Unregistered Dentist

621 18 14
  • Dedicated kay Illegal Workers
                                    

"Naku, Paeng! Marami kang bulok na ngipin!" Agad na nabahala si Paeng sa ibinalita sakanya ni Lotus nang ipasilip nito ang kanyang mga ngipin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Naku, Paeng! Marami kang bulok na ngipin!" Agad na nabahala si Paeng sa ibinalita sakanya ni Lotus nang ipasilip nito ang kanyang mga ngipin. Tinignan nya si Lotus nang may halong kaba, "Hala! Anong gagawin ko? Tuluyan na ba akong mawawalan ng mga ngipin?"

Humawak si Lotus sa kanang balikat ng kanyang kalaro at saka nya pinagaan ang loob nito, "Huwag kang mag-alala Paeng, akong bahala sa'yo. Papastahan natin ang mga sira mong ngipin na sanhi ng cavities."

Muling nabahala si Paeng sa ipinaliwanag ng kalaro "Cavities? Ano naman 'yun?"

"Paeng, 'yun 'yung bacteria na sumisira sa ngipin natin kaya tayo nagkakaroon ng tooth decay." Karagdagang wika ni Lotus. "Huwag ka nang matakot, gagaling din 'yan kapag nagamot ko na." Muling wika nito.

"O sige! Umpisahan mo na." Sinimulan nang ibuka ni Paeng ang kanyang labi upang maumpisahan na ng kanyang kalaro ang kunwaring panggagamot sa kanya. Panandaliang naudlot ang kanilang paglalaro nang mapansin ni Lotus ang pagdating ng kotse ng kanyang ama. Namataan nyang bumaba ang kanyang nakababatang kapatid sa kotse na sinundan ng kanyang ina at ama. Napansin nyang mayroon na namang hindi pagkakaunawaan ang mga ito.

"Lotus, nandyan na pala ang kapatid mo. Halina't isali natin sya sa laro natin." Wika ni Paeng, ngunit tinanggihan ito ni Lotus dahil sa hindi magandang sitwasyon ng kanyang kapatid. Bagkus ay nagdahilan nalang sya kay Paeng upang ito'y mapagtakpan.

"Mabuti pa siguro'y bukas nalang natin ituloy ang larong 'to." Mabilis na iniligpit ni Lotus ang kanyang mga laruan at saka nya ito inilagay sa kanyang lalagyan. Dahilan para mapasimangot si Paeng sa desisyon nito, "Bakit naman?" 

"Mukha kasing hindi maganda ang kondisyon ng kapatid ko ngayon. Hayaan mo, bukas, pipilitin ko syang sumali sa atin, pangako 'yan!" Tuluyan nang nagpaalam si Lotus sa kanyang kalaro. Dali dali syang pumasok sa kanyang bahay upang malaman kung ano ang nangyayari sa kanila. Pagpasok nya'y nasaksihan nyang sinisermunan ng kanyang mga magulang ang kanyang nakababatang kapatid. 

"Susmaryosep naman, Lily! Bakit ganito na naman ang mga grades mo? Talaga bang hindi ka na nagtanda sa mga pangaral namin sa'yo?" Galit na galit ang kanyang ama habang sinisermunan ito, ginatungan pa ito ng isa pang sermon galing sa kanyang ina, "Lily, hindi pwedeng ganito lagi ang ipakita mong grades sa amin! Hindi mo dapat sinasayang ang pampaaral namin sa'yo dahil mahirap kitain ang pera!"

Hindi na kinayanan ni Lotus ang tumunganga lang at panuorin ang kanyang kawawang kapatid. Lumapit sya sa kanila at nakisali sa usapan, "Ano 'ho bang nangyari?" Magalang na tanong nito sa kanyang mga magulang.

"Yang kapatid mo, ang bababa na naman ng mga grades!" Wika ng kanyang ama.

"Pwede ko 'ho bang tignan 'yung card nya?" Hiniram ni Lotus ang card ni Lily na hawak ng kanyang ama. Binuklat nya ito at nakita nyang puro line-of-seven ang mga grades nito. Mababa man, pinili pa rin nyang depensahan ang kanyang nakababatang kapatid. "Pasado naman 'ho lahat ng grades nya, huwag na 'ho kayong magalit sakanya." Pakiusap nito.

Unregistered DentistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon