Chapter Nine

66 1 0
                                    

CHAPTER NINE

Who is jelly?

“NANDITO ka pala, Cj…,” basag ni Tito Arcel sa panandaliang katahimikang namayani sa pagitan nilang apat. She really feels awkward.

            “IpagpapaalamkolangposiMiriam!” ang mabilis nitong turan, hindi niya nga naintindihan kung anong sinabi nito. Mahina tuloy siyang napahagikgik sa likod nito. “Ano?” angal nitong nilingon siya. Tumikhim siya. “Ayusin mo kasi yung sasabihin mo.”

            Palipat-lipat naman ang tingin ng mag-asawa sa kanilang dalawa. “Linawin mo ang sinasabi mo, Cj. Hindi ko maintindihan.” Ani Tita Elsie.

            “Ipagpapaalam ko lang po si Miriam,” dahang-dahang bigkas ni Chester, habang pakamot-kamot sa ulo. Napahagikgik na naman siya. Kung umasta ito ay parang hindi playboy, gayung kapag silang dalawa na lang ang daming pakulo.

            “Saan kayo pupunta? Gabi na, ah!” si Tito Arcel.

            “Sa school fair po sa Sabado, tito. Pupunta rin po yata si Ate Kyshee.” Si Cj ang muling sumagot.

            “O sige. Gusto naman yata ni Miriam, ano Miriam?” bumaling sa kaniya si Tita Elsie. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagkindat nito. Napangite nalang siya’t tumango.

            Pag-uwi ni Chester ay panay ang tukso ng buong pamilya sa kaniya na ginatungan pa ni Kyshee nang makauwi ito galing sa eskwelahang pinapasukan.

PANAY ang hila sa kaniya ni Kyshee. Kasalukuyan nilang nililibot ang mga food stalls na itinayo sa malawak na quadrangle ng St. Dominic. Nagugutom raw kasi ang kaibigan gayung kadarating lamang nila roon. Kayraming tao, estudyante at bisita, kaya naman kay higpit ng kapit niya sa siko ni Kyshee. Nakalimutan niyang magpaload kaya hindi siya pwedeng mawala. Mahihirapan siyang hanapin ang mga ito kapag nagkataon. Sa lahat ba naman kasi ng araw na makakalimot siya’y ngayon pa.

            Sa wakas ay naka-decide rin si Kyshee kung ano ang gusto nitong kainin. “Ayun, mars, siomai!” nasisiyahang bulalas nito.

            She wonders where her friend puts all the food she is devouring. Napakaliit ng baywang nito.

            Muli’y hinatak siya nito papunta sa deriksyon ng stall ng siomai. Subalit sa biglang pag-iwas nito sa makakasalubong na lalaking may hawak na dalawang plastic cups sa dalawang kamay ay napabitaw siya rito upang hindi naman sa kaniya sumalubong ang lalaki.

            Paglinga niya sa tabi niya’y wala na si Kyshee. Mabibilis ang hakbang na tinungo niya ang stall na nagtitinda ng siomai. Subalit, wala ito roon.

            “Miss, may nakita kayong babaeng maikli ang buhok? Ganito siya kataas tapos seksi at maputi.” Tanong niya sa babaeng tumatayong tindera.

            “Sorry, hindi ko napansin ang dami kasing bumubili, eh.” Pagkasabi niyon ay agad ding bumaling sa customer na umagaw sa pansin nito.

            “What now?” napakamot na lang siya sa pisnge sa pagkairita.

            Kasalanan na naman ni Chester iyon. Ang usapan kasi’y susunduin sila ni Chester sa bahay ng pinsan. Subalit, hindi nga natuloy iyon dahil may biglaan daw itong gagawin. Magkita na lang umano sila sa St. Dominic.

            Kinuha niya sa bag ang cellphone. Walang text mula kay Kyshee kung saan na ito napunta. Hindi pa yata napapansing nawawala siya sa tabi nito.

It doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon