Express o' Roast

16 0 0
                                    

September 7, 2013. 12:02 am

           Yung huling sinulat ko dito, March 18 pa. Hindi ko alam kung bakit at paano pero, parang may bumulong sa aking na pumunta daw ako sa Wattpad.com at tignan kung ilan na ang nagbasa sa mga kwento ko. Mukhang may konting naligaw at 30 reads palang to nung huling kita ko, ngayon 42 na. Gawa na rin siguro ng Nescafe Espresso Roast  na pasalubong sakin ng nanay ko (dapat ata gawin na akong model ng Nescafe eh).

       Recall ko lang: Last time na nagsualt ako dito sobrang problemado ako dahil sa madami akong binagsak na subjects. Ngayon naman, nagsusulat ako bago ang final exams namin. Mukhang magsusulat ulit ako pagkatapos nito.

          Recently, bumili ako ng Bob Ong books. Mac Art Hur saka Ang Paboritong Libro Ko (Hudas) ang binili ko. Tapos, sa library ng school namin may Stainless Longganisa kaya pinatos ko na rin na magtiyaga sa library. Ang totoo, iyong ABNKKBSNPLAKO ang gustun-gusto ko talagang bilhin kasi yun yung una sa mga kwento ni Bob Ong. Siya talaga ang main influence ko sa "pagsusulat". Informal, walang sukat, independent. Siyempre si Bob Ong may alam talaga sa pagsusulat pero ako, Engineering ang course ko kaya mas kaya (?) ko ang Math kaysa Language. Anyway, natalakay ko si Bob Ong kasi nga parang sa kanya ko ibinabase ang paraan ko ng pagsusualt. Yung una niyang libro, puro kwentong chalk habang etong akin (kung magiging libro man) ay puro kwentong related sa kape.

            Hindi naman sa nanggagaya ako kaso talagang ang lakas ng impact ni Bob Ong sa mindset ko. Dagdagan mo pa yan ng mga ideolohiya nila Lourd De Veyra, Ramon Bautista, saka yung prof ko sa stat: DA EVIL STAT KING JEFF ATIENZA. Iba ang mga pag-iisip nila: SALUDO AKO.  Parang ang konti ng mga barriers sa way of thinking nila. Sila yung mga tipo ng tao (sa pananaw ko) na hindi kailangan ang approval ng ninuman para maihayag ang kanilang mga saloobin at kuro-kuro. GUSTO KONG MAGING KATULAD NILA. Ang problema nga lang, medyo walang coherence ang sistema ko, parang mga kwento ko dito: NAPAKARANDOM. Kung ano ang lagay ko ngayon, yun ang sasabihin ko, gagawin ko at ipaglalaban ko.

             Ang gulo diba?

          Noong isang araw nagkwento ako sa tropa ko, si Cha. Tapos kanina habang binabackread ko yung mga sinulat ko dito, narealize ko na magkahawig kung hindi man eksaktong magkatulad iyong mga kwinento ko at mga sinulat ko dito. Nakahanap na ata ako ng bestfriend. Kaso di ako yung tipo ng tao na nagkakaroon ng close relationship sa iba. Lone wolf ang peg (medyo bading itong sentence na 'to dala ng pagsama kay Cha). Masyado talagang magulo ang psyche ng utak ko kung ibabase sa mga kwento ko. Minsan nga di ko na alam kung sino ang nakikita ko sa salamin paggising ko sa umaga. HINDI KO NA KILALA ANG SARILI KO. Binalot na ako ng kahayukan sa mga idea, pagnanasa sa kalinga, at paghahanap ng importansya sa mundo hanggang sa dumating sa puntong naligaw na ako at wala na ang bakas ng mga daang tinahak ko noon.

      Kung irereview kaya ng publishers, authors, and editors itong mga sinulat ko, ano ang sasabihin nila?

    "Goddamit, this is some good shit!" - Scumbag Steve

    " WAT." - wat guy

    " Wow. Such story. So pro." - Doge

For more information regarding such personas, visit knowyourmeme.com.

     Ngayon, kung anu-ano na naman ang naita-type ko sa keyboard na parang walang mapaglagyan sa mundo ang mga iniiisip ko. Imbis na mag-ubos ng oras sa Physics na sandamukal ang formula, nagsusulat ako dito. Hindi ko mahanap ang paghuhugutan ko ng sipag para ipagpatuloy ang mga ginagawa ko. Ewan ko nga kung pano tatapusin tong parteng to eh. Parang napakahaba na para sa akin ng sinulat kong to ----- gayun din ang nilakbay kong daan sa buhay ko. Pakiramdam ko ang dami ko nang pinagdaan gayong alam ko naman na napakakonti pa lang ng nilakbay ko dahil "bata" pa ako. Kulang pa talaga ako sa hulma. Kulang pa sa pukpok. Kulang pa sa pagdarang sa init ng mga pagsubok na nagpapatibay sa kabuuan ng isang tao.

              Kung umabot ka ng pagbabasa hanggang sa talatang ito, salamt. Sumasaludo ako sa iyo sapagkat tyinaga mong isaksak sa iyong kokote ang mga salita at ideolohiya ko. Sana naging  bahagi na ako ng pag-iisip mo, kagaya ng ginawa sa akin ng mga idolo ko. Tatapusin ko na ito, medyo pawala na kasi yung caffeine sa dugo ko.

".What is the most resilient parasite? Bacteria? A virus? An intestinal worm? An idea. Resilient... highly contagious. Once an idea has taken hold of the brain it's almost impossible to eradicate. An idea that is fully formed - fully understood - that sticks; right in there somewhere." -Cobb, Inception

-Troy

Too Much CaffeineWhere stories live. Discover now