daw siya sa akin. Bakit walang kwenta para sakin? Kung totoong mahal niya ako, hindi siya basta-basta susuko. Ako, kahit abala siya sa sarili niyang mundo at miski ako, busy, nagagawan ko ng paraan para lang makausap at makasama siya. Para sa akin kasi, isa ang "communication" para maging mas matibay ang relationship. Pangalawa, tiwala. 

Gumagawa ako ng oras para sa kanya tapos sasabihin niya sa akin, nasasakal siya? Anyway, wala na akong magagawa kung 'yon ang rason niya. Siguro, ganoon talaga. Naging mabait naman siya sakin at naging masaya naman ako sa kanya.

"Hoy Maki. Tulala ka nanaman diyan." Si Denise nanaman at tumingin kung saan ako nakatingin.

"huh... ano 'yon?"

'"huh? anong huh?! ikaw ha, nakatingin ka kay Paul oh.. namimiss na niya~." Pang-aasar pa niya.

"Luh,  hindi ako nakatingin diyan. Tsaka malay ko bang nandiyan pala siya.."Pagdedeny ko pa kay Denise kahit totoo naman, nakatingin talaga ako kay Paul.

"DENIAL QUEEN! lokohin mo neknek mo!  hoy kaibigan mo ako! alam ko kung ano yang tumatakbo sa isip mo!" Sambit niya.

'' ano ka , mind reader? ''

'' kinda~" Sagot naman ng loko. 

''Hay. tigilan mo na nga yan at tara na't umakyat na tayo." Pag-aaya ko. Hindi ko nga alam bakit biglang nandito na ito sa pila namin eh sa kabilang section dapat 'to nakapila.

"Hay nako, Maki. MOVE ON! 2 months na rin ang dumaan. Kalimutan mo na siya. Masasaktan ka lang. Tsaka ang dami pa diyang iba. Hindi ka mauubusan at mas matitino pa." Sambit sa akin ni Denise.

"Si Philip na may putok? Si Ivan na may baktol? Si Fernando na kuto?" I said.

"HAHAHAHAHAHAH! grabe ka naman Maki! Marinig ka ng mga tao. Kung laiitin mo sila pero.. totoo din naman kasi."

paakat na kami sa kanya-kanya naming silid aralan nang saktong napatingin ako sa lugar kung saan siya nakatayo at nakita ko siyang nakatingin sa akin. Sa oras na 'yon, hindi ko alam kung anong gagawin k. Ngingitian ko ba siya? Babatiin ko ba? Huwag muna kaya. Kunyari hindi ko siya nakita.

Tama. Sa totoo lang, hindi pa ako handang kausapin siya  at hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya. Baka bigla lang akong umiyak. Nakakahiya. Ayokong magmukhang mahina. Tama na siguro ito, magkunyaring hindi apektado.

--

Oh My! Oh Why? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon