Chapter 1

3.6K 51 8
                                    

It's 12pm and papunta si sarah sa office ng VIVA to discuss some new projects, ang kasama nya lang pumunta dito ay ang assistant at syempre hindi mawawala ang bodyguards for her safety. Hindi na sumasama sa kanya ang mommy at daddy, paminsan minsan na lang. Gusto niya din ito kasi at least natututo siya little by little to make decisions on her own. Very thankful siya na very caring ang parents niya, maski very strict ang mga ito, okay lang dahil para din naman sa kanya yun. Aminado naman si sarah na madami na rin silang pinagtalunan ng magulang especially ang kanyang ina tungkol sa buhay at career at syempre ang kanyang lovelife pero alam nya ultimately kapakanan nya ang iniisip ng mga ito. Kaya nga after kausapin ni sarah ang kanyang mga magulang pagkatapos ng kanyang 24th birthday more than 2 years ago tungkol sa mga gusto niyang mangyari sa kanyang buhay ay napag kasunduan nila na siguro nga, its about the right time na kahit pakunti kunti ay ibigay nila kay sarah ang karapatang magdesisyon para sa sarili. Alam ni sarah na nahihirapan ang mga magulang, maski din naman sya dahil sa tagal ba naman ng panahon na kahit saan sya magpunta ay kasama nila ang isa't isa. Pero inisip na lang nya na talaga namang ganun, sa umpisa mahirap pero pag nakasanayan na, madali na rin. That's why these past year marami nang nagbago at marami pang darating na pagbabago sa buhay ng mga Geronimo.i!

Nakarating na sila sa isa sa mga conference rooms ng VIVA, kulang pa ang mga taong dapat aatend ng meeting so umupo na siya at nag check muna ng cellphone.

Tamang tama at may text message na galing kay Ate Shin, "Are you busy today, labas naman tayo." Nangiti naman si sarah sa nabasa, matagal na kasi silang hindi nagkikita dahil sa sobrang busy ng mga schedules.

Sarah: "I'm at the Viva office right now, but I'm free tonight, pwede ako ng around 6pm."

Shin: "OK, let's have dinner and maybe kwentuhan or KTV after wards."

Sarah: "Ok mag kita na lang tayo sa usual place natin at 6pm, sino pa kasama natin ?"

Shin: "Syempre si Yeng, available din si Erik, Angge, and Christian. Si Mark and Jed hindi pa sigurado. "

Sarah: "Excited na ako, matagal ko na din silang hindi nakikita, sige sis see you later na lang, dumating na yung mga ka meeting ko eh."

Nagdatingan na ang team ng Viva na pinangungunahan ni Boss Vic, "Hello everyone, hello sarah.", unang pabati ng kanyang manager. Lumapit naman dito si sarah at hinalikan ito sa pisngi, " Good afternoon po boss Vic, kumusta po kayo ?". Nakipagbeso din si sarah sa iba pang nandoon.

"Mabuti naman ako, anyway everybody have a seat para makapag-umpisa na tayo." Nag si upuan na nga lahat.

"Sarah, ipinatawag ko ang meeting na ito to let you know of some of the projects we have line up for you, kung alin ang tatanggapin at gagawin mo. Bago ko umpisahan, hindi ba darating ang mga parents mo today ? Alam ko na may napagka sunduan na kayo, pero gusto ko lang linawin." Wika ni boss Vic.

Isa ito sa mga pagbabago na napag-usapan ni sarah at ng magulang, kung dati ay 100% dapat approved ng parents niya ang lahat ng projects niya bago gawin, maski kanta na kakantahin, ang damit na isusuot, ngayon ay si Sarah na lahat ang nag dedecide pero binibigyan pa rin niya sila ng importansiya sa pang hingi sa mga ito ng advice.

"Hindi po boss Vic, ako lang po pero nandyan naman po kayo para gabayan ako at syempre po hihingin ko rin naman ang opinion nila mommy and daddy."

"Mabuti naman, okay so sa ngayon ay mayroon kang "Sarah G Presents", then you will be preparing for your Christmas Concert this coming December and of course don't forget ang mga iba't ibang TV commercials, photo shoots, endorsements, etc. Kinausap ako ni Mr. M at ng ABS kung pwede ka daw bumalik sa ASAP." Napatingin lahat kay Sarah ang mga tao sa conference room, para namang namula si Sarah.

Alam niya ang mga iniisip ng mga ito pero hindi na lang niya pinansin, parang wala siyang nakita. Nagpatuloy si boss Vic sa pagsasalita, "ang sabi ko sa kanya i will discuss it with the mangament and of course you also, what do you think, iha. Okay lang ba sa iyo nag bumalik duon, isa pa ang dami dami ng nagre request na ibalik ka duon, namimiss na raw nila ang SOS. May mga nakapagsabi nga sa akin na mula daw nuong umalis ka sa ASAP eh hindi na sila nanunuod nito. Ang gusto ko ay pag isipan mo muna at just let me know later on."

Hindi pa din makakibo si Sarah, pinagiisipan pa din niya ito. Pagkatapos ng mga ilang minuto ay nakapag salita na siya. " Sige po boss Vic, gagawin ko, besides sabi nyo nga po namimiss na ako ng mga fans at ako din naman po, maski yung co-artist ko at mga staff and crew ay na mimiss ko din. More than 2 years na nga din akong hindi regular duon eyh."

"Are you sure, iha ? Pag isipan mong mabuti, hindi naman kailangan ngayon kaagad ang sagot mo eh", konting paalala kay Sarah, "Anyway, mayroon pa palang isang project na offer ng ABS at ito ay isang malaking project, it is a teleserye, wala pa namng details pero mga big stars daw ang makakasama mo. Nag paplan pa sila at pag ayos na ipepresent nila sa atin kung gusto mong gawin. Wala pang definte time table."

"Kayo na po ang bahala, boss Vic, i trust youn naman po eh." Paglalambing ni sarah sa manager.

Nagtuloy tuloy pa rin ang diskusyon ng mga tao sa meeting hanggang sa matapos ito after 3 hours. Nag si alisan na ang mga tao at si Sarah naman ay umuwi na sa kanila.

*******************

Kagigising lang ni Sarah from her 30 minute nap, hindi muna bumangon at nagmuni muni muna sya. Nasa isip pa rin niya kung tatanggapin ba niya ulit ang ASAP. If she is being honest with herself, she wants to do it dahil namimiss na niya ang ibang co-artists nya and also the staff and crew, kaya lang ay may roon pa din syang kabang nararamdaman dahil alam nyang magkikita at magkakaroon sila ng mga production numbers ng mga taong matagal na nyang hindi iniiwasan.

'Ano ka ba sarah, matagal

na yun, more than 2 years ago na yung mga nangyari. I'm sure naka move on na yung mga yun at ikaw din naman, so ano ang kinakatakot mo', pilit nyang kinakatwiran sa sarili niya. Tuluyan na syang bumangon, dumiretso ng banyo at gumayak dahil magkikita silang magkakaibigan.

Nadatnan ni sarah ang parents nya sa Kusina, "Hello My, Hello Dy", sabay halik sa mga ito.

"Hello din anak, kumusta ka na ?", tanong ng Mommy Divine nya.

"Very ok naman po, aalis nga po pala ako ngayon, magkikita po kami nila ate Shin" , paalam niya sa magulang.

"Basta ba mag iingat ka and dont forget isama isa sa bodyguards mo", her dad reminded her.

"O sige My, Dy, i have to go na baka ma late pa po ako, ay bago ko pala makalimutan, day off ko po tomorrow , family bonding po tayo."

"Ah okay yun, miss ka nga rin namin eh." sabi ng daddy nya.

Lumapit ulit si Sarah sa mga magulang at niyakap at hinalikan ang mga ito at buong lambing sinabing, "ang sweet naman talaga kaya love na love ko kayo eh, sige po alis na ko."

Natawa naman ang mga magulang, "naku binobola mo naman kami nyan eh." Natawa na rin si sarah.

Isa ito sa mga nagbago sa buhay nila, kung dati ay hindi pinapayagan si sarah na lumabas na hindi sila kasama or isa sa mga taong pinag kakatiwalaan nila, ngayon ay si Sarah na mismo ang nagpapasya kung saan nya gustong pumunta basta ba magsabi lang sya sa mga magulang para naman hindi sila nag aalala.

Sumakay na si sarah sa kanyang kotse, siya mismo ang magdadrive, kasama niya si kuya Dan na nakasakay sa front passenger seat, isa ito sa bodyguard niya. Yun lang ang talagang mahirap mawala pag lumalabas si sarah, maski ayaw nya ng bodyguard ay hindi maiiwasan and she understands that because she knows she really needs him especially when the crowd gets too chaotic kapag pinagkakaguluhan sya.

Nakarating na sila sa Eastwood kung saan sila magkikita ng barkada, paikot ikot sya sa parking lot looking for space to park. She finally found one at ibabaling na lang nya ang manibela para maka park pero bigla nyang napansin na meron ding isang kotse na binabalak mag park on the same space.

Napatingin sya sa driver ng kabilang kotse at pareho silang nagulat sa isat isa. Kung si Sarah ay nanlaki ang mata at bumilis ang tibok ng puso sa hindi inaasahang pagkikita nila,yung other driver naman ay parang natulala lang. Pareho silang natauhan ng makarinig ng busina, ngumiti ang driver kay Sarah at inatras ang

kotse nya para malayang maka park ang dalaga.

***** See you next chapter*****

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon