Chapter 2

1K 43 7
                                    

Si Gerald naman ay nagulat din sa pangyayari, hindi rin sya makagalaw. Nakahanap na sya ng ibang paradahan pero nakaupo pa din sya sa kotse at hindi lumamabas, nag-iisip, 'ano kaya ginagawa niya rito ? totoo nga ang sinasabi nila nag dadrive na syang mag isa na hindi kasama sila tito at tita, saan kaya sya pupunta ? may date kaya iyon?,' kung ano ano na lang ang iniisip ni gerald. 'bakit ko nga ba iisipin yun, matagal na yung nangyari.'. Tumigil na sya ng kamuni muni at bumaba ng kotse at pinuntahan ang ma kaibigan.

Samantala, nanatili si Sarah sa loob ng kotse, kung titignan mo ay parang may malalim na iniisip.

Hindi pa din sya makapaniwala na ang lalaki kanina na driver nung isang kotseng kaagaw niya sa parking space ay ang kanina pang bumabagabag sa kanya magmulang matapos ang meeting nya sa Viva, si Gerald.

Hindi nya ito inaasahan na makita. Nagkikita naman sila paminsan minsan sa hallways sa ABS CBN building pero hanggang dun lang, tingin lang at minsan ngiti pero more than 2years na din silang hindi naguusap.

Natigil ang kanyang pagiisip ng may kumatok sa window ng kotse nya. Bigla syang napalingon at nginitian ang kumatok at saka lumabas ng kotse.

Bumati sa kanya, "Hi, Sars kumusta ka na ? Mukhang malalim ang iniisip mo dun ha, kundi pa kita kinatok hindi katitigil sa kakatingin sa wala." Ito ay ang kaibigan nyang si Erik, isa sa matagal at malapit nyang kaibigan. Nagbeso ang dalawa.

"Okay naman ako kuya Erik, Hello din sayo Angge, paganda tayo ng paganda ha." Bati ni sarah sa kasama ni Erik ang kanyang nobya na si Angge.

Dumiretso na silang tatlo at ang bodyguard sa loob ng restaurant, nakita naman nila ang mga kaibigan na nakaupo na sa isang lamesa. Nagsimulang mag oorder ng pagkain.

"So guys ang tagal natin hindi nag get together, miss ko na ang bonding natin,"sabi ni Mark.

"Oo nga eh, buti na lang at nagtugma ang schedules natin ngayon.", pag-sangayon naman ni Christian.

Tahimik lang si Sarah sa kinauupuan niya, wala pa din kibong tila balisa pa din at para bang may malalim na iniisip.

Hanggang ngayon ay naiisip pa din ni sarah ang pagkikita nila ni Gerald. Sa isip nya ' dapat okay na ako na nakikita sya, ano ka ba naman sarah ang tagal na nuon, okay na nga ang lahat', pangaral sa isip nya sa sarili.

"Uy Sars, anong nangyari sa yo at wala kang kibo dyan," pansin sa kanya ni Shin.

"Oo nga para kang baliw dyan." sabi naman ni Yeng.

"Wala may naalala lang ako, so hindi ba darating si kuya Jed", pag iba nya ng topic.

Nahalata man ni Shin ang pag iba ni sarah ng topic ay pinabayaan na lang nya , " itry daw nya makahabol pagkatapos ng appointment nya".

Habang nagkakasayahan sila at nagkakainan ng dinner ay may mga taong dumating ng restaurant at diretsong lumapit sa kanila.

"Hi guys, nandito rin pala kayo," bati ni Fred, isa sa mga kakilala nila. Ang mga dumating ay sina Fred at ang barkada nito na sila Rayver, Young JV, Ali, Jalal, Ken, Enchong, at si Gerald.

Nabigla man si Sarah ay hindi na nya ipinakita pa, nagbatian ang bawat isa.

Naisip ni sarah, 'sa dinami dami naman ng restaurant dito pa

sila napunta.'

Binati naman ni Sarah ang mga ito dahil kaibigan nya rin naman ang mga ito at dati ay close din sya sa mga ito.

Bineso lahat ni Sarah ang barkada maski na si Rayver pwera lang si Gerald, mula kasi naging guest ni Sarah si Rayver sa "Sarah G Presents" ay nag kabati na sila. Duon sila nag kausap ng masinsinan at pinatawad na ni sarah si rayver, they are friends again.

Hindi mo maikaila na malungkot si gerald sa nakita, alam nyang mag kaibigan na ulit si sarah at ray pero masakit pa din sa kanya. 'Ako kaya kelan nya ako mapapatawad', tanong nya sa isip nya.

Bumukod na ang barkada ni gerald at pumunta na sa kanilang table, nanduon sila ngayon to celebrate Jalal's Bday.

Buong gabi ay puro sulyapan ang nangyayari, hindi mapigil ni Gerald na hindi sumulyap kay Sarah at ganoon din naman si Sarah sa table nila.

"Pare baka naman mabali ang leeg mo nyan, " wika ni rayver kay gerald.

"Ano ba ang pinag sasabi mo ?"

"Huwag ka ng magkaila dyan bro, kanina ka pa tingin ng tingin ka sarah eh."

"Hindi ko lang talaga mapigilan eh, buti ka pa napatawad na nya at nakakalapit ka pa sa kanya, samantalang ako it's been more than 2 years since huli namin talagang nag usap."

Sa table naman nila Sarah, "Sars alam mo kanina pa tinitignan ni Gerald, sa palagay ko may gusto pa sa yo yan eh." Ang bulong ni Shin sa kaibigan, sabay sang pag-inom ng wine para hindi mahalata ang kaniyang sinabi.

"Ano ka ba, matagal na yun and besides naka move on na kami pareho."

"But my question for you is , naka move on ka na nga ba ?"

Bago pa masagot ni Sarah ay biglang nag salita si Jed, "Hey guys, sa wakas nakarating ako at nakahabol." Nagtuloy ang kainan at masayang kwentuhan

Bago umuwi si Sarah ay nagpunta muna ng restroom at diniaasahan paglabas duon ay may makasalubong.

"Hi sasa, kumusta ka na ?" Si gerald ang kanyang nakasalubong.

"Ok naman ako." Matipid na sagot ni Sarah.

Walang makapag salita pa ulit sa kanilang dalawa. Patingin tingin at paiwas iwas lang sa isat isa .

Si Sarah ang unang nagsalita ulit, "Sige i really have to go, uuwi na ako eh, bye".

"Ok bye, see you around."

Nasa daan na si Sarah pauwi ay iisa pa din ang iniisip niya, hindi nya mapigilan ang sarili nyang i reminisce ang nakaraan.

******See you next chapter******

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon