Bitter Jam I

30.3K 526 91
                                    

*Bitter Jam I


-Brix-


        -"Brix, aalis na kami are you sure kaya mo na yan?"


       -"Sure, may idadagdag lang ako sa papers natin to solidify our arguments tomorrow. At isa pa dadaan pa ko ng faculty mamaya dahil may itatanong ako kay Professor Peralta about sa isang criminal case na hindi ko naintindihan."


        -"Dude, dont push yourself too much. Alam naman natin na kahit kailan hindi ka pa natalo sa kahit anong klase ng Debate. " Sabi ni Martin habang ipinapasok sa bag ang mga libro.


        I smile, "Wag kang papakasiguro University A ang kalaban natin bukas, naalala mo pa ba kung paano ka dinikdik ni Carlos sa last debate natin?"


         Umasim ang mukha ni Martin ng marinig ang pangalan ni Carlos. "That as$! Kung pwede ko lang syang hamunin ng suntukan ah!"


       -"Ang pagiging bayolente ay para lang sa mga taong may makikitid na utak." Sagot ko.


       -"Yeah, yeah, yeah whatever."


        Tumayo naman si Janelle – our newest member - at iniligpit ang mga gamit nito. Sa walong miyembro ng Debate Club si Janelle lang ang kaisa isang babaeng nakapasok sa grupo.


         -"Aalis ka na din Janelle?"


          -"Uh-huh, hinihintay kasi ako ng kapatid ko." Simpleng sagot ni Janelle.


           Hindi naman sa pagmamayabang mas kilala ang Club namin as the 'Brainiacs with Sharp Tounges'.


          All of our members are witty, quick minded and know how to throw 'mean words' without giving the attacker a time to rebutt. Mula sa Academics awards, Medals and Merits ang Club namin ang palaging nag uuwi ng karangalan.


      And I Brixton Harold De Castro, 21 years old, third year student from College of Law, is the President/Ace of the Club.


          At first wala naman kaming balak na mag accept pa ng bagong miyembro since 70% ng mga nag aapply ang bumabagsak. To be in this club you must have an IQ that equivalent or much higher than Einstein.


          But Janelle was a different story, with her perfect GPA and Academic Records sinong baliw ang tatanggi sa kaniya? Idagdag pa na isa sya sa tinaguriang One of the Four Great Beauty sa buong University.


         With her gentle smile, elegance and down to earth attitude she was like a lotus. Hindi na nakapagtataka na half of the male population sa University ang may gusto sa kaniya.


        At isa na ako doon.


          What attract me the most is her 'competitiveness na palaging pumapangalawa sa akin mula sa exams and papers hanggang sa pagiging Dean Lister. She was like a female version of myself!

E-FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon