13months and 22days

87 6 0
                                    

13 months and 22 days today, our official relationship started. A long distance relationship. Yung relasyon na bago pa lang magsimula ay magkalayo na sa isa't isa. From the very start I never imagine I would engage myself again into this kind of relationship. "Long distance and same sex relationship". No matter how much I distance myself, saka naman mas nanadya ang tadhana, sino ba naman ako para umayaw pa diba?

Hanggang ngayon naaalala ko pa, how we started, how everything falls into right places and how we found love in each others heart. Kapag tinitignan ko yung mga pictures namin, kapag pinapanuod ko yung mga videos namin, at kapag binabasa ko yung halos gabi gabing nobela nya sa kin, I can't help but cry. Mixed emotions. But above all masasabi kong masaya ako. Masaya akong sumugal ulit sa isang bagay na alam mo anytime pwede kang matalo...ang magmahal.

Pero sa isang relationship, hindi naman talaga maiiwasan ang mga away, tampuhan at misunderstandings, sabi nga ng iba, hindi magiging strong ang relationship nyo kapag walang ganun. Yun bang kahit ayaw mo, mangyayari at mangyayari pa din. Yun bang kahit ang pinakaayaw mong mangyari ay ang masaktan siya, hindi mo pa din maiiwasan. Long distance relationship...mahirap, nakakatakot, nakakawalan ng pagasa... Yan ang tingin ng karamihan. Because most people who enter in this situation, always fails. Hindi naman kasi madali, right term? MAHIRAP. Sobrang hirap. Yun feeling na gusto mo lagi mo syang kasama, pero hindi pwede. Yung feeling na gusto mo syang makita, pero end up hanggang cellphone na lang. Yung kapag nagaaway kayo, imbes na maayos lang dapat sa simpleng hawak ng kamay, pero lalala pa dahil sa misunderstanding sa text. Yung kapag kasama nya yung ex nya or yung taong may gusto sa kanya para bang gusto mong lumipad papunta sa tabi na para lang makasiguradong hindi sya mawawala at maaagaw ng iba, dahil nakakatakot na baka sa isang iglap magbago ang lahat at iwan ka nya. Yung pakiramdam na miss na miss na miss mo na sya, yung gusto mo syang yakapin at halikan, yung gusto mong titigan lang sya magdamag, pero kahit anong gawin mo, WALA KA PA DIN MAGAWA...kundi ang maghintay sa susunod nyong pagkikita. Hindi madali. Kahit kelan hindi magiging madali.

13months and 22 days. Kung bibilangin parang kelan lang, pero para sa kin ang tagal na. Nabuo yung relationship namin na mas madaming beses pa ang paghihintay sa susunod naming pagkikita. Yung kapag magkasama kami, iniisip ko na agad kung kelan ulit kami susunod na magkikita. Nakakatawa diba? Dahil kasama ko pa lang sya namimiss ko na siya.

We're not in a perfect relationship, and I admit na lahat naman ata ng bagay sa relationship ay nagbabago. Dumating sa point na, maghapon ang dumaan ni hindi man lang namin narinig ang boses ng isa't-isa. Hindi na din ganun kadalas yung kilig at konting pambobola. Natutulog na din kami kahit na may konting tampuhan pa. At nabawasan na din yung halos gabi gabing nobela. Naisip ko, siguro ganun naman talaga. Kahit anong gawin mo, kahit na anong pilit mo, at kahit na ayaw mo, meron at meron pa ding magbabago. Hindi naman maiiwasan yun because the only constant thing in this world is change. Yun bang kahit na gustong gusto mong bumawi, magpaplano ka, but for some reasons hindi mo pa din magagawa.

Effort and trust. Siguro sa long distance relationship, masasabi kong mas mahalaga yan kesa sa love. Yan ang dalawang bagay na sa tingin ko ay dapat hindi magbago. Bagay na kelangan mong panghawakan. Something that can make you hold on, all the time.

Sa mahigit isang taon, it is more than a roller coaster ride for me to be in this kind of relationship. I am actually surprised how I take the struggle of being away from the person I love the most. Sino ba namang may gusto na malayo sa taong mahal nila, I guess wala naman. But no matter how hard I felt, to be in this kind of relationship, I would never trade this for anything else, and its all because of her. I don't exactly know how would I define my feelings, because it is literally and absolutely unexplainable. Kahit na madami ng nagbago, kahit masakit yung lagi syang malayo, at kahit mahirap na wala sya sa tabi ko, hindi ko pa din ipagpapalit yung pagmamahal na meron ako. Something I learn about long distance relationship its hard, but because of her, everything becomes, worth it. She is worth all the pain and sacrifices. True love, I must say.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 24, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

13months and 22daysWhere stories live. Discover now