CHAPTER 3: First Day w/ the CLOWNS ^__^

59 3 0
                                    

EMJAY’s POV

Pagkatapos ng pag uusap naming yun, nanahimik na din kami. Nag iisip kung ano na naman ba ang mangyayari sa amin sa school year na ‘to. Sakto lang yung dating namin. May 15 minutes pa bago mag bell.

“Uy tara! Hanapin na natin kung anong section tayo.” –Keith.

“Sige tara.” –Kami. Oo nga pala. Sa Kawaii University kami pumapasok, Juniors pa lang. Habang naglalakad kami papunta sa bulletin board kung saan na nakalagay yung mga section this year, may tatlong mga chimpanzee ang bumangga samin. Leshhee talaga ‘tong mga kupal na ‘to!

“Maluwag daanan diba?!” –Mataray na sabi ko sa kanila. Eto pinaka-ayaw ko sa lahat e, yung minamiliit kami. Bwiset! >_<

“Nah, not really. Ang laki nyo kasing bara sa daanan eh.” –Aiko. Ang leader ng mga clown. Ang kapal ng mukha eh, este make up pala.

“Shattap! Sino kaya yung mas mukhang panira sa daan?” –inis na sagot ni Jems.

“Edi kayo! Tinatanong pa ba yan?!” –Ynna. Isa pa ‘tong babaeng ‘to, kala mo kung sino.

“Oww. Kung kami bara? E, ano pa kayo? Basura? Tae?” –sarkastikong sabi ni Cindy. Paktay. Naka on Maldita radar neto.

“Ewwwee! Kami? basura? Tae? Ang gan—“ Jess. di na sya pinatapos ni Nikki. Bigla na lang syang nagsalita.

“Exactly! Buti naman gumana yang utak mo at natauhan ka na yun nga kayo! *evil smile” –Nikki, nice one bess. Tinignan ko yung mga mukha nung mga palakang, ayun mga umuusok ang ilong sa galit. I love this! HAHA.

“Oh? Angal pa kayo? *evil grin” –Keith. Natatawa naman sila Janah at Quynh sa mga pinagsasabi namin.

“Ha! Di nyo kilala kinakalaban nyo.” –pabantang sinabi ni Aiko panget. Sabay walk out nung mga bruha. HAHAHA. I think this year is going to be exciting! ^_^

JANAH’s POV

Pagtapos ng sagutan ng mga kaibigan ko tsaka nung mga palaka, nagtuloy naman na kami sa paglalakad. Pagkakita namin sa bulletin board, magkakaklase kaming lahat. Tss! What’s new?

“Expected.” –tipid na sabi ni ko. Totoo naman eh, lagi naman talaga kaming magkakaklase. Pumunta naman na kami sa room namin. Malapit na kami sa room nung nag bell. Halos kasabay lang namin pumasok yung teacher namin. Dahil nga sakto lang yung dating namin, sa harap na lang yung mga bakanteng seats. So no choice kami. *sigh

“Good Morning Class. I’m Arlene Chua and I will be your adviser for this year.” –masayang bati ni Maam Chua.

“Good Morning Maam” –Kami.

“Since it is our first day, would you please introduce yourselves?” –Maam. Haayyy. Sigurado, hanggang mamayang hapon yan lang gagawin namin.

Typical first day of school. Wala na kaming ginawa kundi magpakilala sa harap. Paulit-ulit lang. Kainip.

Magkukwento na lang muna ako sa inyo. ^_^

Simula bata kami, magkakakilala na kami. Close yung pamilya namin sa isa’t-isa. You see kanina na may 3 bruha na halatang insecure samin. Haha. Papakilala ko sila sa inyo.

Aiko Lacuesta. Siya yung parang leader nila. Siya nagpa-plano kung pano nila kami iinisin. Maganda siya? Di masyado, slight lang. Mukha kasi syang clown ang kapal lagi ng pintura sa mukha. Mayaman siya. Popular. Cheer leader ng school. Spoiled brat. Mapanlait sya, sobra. Nambubully din sila. Matalino? A big NO! Hahaha >]]

Ynna Mendez. Isa sa alipores ni bruhang Aiko. Bestfriends sila since elementary. Member din sya ng cheerleading squad ng school. Popular din. Mayaman. Maganda naman kaso pareho sila ni Aiko. She’s mean. Mapamintas sya akala nya perpekto sya kung magsalita. Level of intelligence? Pareho sila ni Aiko, same as Jess. :D

Jess Reyes. Mayaman. Mataray. Mapagmataas. Maganda din. Halos pare-pareho naman silang talo eh. Nasabi ko na ba na may pagka-warfreak sila? Gusto lagi sila ang bida. See? Bestfriends talaga sila.

Oh ayan, kilala nyo na yung fans namin. Diba? Masyado nila kaming mahal? Tsss.

Fast Forward

*LUNCH

Nandito kami ngayon sa cafeteria kumakain ng lunch malamang. -___-

As usual, nagkwekwentuhan na naman sila. Hahahaha. Oo sila, nakikinig lang ako, minsan lang ako magsalita. Katamad kaya.

“Oyha! Improving kayo sa pagtataray mga Bebs!” –ngingiti-ngiting sabi ni Emjay.

“Naman no! Ampanget kaya nung mga yun.” –Jems. Haha. Totoo naman sinasabi nya eh.

“Ang aarte pa! Nakakairita sila.” –Cindy.

“Titiklop din naman pala. HAHAHAHAHA” –Keith, tama.. epic itsura ng mga palaka kanina.

“Ang epic nga ng mga mukha nila eh. HAHAHA” –Ako, grabe talaga. Di ko napigilan yung tawa ko. Nakikitawa naman si Quynh, kaso tahimik talaga sya. Hehe.

Ganyan lang kami hanggang matapos yung lunch break namin. O diba? Ang saya ng buhay namin? HAHAHAH :D

KEITH’s POV

Nung nag-bell, bumalik na agad kami sa classroom namin. Akala nyo siguro sikat kami sa school na ‘to no? No, hindi kami masyadong kilala normal na estudyante lang kami.

Ngayong hapon, mga subject teachers naman yung i-me-meet namin. Kasi buong umaga by advisory lahat, pinapaliwang yung mga rules ditto sa school, etc.

May pumasok na teacher. Tapos yun na naman. Magpapakilala NA NAMAN. >_< Sabagay, marami-raming transferee ngayon.

Natapos lang yung araw namin na yan lang ang ginawa. Good thing. Di na namin nakita yung 3 bruha. Kairita mga mukha nung mga yun eh.

Ay oo nga pala, alam nyo naman siguro na may kaya yung mga pamilya namin diba? Tama kayo, kaso di kami katulad ng ibang mayayaman na sobrang maluho. Akala nyo perpekto kami no? Haha. Syempre hindi no, makikilala nyo din kami…. Soon….

---

Update ko uli. Ginaganahan ako magsulat eh. >]]

Vomment! :*

~Jaey.<3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Were ALL in this TOGETHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon