C. 17-20

614 7 0
                                    

CHAPTER 17

Lumipas ang mga araw, matiwasay ang relasyon nila James at Devon, inspirado si Devon sa pag-aaral dahil hindi na lamang ang pamilya nya ang kanyang inspirasyon, nakadagdag na si James. Matataas ang kanyang mga marka at aktibo sya sa campus. 

Naging isang malaking balita ang engagement nya kay James, kilala na sya ng buong bansa at malamang pati sa ibang bansa dahil kay James. Marami ang nagpahayag na inspirado sila sa lovestory nila James and Devon, ngunit mas marami ang nagtaas ng kilay, at nainggit kay Devon. May ilang panayam na rin syang pinaunlakan, pili lamang at kapag kasama lamang si James. 

Sa unibersidad na kanyang pinapasukan tingin nya ay mas lalong nainis ang iba sa kanya. Mayroon pa ngang nakaka mis-interpret sa kilos nya dahil kapag may nagtatanong sa kanya ng tungkol sa kanila ni James ay hindi sya palakwento. Bagay na ginagawang issue ng iba kesyo masyado na daw mataas ang ihi nya. Ngunit hindi sya naaapektuhan dahil alam naman nya ang totoo at nagpapasalamat sya sa mga kaibigan na laging nandyan para sa kanya. 

Naglalakad si Devon sa pathway ng unibersidad ng may tumawag sa kanya. Hindi siya masusundo ni James sa araw na yon dahil nasa out of town shoot ito. Gusto man sya nitong isama pero hindi pwede dahil sya ay may klase pa. 

"Hey, buddy" tawag ni Ivan sa kanya.

"O buddy, kamusta" tuwang niyakap ni Devon si Ivan dahil sa sobrang miss nya dito.

"Whoa, you miss me that much ha. Hmm, celebrity ka na ngayon buddy" wika ni Ivan kay Devon. 

"Anong ginagawa mo dito? Madaya ka, hindi ka nagpaparamdam" 

"I got busy you know naman I came from a business trip abroad, ikaw tampo ako sayo ha. You didn't even bother to tell me that you have a celebrity for a boyfriend and now fiance." wika ni Ivan, pero sa kaloob-loban nito ay nasasaktan. 

Dahil narito, ang babaeng minamahal nya ng napakatagal ng panahon ay pag-aari na ng iba. Kailangan nya nalang maging masaya para dito dahil kakaiba ang aura nito. Halatang masaya sa mga pangyayari sa buhay. 

"Sayang, out of town sya ngayon sana nandito sya para nameet mo din sya. " pahayag ni Devon. 

"So that means, I can have all your time today. I'm inviting you for a snack and I'll take you home, miss ko na sila ate at sila tita lyn. Ok lang ba?"tanong ni Ivan.

"Ano ka ba buddy, tara na. " umabrisyete pa si Devon kay Ivan habang patungo sila sa sasakyan nito.

Ikinuwento nya kay Ivan ang mga pangyayaring namiss nito, kung paano sila nagkakilala at naging magkasintahan ni James. Sinabi nya dito kung gaano nya kamahal si James at masaya sya sa piling nito. Habang si Ivan naman ay patuloy na nasasaktan, ngunit wala na syang magagawa. Kung maibabalik lang nya ang panahon, gumawa na sya ng paraan para masabi kay Devon na mahal nya ito.

*******

"Good, these photos are great Jezziel. Magaling ang nakuha mong tao. Maasahan kang PA." wika ni Enna sa bagong PA nito na si Jezziel. Nasa mga kamay nya ang mga kuhang larawan ng PI na kinuha nito upang subaybayan si Devon. Napangiti sya ng mapagmasdan ang mga larawan. 

"Hmmm, look what we have here, the celebrity's fiancee hugging an unknown man. " masayang wika ni Enna. Nasisiguro na nya ang tagumpay sa kanyang balak. 

FAIRYTALE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon