2. Cassie the Super Savior?

669 12 5
                                    

And speaking of that mighty jerk may malaking kasalanan pala ito sakin. Bigla ko lang naisip gawa ng napag-uusapan na din lang naman.

Sus! Teh wag slow si Terrence po ang tuinutukoy ko, wala ng iba pa.

Humanda talaga ang lalaking yun sa aking ganti. Ehe!

Naalala ko lang ang eksena namin nung isang araw. Nakakatawa na nakakaiyak lang sa inis ang kayabangan nito, promise!! Super star lang ang drama mga lukring. @.@

Eto nga ang nangyari flashback lang tayo ng unti...

Usual na para sakin ang tumambay sa maliit na parke sa may gitna ng sementeryo na malapit sa bahay namin. Kung dati ay takot na takot ako sa mga mumu ngayon hindi na salamat sa baliw kung bespren na si Drew.

Tama ba namang mag-camping kami sa sementeryo? Lakas lang ng trip di ba?

And that was 5 long years ago. (pout)

Mula nung mag-confess ng kanyang may bahid malisyang feelings sa akin ang mokong na yun never na s'yang nagpakita pa ulit sakin. Di ko nga alam kong anu ang nakain at bigla nalang sinaniban ni kupido. Letseng yun tama bang pag nasaan ang katwang lupa ko eh parang magkapatid na kami. Incest lang ang baliw.

And more on that later. ^.^ Dahil baka mawala ako sa aking kwento. Focus muna tayo sa lalaking balang araw ay kakatayin ko ng buhay okay? Okay.

Pero sa totoo lang ang abnoy na Drew na yun kahit gaanu ka-weird ang humor sobrang miss na miss ko na talaga siya. San ba kasi itong planeta nakatira ngayon at ayaw man lang ipaalam sakin huhu." O__O

Hay buhay nga naman parang life lang. I guess, we really needed to part ways and survived this life without the comfort of each other, and we'll meet again, eventually. My forever wish. Hay!!!

Anyway seg-way lang yun, going back sa aking istorya about that mighty jerk namely Terrence.

Eto na nga mga bakla, habang papalabas ako ng sementeryo 3days ago, mga 9:00 pm na ata yun ng gabi, nang bigla akong makarinig ng kaluskos sa may bandang talahiban. Ang unang pumasok talaga sa isip ko baka may ahas. Praning lang kasi may phobia ako dito. Kahit nga sa T.V lang naninindig na lahat ng buhok ko sa katawan eh at wag n'yo ng alamin kung bakit ako nag ka-phobia mga chismosa din kayo eh nuh!

Anyways, kakaripas na sana talaga ako ng takbo ng marinig ko ang boses na yun. Sounds familiar kasi kaya ako napahinto naman ako ng lakad, ngunit di ko lang mawari kung sino.

"H-help..H..e..l..p—-" daing ng paos na tinig.

Paulit-ulit lang yun. Hangang sa bigla nalang tuluyang nawala.

Tuloy nahirapan akong i-locate kung sinu man ang nangangailangan ng aking super powers. He! He!

Pwera biro, buti nalang pinanganak akong malakas ang pakiramdam lalo na pag sa mga ganitong sitwasyon. Sabihin na nating talo ko pa ang GPS sa kakaibang kakayahan ko. Alam kong weird pero super handy ito kaya naman super proud ako sa gift na to.To make the story shorter, wala pang sampung minuto natagpuan ko din ang pinang-gagalingan ng paos na tinig na iyon.

Pero di ko napaghandaan ang mga sumunod na mga pangyayari. Halos mahulog ang aking panga sa lupa ng mapag-sino ang humihingi ng saklolo. Literal, kasi di ko sukat akalain na darating ang araw na 'to.

"Holy cow!! Terence?" bulaslas kong nakanganga pa rin.

Napamulagat ng husto ang bilogan kung mga mata habang di makapaniwala sa aking nakikita. Medyo madilim kasi ang parteng yun ng sementeryong kaya naman nakailang ulit din ako ng kusot sa aking mga mata para makasiguro.

When a gangster fall inlove!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon