Chapter 13: The Ex, Real Reason Behind the Break Up

80 2 4
                                    

Shin Airielle POV:

Habang pinapakinggan ko yung kinakanta ni Aishlinn nakaka-relate talaga ko hindi ko lang masyadong pinahalata. Nagulat talaga ko na isa pala sya sa transferees dito hindi ko naman maitatanggi na lalo syang gumwapo.

Habang naglalakad ako hindi ko mapigilang di maiyak ng hindi ko alam ang dahilan. Umupo ako sa damuhan sa garden at doon tahimik na umiyak habang sumisinghot eh kasi naman ayaw tumigil ng mga luha ko!

Tss oh! - lalake sabay abot sakin ng panyo. Huh? Sino ba to bigla bigla nalang sumusulpot, kabute lang?

Sa-salamat! - sabi ko at tumingin sa kanya, nagulat ako. My loves este Ace ikaw pala, sa-salamat dito! - patuloy na sabi ko habang tinutukoy yung panyo. Tumango sya kaya naman pinunasan ko na yung mga luha at sipon ko. Naupo sya sa tabi ko.

So he's your ex? - tanong nya pagkaupo palang habang nakatingin sa harap at seryoso.

Yeah he's my ex! Nakakatawa no kasi isang taon na kaming wala pero umiiyak padin ako ngayon. Alam mo yun diba sabi ko naka moved on nako pero feeling ko parang kahapon lang sya nangyari, bumalik kasi yung sakit, lahat ng sakit na naramdaman ko nung pinagpalit nya ko sa iba. Totoo, talagang minahal ko sya mabait naman kasi talaga si Mark , maalaga pa hindi lang talaga siguro ako yung makakapagbigay ng mga gusto at kailangan nya. Pero kahit naghiwalay kami at nasaktan ako, gusto ko bumalik kami sa dati na masaya, na parang walang problema. Gusto kong bumalik yung mga panahon na okay kami, na kaibi------ kwento ko ng may halong hinanakit at pag asam na sana mabalik kami sa dati pero diko na natapos kasi bigla nalang syang umalis. Problema ba nun? Sasabihin ko pa sanang gusto kong maging magkaibigan kami ulit ni Mark eh (pout) Yaan na nga atleast gumaan yung pakiramdam ko kahit papano. Hahabulin ko nalang sya, so yun tumakbo nako para hanapin sya.

Ano ba yan, ang dami ng tao! - bulong na sabi ko sa sarili ko. 

Lunch break na pala ang bilis naman, pero hinanap ko parin sya at ayun nakita ko din sya sa wakas andito lang pala sya sa field, hinawakan ko yung braso nya.

Ahmm A-ace an-ano may problema ba? Bakit bigla kana lang umalis? - tanong ko na parang nagtatampo at nakapout, tinanggal nya yung pagkakahawak ko sa braso nya.

Tss! Wala. - sagot nya ng nakatalikod.

Pero kas----- diko na natuloy pano kasi 

Shin! - tama po kayo may tumawag nga sa pangalan ko. Boses palang nya kilalang kilala ko na, sya lang naman yung kaisa isang taong tumatawag sakin nyan eh, yung lalaking minahal ko pero niloko lang ako. Yeah si Mark David Garcia nga po. Humarap ako at

Pwede ba tayong mag-usap? Please Shin kahit ngayon lang, pagkatapos neto kung hindi mo padin ako mapapatawad pangako kahit di mo nako kausapin okay lang, lalayo nako! Please Shin. - pagmamakaawa nya ng may sinseridad. Tumango na lang ako siguro nga eto na yung tamang panahon para magkalinawan kami, isang taon narin naman ang nakakalipas.

Sige! - sabi ko at lumakad na kami. Nakarating kami sa rooftop. Si Ace ayun umalis nalang bigla, kainis naman may nagawa ba ko? (pout) (T.T)

Ahmm Shin tungkol don sa----- simula nya pero diko na sya pinatapos pinutol ko na agad.

Ah alin? Kung bakit moko iniwan, kasi sabi mo may mahal kanang iba ? Na ang tanga ko kasi naniwala ako sayo, na binigay ko lahat ng kaya kong ibigay para mapatunayan kong deserving ako sa isang tulad mo na pag naglalakad tayo maipagmamalaki mo sa lahat ng tao na girlfriend moko para lang hindi ka mapahiya sa iba. Alin ba don ha Mark? O baka naman maganda sya, mabait, sexy in short perfect ideal girlfriend tapos ako kabaligtaran nya kasi bukod sa wala akong ganda, tanga ako, slow ako o baka naman dahil hindi moko maipagmalaki sa ibang tao dahil eto lang ako simple at higit sa lahat mahirap. Ano Mark sabihin mo alin ba sa mga yon ang dahilan kasi alam mo Mark ang sakit sakit eh, ang sakit sakit na ginawa ko lahat para sayo pero ano? Pinagmuka mokong tanga, akala ko okay tayo eh, akala ko okay na lahat eh pero anong napala ko? Wala Mark, wala akong napala kundi puro pasakit. Minahal naman kita, hindi mo ba naramdaman o nakita man lang  yun o baka naman sadyang hindi mo naramdaman at hindi mo nakita kasi sya, sya yung nakikita mo at hindi ako? Sobra Mark, sobra kitang minahal, masakit pala pag sobra sobra no? Kasi eto, etong napala ko sakit, nasaktan ako Mark sobra.  -  ako  habang umiiyak. Sobra akong nasaktan noon at kahit ngayon aminin ko man o hindi alam kong may natitira paring sakit kahit papano.

I'm INLOVE with a NICE GUY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon