Chapter 14

2.6K 136 24
                                    


Hindi nakapasok sina Vice at Karylle matapos ang ganap ng gabing 'yon. Masyadong nasaktan si Karylle kaya hindi niya alam kung paano niya haharapin si Vice na parang walang nangyari. Si Vice naman ay tila ganoon din naman ang nararamdaman na may kasamang guilt. Hindi sila nag-uusap. Walang pakiramdaman.

Nang pumasok si Vice makalipas ang dalawang araw, hindi pa rin pumasok si Karylle. Nagtatanong na ang mga kasamahan niya at ang direktor nila. Ang tanging sagot niya lang ay masama ang pakiramdam. Hindi niya masabi sa mga kaibigan ang totoo dahil hindi niya ito alam kung paano sisimulan o kung dapat pa bang sabihin. Malaking problema ang kinakaharap nila ni Karylle dahil malaking posibilidad na maapektuhan na talaga ang trabaho nila. Nag-iisip ng tawagan ni Vice o puntahan si Karylle para kamustahin ito dahil baka may nangyari pero nawawalan din siya ng lakas ng loob. At para umiwas na lang panandalian sa malaking problema, inaya na lang niya ang mga kaibigan niya na lumabas at uminom.

Maraming kasama si Vice noon bukod sa mga kasama niyang bading. Sa gabi na walang humpay na party, nagladlad muli siya. Lumandi kasama ng mga kaibigan at sa ganoong estado niya ay hindi maiwasang may lumapit sa kanya at magpakilala. Hindi naman ito iniwasan ni Vice. Nagtataka rin ang mga kaibigan niyang bakla dahil alam nga nila na girlfriend niya si Karylle. Wala silang ideya sa totoong problema ng dalawa. Hinayaan na lang nila at nag-enjoy lang sila. Halos ala-una, nang biglang maaninagan ni Vice si Karylle mula sa entrance ng bar. Napahinto siya sa pag-inom at paglalandi sa kasama niya noong lalaki. Lumapit siya ng bahagya para masiguro kung si K nga ang nakikita niya. Naka-black shorts ito, pink sneakers at white printed shirt. Sa isip niya, ganoon talagang pumorma si Karylle. Lumapit pa siya... nakatingin lang sa kanya ang babae.


Vice: K?


Hindi siya sumagot. Akala ni Vice ibang tao na. Babalik na dapat siya sa pwesto niya nang lumingon siya ulit sa babae. Nakatingin pa rin ito sa kanya. Lumapit pa siya ulit.


Karylle: So you're having fun there? With those guys? *galit na kaagad ang tono*

Vice: A---anong ginagawa mo rito?

Karylle: I received a call. And he's too concerned with your actions. Flirtatious actions.

Vice: Sinong kaibigan? Atsa--- at saka, bakit ba nagagalit ka?

Karylle: Dahil sa mga ginagawa mo.


Nabigla si Vice. Napikon siya dahil sa tingin at isip niya wala siyang ginagawang mali.


Vice: Ano bang mali sa ginagawa ko? Wala naman na tayo di ba?

Karylle: Ito ba talaga ang gusto mo? Ganito na lang ba ang gusto mo? Iniwan mo 'ko para lang sa ganito?

Vice: Sige na, ikaw na ang mabuti! Pero wala ka ng magagawa. Tanggapin mo na lang na kahit kailan hinding hindi mo na 'ko mababago. Ganito na 'ko.

Karylle: *naluluha* Wala akong planong baguhin ka, Vice. Hindi ko hiningi sa 'yo 'yon. Pero wag naman sana kita makita na ganito. Kasi nasasaktan ako... sobrang nasasaktan ako!


May mga tao ng nakakapansin na nag-aaway sila kaya nilapitan sila ng mga kaibigan ni Vice at sinabihan sila. Dinala ni Vice si Karylle sa labas ng bar sa may gilid para wala masyadong tao.


Vice: Ano bang gusto mo sa akin, Karylle? Pinagbigyan na kita. Minahal kita. Pero hindi na talaga ako masaya. Ano bang gusto mong gawin ko? Wala na akong maibibigay sa 'yo.

Deciphered -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now