BASTOS!

1.4K 6 0
                                    

Prologue

*Ria*

Noong una ko siyang nakita, naka fit na polo siya na red. Naka skinny jeans na maong at sapatos na kulay red. Maputi siya. Matangos ang ilong. Mapula ang labi. Ung unang kita mo palang, maiisip mo na, "Ay! Bakla to."

    Kaya ikinagulat ko nalang noong pangalawang pagtingin ko sakaniya, may kahalikan siyang babae.    

    Sa sobrang gulat ko, napatalon ako. Ung mga baso sa tray na hawak ko nagsiliparan.

     "Ay!"

    Ito nalang nasabi ko ng nakayuko habang nagmamadali akong kuhain ang mga nagkalat na plastic cups sa sahig.

     Ramdam ko ang mga matang nakatingin sakin. Jusko! Hiyang hiya ako! Siguradong pagagalitan ako nito ni Mommy mamaya!

     Naramdaman ko siyang umupo sa harap ko at lalo kong iniwas ang tingin ko.

    Kumuha siya ng mga tissue mula sa tray at inilahad dahan dahan sa sahig na basang basa ng orange juice ang mga tissue.

     Tumingin ako pataas sakaniya at sabi ko, "Ay, kuya, wag na po. Ako naman ang may kasalanan, salamat nalang po, tumayo ka na po at baka mabasa pa yang polo mo. Pasensya na po."

     Nginitian niya ako. May dimples ang loko! Pucha! Libre naman kiligin di ba? Putek! Lalaking may dimples po! Inuulit ko, lalaking  may dimples po!

     "Hinde, hinde, okay lang, ako kase bumangga sayo di ba?," sabe niya habang dahan dahang tumatango.

     Teka. Medyo naguguluhan ako. Hindi ba ako mismo tong nagpatalsik ng mga baso? Bakit niya inaako? Hindi ako nakasagot sakaniya at tinuloy nalang ang paglinis.

     Sabay kaming tumayo na hawak hawak ang mga kalat at sinundan niya ako sa kusina kung san itinapon ko ang mga kalat.

     "Uh, salamat ah. Pero bakit mo sinabing binangga mo ako?" Pagtatanong ko.

     Yan nanaman siya. Ngumiti nanaman siya. Hay! Pwede na ako mamatay nito kung ganitong muka ang nakikita ko minu-minuto!

     "Nakita ko kasi yung nanay mo. Alam ko yung mukang yun. Un din ang muka ng tatay ko kapag nakakuha ako ng 90% sa exam. Sinabi ko lang yun para hindi magalit sayo."

     Muntik ko na talaga siya mayakap nun! Ambait bait nya talaga eh hindi nga kami magkakilala. Pati 90?! 90%?! Shet! Di ko kaya yun. Napangiti na din ako sa sobrang pagpapasalamat.

     "Grabe! Salamat! Oh my gosh! Ano ka ba? Ang shunga mo po! Baka ikaw naman ang mapagalitan niyan?"

     "Hayaan mo na. Sanay na ako nu."

     "Salamat talaga ah? Hindi ko alam kung paano kita mababayaran."

    Ngumiti nanaman sya ng nakakaloko. Kitang kita ang mga dimples niya at halos di mo na makita yung mata niya sa ngiti niyang yan.

     "Pwede bigay mo nalang sakin yung number mo po?"

     Feeling ko gusto ko sumayaw! Gusto ko talaga sumayaw! Yung loob looban ko naghaharlem shake na sa kilig!

     Kaso napatigil ako. Eto nanaman ako. Paglalaruan lang ako nito. Pustahan pa tayo. Kilala ko yung mga ganitong tipo. Kunware mabait sa simula. Pero there's no harm in trying naman di ba?

     Ibibigay ko narin as friends. Un lang naman ata gusto niya eh. Tamo naman itsura ko sakaniya! Nakakahiya! Muka akong katulong sa tabi niya!

BASTOS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon