Previous Page of 7Next Page

UNDYING FRIENDSHIP

spinner.gif

 

PREFACE

M

insan, sa buhay ng isang tao, hindi maiiwasang magmahal sa isang babae na sa tingin ng maraming tao na hindi dapat mahalin. Dahil dito, ang pag-ibig nga ay bulag dahil kahit sino ay maari nating mahalin. Walang nakakaalam kung sino ang mamahalin natin. Maaring yung babae na kaklase mo sa isang subject, babae na nakasalubong mo sa school, babae na hindi mo sinasadyang masagi. Isa lang ang alam natin. Ang mamahalin natin ay ang taong magpapaligaya sa atin at magpapatibok ng ating mga puso—nang mas mabilis pa.

 

CHAPTER 1—AFTER A MONTH.

 

N

andito ako sa isang tambayan sa labas ng school namin habang naghihintay sa aming tanghalian. Hindi ko maitago ang aking kasiyahan dahil kasama ko na ulit ang aking mga kabarkada after a month na bakasyon. Kwentuhan dito, tawanan doon. Hindi kami nagsasawa sa isa’t isa dahil talagang namiss namin ang bawat isa. Hindi kasi kami masyadong nagkita noong bakasyon kaya  ganito na lang kami ngayon. Sobrang ingay namin dito sa kainan. Pansin ko nga na natingin na ang ibang tao samin. Well, wala silang magagawa, namiss namin ang bawat isa eh. Walang masyadong nagbago sa amin. Ang iba ay humaba ang mga buhok. Tulad na lang ni John, Paul, at ni Josh. Teka, ako rin pala. Natripan kasi namin na hindi daw magpagupit nung bakasyon. Namiss ko talaga ang mga ganito naming trip. Tawanan lang at lokohan lang kami.

“Oy, Mike, magsalita ka naman! Napanis na ang laway mo dyan eh,” sabi ni Patrick sakin nang pasigaw.

“Sige, magsalita lang kayo. Namiss ko ang mga boses nyo eh. Haha,” sabi ko.

“Ang drama mo naman tol,” sabi ni Kenneth sakin habang inaayos ang kanyang mga gamit.

“Oo nga! Ano bang nakain mo at ganyan ka?” sabi rin ni Willie.

“Wala nga! Kita nyong hindi pa tayo nakain!” sabi ko sa kanilang lahat.

Nagsitawanan lang at nagsikwentuhan lang ulit hanggang sa dumating na ang aming pagkain.

 

Pagkatapos naming kumain, dumiretso na kami sa aming klase. Nagmamadali nga kami kasi ilang minuto na lang ay official late na kami. At sa unang araw pa. Ang mga kabarkada ko talaga. Masyado kasi kaming napasarap sa pagkain kaya hindi na namin namalayan ang oras. Ilang minuto na lang ay simula na pala ng klase. Kaya, heto kami ngayon, nagsisitakbuhan na.

Kami nga pala ay mga fist year college na. Pare-parehas kami ng kinukuhang course na BS Hotel and Restaurant Management sa St. La Salle University. Nagkakilala kami dahil kami ay magkakablock sa iisang section. Kami naman ay mga ordinaryong estudyante lang din. Minsan sinisipag, minsan tinatamad. Ang barkada namin ay binubuo ng siyam na  myembro, kasama ako, at kami lagi ang magkakasama. Kahit na may mga iba pa kaming kakilala, kami lang talaga ang solid sa isa’t isa. Pero minsan, may mga nasama din naman samin. Yung mga nakikilala namin sa ibang mga subjects. Halos pare-parehas kami ng mga trip kaya siguro lagi na lang kaming nagkakasundo. Kapag may mga breaks, diretso lang kami sa tapat ng school at kung saan na tumatambay. Pagkatapos naman ng klase ay gumagala sa mall na walking distance lang ang layo mula sa school. Astig diba? Pero minsan, nagsasawa rin naman kami sa ginagawa kaya naghahanap din kami ng magagagawa  kapag walang magawa. Kahit malayo na kainan ay pinupuntahan namin, as long as na kaya ng schedule namin. Pero kapag hindi, iba na lang. Pare-parehas kaming mga tipid na tao. Siguro ganun naman talaga ang mga lalaki—mga matitipid. Ewan ko lang. Opinyon lang po. Haha. Basta, ayan kami. Wala nang aangal pa! XD

Sa awa naman ng Diyos ay hindi kami nalate sa aming klase at wala pa ang aming prof. As usual, sa unang klase ay mga matatahimik ang mga tao. Kahit kami, natatahimik na rin. Haha. Siguro ganun naman talaga yun. Sakit na yun ng mga estudyante. Syempre, wala pag masyadong kakilala eh at marami rin sigurong nag-aadjust pa. Pagpasok namin ng classroom, marami nang tao, tapos ang mga bakante pang silya ay hiwa-hiwalay. Sayang, gusto sana naming tabi-tabi kami para masaya at hindi masyadong nakakahiya. At marami rin ang nakatingin samin. Baka dahil sa agaw-atensyon kami kasi marami kami. Kaya naghanap na kami ng sariling upuan. Katabi ko sina Kenneth at John. Nasa tabi ko si John at nasa likod ko naman si Kenneth. Nasa last column kami ni Kenneth at nasa sunod naman si John. Samantalang sina Andrew, Patrick, Josh, Willie, Cedrick, at Paul naman ay nasa may bandang dulo. Magkakatabi sina Cedrick at Willie. Nasa likod ni Cedrick si Andrew, at ang katabi ni Andrew ay si Paul. Nasa likod naman si Patrick, pero walang katabi.

Previous Page of 7Next Page

Comments & Reviews (2)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended