Chapter 2: Calling..Calling..

4 0 0
                                    

* Police sirens *

Ano na....

Ano ng gagawin ko ngayon....

"  Te--teka padaan po,! Kaibigan po ako ni Sam! "

Si Jared..

"Miss..Kamag-anak ka ba ng biktima..?"

"O-Opo..." umiiyak po ako...

" May alam po ba kayong kagalit , o nakaaway man lang ng biktima,? O may mga motibo sa kanya? "

" W-Wala po talaga...Ang bait bait po ng Ate Marian ko...I-Imposible pong  me-meron...! "

Walang kaaway si Ate Marian ko. Ang bait bait ng Ate Marian ko. Sino bang may gawa nito sa kanya? Ganon nalang ba galit niya kay Ate Marian.??

"Sam..." Si Jared, " ...Sorry sa nangyare.."

"..............."

Wala ka namang kasalanan.

" Halika.. "

Lumapit ako at niyakap niya ako.

Tama, kailangan ko nga ng yakap.

Bestfriend nga kita.

Salamat Jared.

---7:00 pm----

Ang tahimik dito sa bahay.  Ako lang kasi mag-isa. Kasi. Wala na si Ate Marian.

Wala na siya.

Wala na siya.

Wala na siya.

Wala na siya.

Paulit-ulit lang sa utak ko, walang natutulong, mas sumasakit lang yung puso ko habang naaalala ko.

Ayan na, iiyak na naman ako.

Tutulo na...Ate Marian...

*tok tok tok*

Hala may tao. 

Pinahiran ko muna yung luha ko tsaka ako lumabas.

Teka lang po ah.... Ayan. WAG KANG IIYAK.

*Bukas pinto*

" Ano pong kailangan niyo.?"

".............."

" ..........Ahh....Ano po ulit ang kaila--------"

" Ikaw na ba ang susunod? " ^______^

Isang lalakeng naka amerikana. Mukhang masayahin at mayaman.

" And susunod na ano ho? " tanong ko out of my curiosity.

" ...hmm...biktima. ^_____^ "

Ano.?

" Matatawag kitang biktima kasi kukunin ko rin naman yung kaluluwa mo, edi ba ganun narin yon.? "

" Te-Teka po saglit lang! Hindi ko po maintindihan! "

" Talagang hindi, Bakit ba kailangan mo pang intindihin...kung kanina nga hiniling mo na,,,..patayin ka nalang sana...."

..............

" Oh ngayon edi dapat masaya ka? Ano pa bang pinapakipot kipot moha? "

Nakakatakot siya.

^________^

...............

Oh..Ano pa hinihintay mo? Takbo.

Teka ano yun!!?

Napatakbo ako ng wala sa oras.

...San ba ko papunta..? Isip..

Sa kwarto.! Tawagan ko si Jared.!

Kwartoo..

Takbo lang ako ng takbo hanggang nakaabot ako ng kwarto.

Cellphone....Cellphone...

Rinig na rinig ko yung apak nung lalaki sa sahig,,,

Calling...Calling....

Jared....Sumagot ka please....

[ Hello ? ]

"Jared! Salamat sumagot ka! "

[ Teka bakit parang tila nagmamadali ka? ]

"Jared makinig ka..Pumunta ka dito sa bahay...TUMAWAG KA NG MGA PULIS...! "

Ang lapit na niya,

[ Teka--teka! Sam anong nangyayari diyan...!? ]

" May tao sa loob ng bahay Jared, gusto niya akong patayin, bilisan mo J---"

Hindi natuloy ang sinabi ko.

To be continued...Where stories live. Discover now