Chapter 1

77 6 2
                                    

FORGIVE MEEEE~ MAY BAGO NA NAMAN AKONG STORY KAHIT DI PA TAPOS YUNG IBA XD

ANYWAYSSSSSS. SANA OKAY TO NGAYON. LIKE WHAT I ALWAYS HOPE FOR PERO FAIL LAGI LOL :))

XX

----

Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan ang sang tambak na damit sa harapan ko. Seryoso ba to? Para namang dalawampung tao ang nagsuot nito samantalang apat na tao lang kami na nakatira sa bahay. Naiiling na tinalikuran ko yung mga labahin at nagpunta na lang sa kusina para maghanap ng pwedeng kainin.  

"Manang, may tuna pa ba tayo?"

Siya si Manang (hindi niya totoong pangalan). Matagal na siyang naninilbihan dito sa bahay namin, siya ang nag-alaga sa mga kuya ko at pati na rin sakin nang isilang ako. Mabait si Manang at palangiti, tinuturing ko na nga siyang ikalawang nanay ko kasi lagi siyang andyan sa tabi ko. She stood a couple of inches taller kesa sakin. Around 5'5" siguro kasi medyo pinagkaitan ako ng height kaya 5' flat lang ang inabot ko. Hay buhay.  

Nasa early fifties na siya ngayon, at may puting highlights na ang buhok niya. But despite that, di pa rin maikakaila na maganda siya nung younger years niya. Sayang nga lang kasi hindi na siya nakapag-asawa dahil sa kakaalaga samin, di na tuloy siya nakatagpo ng Dodong niya.  

Nilapag niya sa counter ang platong pinupusan at tumingin sakin, "Meron pa doon sa cabinet, Dyosa. Gusto mo bang isalang ko munang saglit?"  

Ako nga pala si Goddess Valencia. Dyosa ang tawag sakin ng mga tao dito sa bahay namin nang lumaki na ko dahil, quote unquote, muka daw akong dyosa. Ewan ko sa kanila eh madami naman akong nakita na mas maganda pa sakin. Maputi kasi ako, yung puting pang snow white ang dating. Echos. Pero maputi talaga ako, hindi nga lang yung matingkad na puti, yung rosy white na parang ginamitan ng ponds ang buong katawan. So needless to say, na rosy cheeks ako lalo na kapag naiinitan. My hair flows down half way my back at may pagka curly or wavy. Nakahiligan ko magpadye ng buhok kaya naman violet ang natripan ko ngayon. Yup violet. Violet kapag naarawan. Di pa naman ako nahihibang para pakulayan ang buong buhok ko ng violet at magmukang Troll. Never in my wildest craziest dream. Bilugan ang mga mata ko and it sucks to think na sa bilog nila, ang aga nilang lumabo. Manipis at matangos ang ilong ko at bow-shaped ang mamula mula kong labi. Marami naman akong nakikita na katulad ko, kaya di ko maisip kung bakit rason yon para Dyosa ang itawag nila sakin bukod sa obvious fact na tinagalog lang nila ang pangalan ko.

I adjusted my black-rimmed glasses kasi medyo bumaba ng konti, "Wag na po. Sanay naman akong kinakain ng ganiyan ang Centaur Tuna."

Nagtungo ako sa cabinet to get a can of tuna at binuksan gamit ang opener na nakuha ko sa drawer. I poured it sa isang tasa bago nilapag sa island sa gitna ng kitchen. "Kain tayo, Manang?" Alok ko as I slid to one of the empty stools.  

"Salamat, busog pa ko't kakamiryenda lang namin ni Talya." Sabi niya at matapos ay bumalik na sa pagpupunas ng mga plato.  

Nakakailang subo pa lang ako nang maalala ko yung mga labahin, "Manang, bakit sobrang dami naman ata nung labahin ngayon? Wala naman sila kuya ha."  

Lumingon siya sakin habang patuloy parin sa pagpunas ng mga plato. "Wala bang nakapagsabi sa'yo? Dumating ang kuya Percy mo kaninang umaga." Kumuha ng panibagong plato si Manang bago nagpatuloy, "Naku, hanggang ngayon nga eh hindi pa nababa. Hindi nag-almusal at tanghalian. Pati yung kasama niya eh hindi rin bumaba."  

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit wala man lang nakapagsabi sakin na andito pala si kuya? No wonder ganun karami ang damit, para kasing modelo, gusto palit ng palit. Pero sino naman kaya yung kasama ni kuya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Play TeaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon