Chapter One:

281 6 0
                                    

YURi's POV:

" Okay. Get one-fourth and number it from one to ten. " sabi ni Miss Morales na parang donya habang nakaupo sa upuan niya sa gitna.

Tiningnan ko yung relo ko. 11:35. Pambihira !! Yan ang mahirap kay Ma'am. Yung ibang students naka uwi na, malamang nga yung iba, nagtatanghalian na. Samantalang kami, heto, may quizz pa !! Unfair yun ah !!

" Pahingi muna ng papel, Hon. " sabi nung sitmate ko. Si Blake Julian Lorenzo. Ang pinakapaborito kong kaaway. Kanina lang kami nagkabati. Pero heto na naman siya ngayon, nang-iinis !!

" Na naman ? Lagi ka na lang nanghihingi. Estudyante ka ba talaga ? Pumupunta ka ng school ng walang dalang gamit. Kumbaga sa giyera, lahat ng tao sa paligid mo nagkakabarilan na, eh, ikaw, may baril nga wala nang bala !! Saka -- "

" Ang OA mo naman. One-fourth lang yung hinihingi ko, ang dami mo ng sinabi. Mamaya mo na lang ako sermunan. Bigyan mo muna ako ng one-fourth, Hon. "

Pinanlakihan ko siya ng mata. Parang ganito --> (•)_(•) At pasimpleng binatukan. Mahina lang naman.

" Por pabor, Blake Julian, kanina lang tayo nagkabati. Kung ayaw mong maging best-enemy ko ulit, tantanan mo ako. Huwag mo akong inisin. At wag mo nga akong tawaging 'Hon' isipin ng iba boyfriend kita. Ma. Christine Euricka Honeyllete Ledesma is my name Mr. Lorenzo. Isaksak mo yan sa kukote mo !! "

" Oo na. Oo na. Tatandaan ko na, Kamahalan. Maaari mo na po ba akong pagbigyan sa aking kahilingan ? Pahingi ng one-fourth, Ma. Christine Euricka Honeylette Ledesma. " sa sobrang inis ko, dinikit ko sa mukha niya ang one-fourth na naglikha ng ingay at dahilan kung bakit napatingin sa amin ang ibang tao na nasa loob ng classroom. Including Miss Morales. Patay !!

" Both of you !! Write minus 2 at the top of your papers. " sigaw ni Miss Sungit.

Hindi yata ako papayag sa ganun !!

" But, ma'am -- "

" Make it minus 3, Miss Ledesma. Isa pang angal at wala ng matitira sa magiging score mo. " parang puputok na yung ugat niya sa leeg habang nagsasalita. Hinayaan ko na lang. Baka tutuhanin ang banta, itlog ang maiuuwi ko. " Okay, number one !! "

He Loves Me ? She Loves Me Not ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon