Grow old with you (Spin the bottle SEQUEL)

52.6K 1K 239
                                    

Grow old with you

  (sequel of spin the bottle)

by: butterfliesinmyhead

***********    

 "Goodnight, my L." huling text niya kagabi na paulit-ulit kong binabasa. Eh sa tinawag niya akong my L eh. Nakakakilig kaya. Pero bukod dun, wala pa rin siyang paramdam eh. Ni hindi man lang ako tinext kaninang umaga. Hay na'ko. Kung sabagay nag-dodoubt nga ako, kung totoo yung sinabi niya na mahal niya ako. Ni hindi ko nga feel eh. Ni parang wala ngang kami eh, Ay mali. WALA NAMAN TALAGANG KAMI. Ansaket lang, hindi niya naman kasi ako niligawan. 

"Hello, Lara." bumalik ako sa wisyo nang binati ako ni Anne na nakasalubong ko.  

"Hello," sagot ko with grimacing at nagkahiwalay na kami ng landas.  

 Pumasok na ako ng room at diretsong umupo sa upuan ko. Bago ako maupo tinignan ko muna yung paligid at hinahanap siya baka malay mo pumasok na pala ganun lang talaga siya.  Lumingon, tumingin, hinanap ko kung saan-saan pero wala naman. Wala pa pala siya. Eh baka naman lumabas lang yun?  

"Nakita mo ba si laurence?" tanong ko sa katabi ko. Inilapag ko yung bag ko at naupo.  

"Hindi eh... Baka hindi pa dumarating," sagot niya. Tumango ako. Ano ba ang nangyayari? Okay lang naman na hindi niya ako ligawan. Masaya naman kaming umuuwi. Ay joke. Tahimik pala kami pag-umuuwi. Wala eh. Ewan ko sa kanya. Nakakainis nga eh. Ang lungkot-lungkot akala ko noong una masaya pero hindi pala.   Isinubsob ko nalang yung ulo ko sa table chair ko at iniligay ang earphones sa tenga ko. May 30 minutes pa para umiglip. Gusto ko munang matulog. Masyado akong na-iistress.

 Hindi ko namalayang nakatulog ako. Naramdaman ko nalang may nangangalabit sa akin. Nagising ako ng gulat dahil baka may teacher na. Agad-agad kong tinanggal yung earphones ko at iniangat ang ulo ko.  Si Marise, 'yung katabi ko pala.  

"Sa IT daw tayo," sabi ng katabi ko.  

"Una na ako ha?" dagdag pa nito. Ako nalang pala ang maiiwan dito. Tumango na lang ako at kinuha yung notebook, ballpen at footsock ko. Bago ako lumabas ng room, ay sinilip ko muna kung nandoon na yung bag ni Laurence sa upuan niya. Tama naman. Nandoon siya.  At least, hindi siya absent. Hay na'ko. Sabi sayo Lara, eh. Pinaglalaruan ka lang nun. Assuming kasi masyado. Buti pa 'tong si Marise, naisipang gisingin ako. Hay. 

"Ms. Martinez!" tawag galing sa likuran ko habang naglalakad ako sa corridor ng IT building namin. Lumingon ako at si Mrs. Madrigal pala ito, yung teacher ko sa Geometry. 

  "Good afternoon po,"  bati ko. "Ano po 'yun, Ma'am?" dugtong ko pagkatapos kong yumuko sa pagkakabati.  

"Ah, naiwanan ko kasi yung flash drive ko sa AVR. Pwede bang pakuha nandoon lang yun sa drawer na lalagyanan ng speaker," sabi niya. 'Yung AVR is short term for Auditorium, kung saan naghohold ng mga celebrations and occasions. 

"Sige po," sabi ko ng nakangiti. Makakahindi ba ako? Malalate ata ako sa class ko. Patay ako nito! Napabuntong hininga nalang ako at dumiretso na ako sa AVR. Hindi na ako naglagay ng foot sock. Kukunin ko lang naman yung flashdrive ni Ma'am eh. Tsaka baka wala ding tao dun.


Halos hingalin na ako nang makarating ako sa AVR sa bilis ng lakad ko since sa kabilang building pa ito.  Sinilip-silip ko yung loob, pero naalala ko, TINTED nga pala ito. Buang ka gyud. Pumasok ako sa loob. 

"Ay ang dilim!" sigaw ko. Ano ba yan! Nakakatakot. Asan ba yung switch ng ilaw? URGHHHHH!     Tinary kong lumakad habang kinakapa ang kalawakan. Pero sympre nakapikit ako baka kung ano ang makita ko eh. Ahehehe. 

Grow old with you (Spin the bottle SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon