Chapter 4: Its all about the Past

71 15 3
                                    


(House)


Friends. Friend means a lot but lacks of acts. Ano ba yan!! Ano ba kasi ang friends. Mga tao na nandyan para traydurin ka para ite-take for granted ka lang. Yun lang! may iba pa ba? Ok. masaya ka kapag nandyan sila,kasangga sa mga problema. Argh.
Ano ba yang assignment sa Val.Ed nakaka-inis. Tinitira ako porket wala akong totoong kaibigan. TAKOT kasi ako eh.
Oo. takot ako. Takot akong maloko muli.
Haayy here we go again. Ike-kwento ko na naman kung paano ako sinaktan ng 2 taong napaka-importante sakin.



flashback....



[ North Williams High ]

Highschool pa kami noon.
Noong nangyari ang lahat.
Papunta na sana ako sa room ng may narinig ako na nag-uusap sa kabilang room. Di ako tsismosa pero sadyang gusto lang talagang marinig ng mga tenga ko ang pinag-uusapan nila.

"Oo nga eh,trending na nga sa campus yung video nila. Ang lalandi nila! "

Anong video?

"Diba may girlfriend na yung lalaki?" tanong ng isang babae.

"Ay tama! at sa pagkaka-alam ko,bestfriend nung babae yung girlfriend ng lalaki. Ano ba yan!"

 Ang gulo -___-

"Nakipagkaibigan lang siguro yung babae sa besfriend nya para agawin yung boyfriend ng bestfriend nya. Tss how pathetic" Sabi pa nung isa babae at nagflip ng hair.

ay ano ba yan. Ang gulo. Kahit di dapat ako magalit. sadyang may sariling utak yata yung mga bibig ko.

"Traydor pala yung babae eh." bulong ko sa sarili.

"Kung ako sa sitwasyon ng babae na naloko,syempre magagalit ako.Mga manloloko." sabi nung isang babae.

Nung napansin nila ako na nakikinig sa bintana,nagulat sila. Para silang nakakita ng multo. Aba bastos to sila ah. Sa ganda kong to? Di joke lang.

"Ay sorry. Naka-istorbo ako" Sabi ko sa kanila . Nagpeace-sign ako at lumakad na patungo sa classroom ko. Ayan tuloy napala ko sa pakiki-elam. Pahiya tuloy ako dun. Ano na kayang iisipin nila sakin. Arghh.

Nung nakapasok na ako sa room. Parang ang tahimik yata nila nung dumating ako. Nakakapanibago tuloy.Napansin ko rin na kapag nagtatagpo yung mga mata ko sa mata nila,umiiwas agad sila ng tingin. Ay ganon? May tinatago ba sila.? Kung ano man yun,parang ayaw kong malaman. May kutob akong masama.

Di ko nalang sila pinansin.

Haays. Ang tagal naman ng teacher namin.

"Ang landi naman niya!" narinig kong sabi ni Haylin mula sa likuran. Di ko to pinansin baka trip lang nila.

"Hindi lang siya malandi,plastik pa!" medyo napasigaw na sabi Megan. Ayan tuloy na-curious ako. kaya mula sa harapan,tiningnan ko sila. Parang may tinitingnan sila sa cellphone ni Megan. Ano ba tinitingnan nila? Nung napansin ni Willa na nakatingin na pala ako bigla niyang hinampas si Megan.

"Aray!" sabi ni Megan.

"Ang ingay-ingay mo!" sermon sa kanya ni Kim. Ang sama ng tingin sakin ni Kim. Habang si Megan parang naaawa sakin.

Ano bang meron sakin?

Nagpowder naman ako eh. Ganito na ba talaga ako ka-panget? huhu -__-

"Wala ba siyang alam?" bulong ni Willa kay Kim.

The Abandoned HouseWhere stories live. Discover now