Chapter 50: It Ends Tonight

1.4K 35 0
                                    

Chapter 50:
It Ends Tonight
Emmanuelle’s POV

Dali-daling umalis ang mga pulis. Mabuti naman at sa puntong ‘to, may magagawa na sila para tulungan kami. Mabuti na lang din at nagtagumpay kami. Pero kamusta na kaya sina Jaypee at ang iba pang natitira naming kaklase?

“Mukhang dapat din tayong sumama sa kanila,” wika ni Clark at nginuso ang bago pa lang aalis na sasakyan ng pulis. Napabuntong-hininga ako at umiling. “Hindi,” pagtanggi ko. Tinapunan naman nila ako ng tingin.

“Kung may dapat man tayong puntahan, hindi na ang resort na ‘yon. Tapos na tayo do’n at wala na tayong kailangan pa. Hayaan na lang natin silang lumutas ng problema doon,” dagdag ko. Muli kong tinignan ang parehong black gown namin ni Louisse. Halos hindi na namin naalalang nakasuot parin kami ng gown dahil sa kabang kanina pa namin nararamdaman. May parte ng isip ko na nagsasabing, dehado na kami pero may katiting na posibilidad na mayroon parin kaming pag-asa.

Napansin kong, pinagtitinginan na kami ng mga pulis dito. Mukhang, interesado parin sila sa mga pinag-uusapan namin. Pero hindi na sila pwedeng maikalam pa dito. Problema na ng section namin ito. Kaya nga ito binansagang sikreto ng klase dahil kami lang ang nakakaalam. Tanging ang Fifth Section lang.

Hinigit ko sila palayo. Pasimple kaming lumabas ng police station. Umupo muna kami sa isang maliit na bench. Pero may nakita akong isang envelope na nakalagay dito bago kami umupo kaya binuklat ko iyon at hindi nagdalawang-isip na basahin ang nilalaman.

The gorgeous but dangerous refers the newest.

And fulfilled by vengeance that would killed the rest.

Now, she would rise and grab our sight,

Letting us to show, how she’s going to end the night.

Napakunot ang noo ko nang mabasa ang isang tula na nasa ikaunang papel. Parang kinilabutan ako bigla sa hindi ko malamang dahilan. Iniisip ko, may kinalaman kami dito sa tinutukoy ng tula. Pinabasa ko naman ‘yon sa kanila at ganun din ang naging reaksyon nila.

“Shit!” mura ni Louisse. Napatingin ako sa kanila at kitang-kita ko ang seryoso nilang reaksyon habang pinagmamasdan ang papel na kaninang binigay ko.

“Bakit? May nalaman kayo?” diretsa kong tanong kaya tumango-tango siya. Napakunot ang noo ko at narinig ko na lang ang buntong hininga nilang dalawa. “The gorgeous, newest, mukhang kilala ko kung ano ang tinutukoy dito,” sagot ni Louisse. Tss. Bakit kaya ayaw pa nila akong diretsohin e? Gusto pa talagang mapapaisip ako.

“Ano?” sarkatiko kong sabi. “Hindi ano, kundi sino,” sabat naman ni Clark kaya nanlaki ang mata ko. So ibig sabihin, naintindihan na nila kung ano ang tungkol dun sa tulang ‘yon? At totoo ang kutob kong, may kinalaman nga ito sa amin? Holysh*t!

“Oh, sino nga?” naiirita kong sabi. Kanina pa nila ako binibitin. Akala naman nila’y nag-eenjoy pa ko sa mga nonsense nilang sinasabi.

“Oh my! I’m not sure pero, mukhang kilala na namin kung sino ang killer. ‘Di ba Clark?” sambit muli ni Louisse na binitin na naman ako. Ano ba talaga ha? Mag-iinisan na lang ba kami dito? Kanina pa siya ha!

“Spill it, dude! Kanina pa ko nasasabik na malaman.” Umayos ito ng upo at tumingin sa akin ng diretso. Maya-maya’t binuka niya ang bibig niya at kahit walang lumalabas na boses dito, kinilabutan ako sa taong napagtanto ko.

***

Joyce’s POV

Napatakip ako ng bibig nang makita namin ang kalunos-lunos na itsura nila. Silang apat, anong nangyari sa kanila? Halatang sobrang hirap ng pinagdaanan nila. At bakit ganito ang nangyari sa ulo ni Irvin at Jaypee? Parang pinasabog ng kung ano? Nakakadiri.

Fifth Section (Completed)Where stories live. Discover now